CHAPTER 17: THE REAL TARGET
POINT OF VIEW: ZARREN KANG
Bakit bigla na lang may namaril? Bakit si Warren? Anong meron kay Warren? Si Warren ba ang tunay na Target? Kung hindi si Warren at nagkataon lang na s'ya ang tinamaan, sino naman kaya? Ako? Imposible, ang layo ko masyado para magkamali ng ganon ang lalakeng iyon. Si Karren? Bakit naman si Karren? Puro kaartehan lang naman ang alam ng isang yun! May SFTNCP pang nalalaman! At dinamay pa ako! Ako naman, pumayag! HAAAAAAAAY! Nu na ba itong pinasok ko! TSK! Pero ano nga kayang motibo ng pamamaril? Haaaaaaaaaay! Kung hindi lang sana pinatay ng Darren na yun kanina ang walang-hiyang lalakeng iyon, edi hindi na sana ako nag-iisip pa ngayon! HAY! Kung bakit kase umeksena ang lalakeng yun kanina! Imbes na baliwin ko pa ang sarili ko sa pag-iisip eh nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik ng Campus. Pagdating ko sa gate, nakita ko mula sa loob na halos mapuno na ito ng mga nakikiusisa, reporters at mga pulis. May Police Lane na ring nakalagay sa gate kaya naman hindi na ako doon dumaan. Pumunta ako sa pader at doon umakyat. Syempre, dun sa parte ng pader na walang makakapansin sakin ako umakyat. Pagbaba ko sa school ground ay bumalik ako dun sa pinangyarihan kanina kung saan nakita ko si Larren at Karren na may kausap na pulis. Nilinga ko ang puno na pinagtaguan kanina noong lalake. Kung ibabalik ko ang sitwasyon kanina noong lumipat nang pwesto sa aking kaliwa si Warren habang nasa kanan ko naman si Larren at nasa harapan ko naman si Karren, malabong si Karren ang puntirya n'ya dahil paniguradong walang sagabal sa kanyang pagbaril noong mga oras na iyon. Kung si Warren naman ang tunay n'yang puntirya, bakit hindi n'ya ito napuruhan samantalang open na open noon ang pwesto ni Warren? Bakit isang daplis at isang derekta lang nang bala ang tumama sa kanya? Noong makalaban ko ang lalake kanina, halatang magaling din ito at hindi basta-basta para pumalya sa simpleng pagbaril. Kung hindi si Warren o si Karren at lalo namang hindi ako, isa na lang ang natitira...si Larren. Pero bakit? Napatingin ako sa dereksyon ni Larren at saktong napalingon din ito sakin. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot noong magtama ang aming mga mata dahil sa tuwing mapapatingin ako sa kanya, ang palagi kong naiisip ay ang nangyari sa relasyon naming dalawa. Nakita kong nagpaalam ito sa pulis mula doon at nakita ko rin noong lingunin ako ni Karren at subukang pigilan si Larren sa paglapit sa akin ngunit, hindi ito nagpapigil at nagtatakbo papalapit sa akin. Gusto ko sanang lumayo sa kanya pero naisip ko naman, bakit pa samantalang tapos na naman ang lahat sa amin. Kaya imbes na umiwas ay napayuko na lang ako habang papalapit ng papalapit ito sakin at....
"SAN KA BA NAGPUNTA?!!!" bulyaw nito sakin sabay hawak sa magkabila kong balikat! Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat! Ano bang nangyayari sa kanya? Nakita ko ang mukha nito, magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang ang kanyang mga mata naman ay puno ng pag-aalala. Nag-aalala pa rin ba s'ya sakin hanggang ngayon?? Bakit?? Bakit ba patuloy pa rin s'yang ganito?? "ANO?!!" sabi nito sabay uga sakin! Hindi ko naman magawang umimik dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon. "AYOS KA LANG BA?? HA?!!" sabi pa ulit nito. Bakit ba hindi niya ako magawang kamuhian?? Ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya para tuluyan na n'ya akong kalimutan?? Naramdaman ko ang unti-unting paglabo ng aking mga mata dahil sa namumuong mga luha. Narinig ko naman ang kanyang pagbuntong-hininga pagkatapos ang sunod ko nang naramdaman ay ang...
MAHIGPIT NIYANG PAGYAKAP SAKIN.
CHANGE OF P.O.V: LARREN WONG
"Nakita n'yo ba ang taong bumaril?" tanong nung pulis. Hay! Ano ba naman yan, paulit-ulit lang naman ang tinatanong n'ya! Napatingin ako sa gate. Asan na ba si Zarren!! "Sir..." sabi nung pulis at muli akong napatingin sa kanya "Hindi ko nga ho nakita, masyadong mabilis ang pangyayari!" ang halos pasigaw ko nang sagot dahil sa yamot! Asan na ba si Zarren? Bakit pa s'ya umalis kanina? Ano bang nasa utak n'ya at ginawa n'ya yun?! "Kung ganon, may kakilala ba kayong kaaway n'ya??" tanong nung pulis. Napatigil naman ako. Kaaway n'ya? Aba ay marami! Sa dami hindi ko na mabilang. "Wala!" pagsisinungaling ko at alam ko namang labas dito ang away gang ni Warren. Mayayabang ang mga yun para mamaril ng taong nakatalikod sa kanila. Tumango-tango naman yung pulis pagkatapos ay naglipat ng tingin kay Karren. Napahinga ako nang malalim at muling iniisp kung saan nagsuot si Zarren. Ang sabi ko kagabi sa aking sarili matapos n'yang makipaghiwalay sa akin ay kakalimutan ko na s'ya at pipiliting magmukhang okay sa harapan n'ya at mukhang nagawa ko naman yun kanina pero hindi din nagtagal! Hindi ko kayang hindi mag-alala para sa kanya lalo na ngayon! Asan na ba kase s'ya?! Napalingon ako sa aking paligid at dun! Mula sa di kalayuan, nakita ko s'ya habang tila malungkot na nakatingin sa akin! Bakit? May masama kayang nangyari sa kanya?!! Lalapitan ko na sana s'ya kaya lang pinigilan ako nung pulis, napatingin naman sa aking si Karren. "Lalapitan ko lang yung kaibigan ko..." sabi ko tumango naman yung pulis habang si Karren naman ay napatingin sa dereksyon ni Zarren at noong makita niya ito ay pinigilan n'ya ako. "San ka pupunta!" sabi nito sabay hawak sa aking braso "Bitiwan mo nga ako!" sabi ko sabay alis sa kanyang kamay at takbo sa dereksyon ni Zarren. Napayuko ito noong makitang papalapit na ako sa kanya. "SAN KA BA NAGPUNTA?!!!" bulyaw ko sa kanya sabay hawak sa magkabila niyang balikat! Halata namang nagulat ito dahil sa pagkakatingin niya sa akin! Ano ba kaseng naisip niya kanina at ginawa n'ya yun?! Nababaliw na ba s'ya?!! Pano kung may masamang nangyari sa kanya?? Ano na lang gagawin ko?! Ano na lang ang mararamdaman ko!! "ANO?!!" sigaw ko sabay uga sa kanya. Nanatili lang s'yang tahimik at walang kibo habang nakatingin sa akin. Bakit ba hindi ko magawang magalit sa kanya?? Ganon ko na ata s'ya kamahal para balewalain lahat ng mga sinabi at ginawa n'ya sakin!! Tama mahal na mahal ko s'ya pero anong mgagawa ko, ayaw na n'ya. "AYOS KA LANG BA?? HA?!!" sabi ko ulit. Hindi pa rin ito nagsalita. Sa halip ay tanging yung mga luha na namumuo sa kanyang mga mata ang sumagot sa lahat ng aking mga tanong. Ayos lang s'ya, walang nangyari sa kanya. Napabuntong-hininga ako at niyakap ko s'ya nang mahigpit at hindi naman s'ya nagprotesta ngunit hindi ko naramdaman ang pagyakap nito pabalik sakin. Ayos lang, wala naman sigurong masama kung patuloy akong mag-aalala para sa kanya. Wala naman sigurong masama kung patuloy ko s'yang mamahalin...
BINABASA MO ANG
My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)
General FictionAno nga ba ang nagtutulak sa isang tao para magbago?? Gaano ito katagal bago lubusang mangyari?? Higit sa lahat, sino nga ba ang taong makakatanggap sayo, oras na magbago ka??