Two Bullets

2.1K 47 0
                                    

CHAPTER 14: TWO BULLETS

POINT OF VIEW: LARREN WONG

Kanina pang nag-umpisa ang practice game namin dito sa GYM at kanina ko pa ring naririnig ang paghiyaw ni Karren Jang mula doon sa bleachers. Hindi ba pumasok ang isang yun?? "GOOOOOOOOOO MAH LOVES!!!!" paulit-ulit nitong sigaw! Mah loves?? Di ba s'ya napapahiya sa ginagawa n'ya?? Kabukod tangi s'yang sumisigaw mula doon sa bleachers kahit kanina noong siya pa lang ang nanonood! S'ya lang ang paulit-ulit na nasigaw at nag che-cheer na para bang tunay na laro na itong ginagawa namin ng team mates ko! Yung ibang mga babaeng nanonood eh tila nahihiyang ng sumigaw dahil sa kanya. Parang baliw! "GOOOOOOOOOO LARREN!!! GO MAH LOVES!!!!" sigaw muli nito, hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang tutal ay sanay na ako sa ginagawa ng isang yan. Napatingin ako sa entrance nitong GYM noong mapansin ko ang pagpasok ng isang babae. Akala ko ay si Karren, hindi pala. Napatingin ako sa malaking orasan dito sa GYM. 5:30 na, bakit kaya wala pa s'ya eh malapit lang naman yung condominium n'ya mula dito?? Di bale, baka papunta na yun...

CHANGE OF P.O.V: KARREN JANG

Sige Author! PUSH MO YAN! Magkakasundo tayow sa ginagawa mow! *Wink!*

"GOOOOOOOOOO LARREN!!! GO MAH LOVES!!!!" paulit-ulit kong sigaw mula noong dumating ako dito sa GYM kaninang 3:00! Hahaha! Oo, kanina pa akong 3:00 dito, nagcutting ako para kay Larren Mah loves!! Para mapanood ko s'ya!! Hahahaha~! Naririnig ko naman ang pagbubulungan ng mga chararat na echoserang frogelita sa aking paligid! And Damn if I care!! Wala akong pake sa kanila ngayown, importante sakin eh mapansin ako ni Labidooooooooooooooo!!! Ang gawapo-gawapo talaga n'ya kahit kelan!!! >////////////////////< "GOOOOOOOOOO MAH LOVES!!!!" sigaw ko ulit habang nagtatalon sa tuwa dahil nakashoot na naman s'ya ng three points! Kahit yung mga echoserang frog sa paligid ko eh nadala din!!! Go pagptuloy n'yo yan!!! Di naman kayo papansinin ni Labidoooo ko, kung ako ngang Campus Princess eh snob lang sa kanya, kayo pang mga mukhang patay na kuko?!!! Asa pa naman kayow!!! What?? Anong tanong n'yo?? Yung si Zarren?? Yung pagbabantay ko sa kanya?? Nahhh! Wala akong care sa kanya ngayon!!! Mamaya na s'ya pagkatapos ng game!!! Pero, bakit out of sight nga ang chararat na yun?? Di ba dapat nandito s'ya para panoorin ang kanyang Jowa?? Ahhhh~ baka nagde-date pa sila ni Warren!!! Malandi s'ya!!! Kakalbuhin ko talaga s'ya kapag napatunayan ko kay Mah loves ang ginagawa n'ya!!! Humanda s'yang talipandas at haliparot na babae s'ya!!!

"GOOOOOOOOOO MAH LOVES!!!! *KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!*"

CHANGE OF P.O.V: WARREN HAN

Halata ang pagkagulat ni Zarren noong hawakan ko ang kanyang kamay pagkalabas niya nang building. Kanina kase, kapansin-pansin ang kanyang pagmamadali sa paglabas ng room kaya naman palihim ko itong sinundan, malakas kase ang kutob kong gagawin na niya ang kanyang misyon kaya sinundan ko s'ya. "Anong ginagawa mo?!!" bulong nito habang galit na nakatingin sa akin. "Si Mrs. Go ba?" tanong ko sa kanya. Natigilan naman s'ya at hinigit ang kamay mula sa akin at umiwas ng tingin "Pakiusap, wag ka nang makialam." sabi nito sabay lakad. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko noong buksan niya ang kotse ni Mrs. Go kahit na walang susi! Ni hindi manlang ito nahirapan, halatang sanay na s'ya sa ganong gawain. Bago ito sumakay sa loob ng sasakyan ay tiningnan muna ako nito na para bang sinasabing UMALIS-KA-NA-WAG-KANG-MAKIKIALAM! Pagkatapos ay sumakay na ito sa loob at isinara ang pinto ng kotse ni Mrs. Go. Agad naman akong lumayo sa lugar at kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa at agad na tinawagan si June, isa sa mga Gang members ko. "Hello Tol!" sabi nito sa kabilang linya. Oo, Tol lang ang tawag sakin nang mga gago kong members. Mas okay na ako sa ganong tawag kesa sa Boss etc. "Dalahin mo sakin ngayon din ang aking Motor dito sa Academy! Bilisan mo!" utos ko sabay end ng call. Makalipas ang halos 15 minuto, nakita ko naman itong si Mrs. Go na papalabas na ng building! T@NGIN@! Asan na ba si June?! Lumapit na ito sa kanyang sasakyan at makalipas lang ilang segundo ay nakasakay na ito! AGH! Pano na?! Narinig ko noong magstart ang engine ng sasakyan nito at maya-maya lang ay nakita ko na ang dahan-dahan nitong pag-andar! Hinabol ko ang sasakyan hanggang sa makalabas na ito sa Gate ng Academy pero ano namang magiging laban ko sa paghabol sa isang kotse?! AN@K NG--- "TOL!!!" napalingon ako sa aking kaliwa at ayun! Nakita ko ang gagong si June sakay sa aking motor! Agad akong lumapit dito at sinabihan s'yang bumaba. Bumaba naman ito at sumakay na ako at mabilis na pinaandar ang aking motor para habulin ang kotse ni Mrs. Go kung saan din sakay si Zarren.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon