Face off

1.7K 32 0
                                    

CHAPTER 34: Face Off

POINT OF VIEW: ZARREN KANG


Pagkalabas na pagkalabas ko sa impyernong lugar na iyon kung nasaan si Mr. Nam at ang iba pa niyang Assassin ay agad na akong sumakay saking kotse at doo'y sandaling nag-isip tungkol sa mga sinabi nito kanina. Napatawa ako at napailing saking sarili noong maalala ko ang sinabi nitong matutuwa daw sya kung kasama ako ni Larren kapag dumating ang araw na ipasa na niya ang lahat dito.


Nababaliw na sya para isipin na gugustuhin kong makasama ang anak niya ng dahil sa pera at kapangyarihan. Nababaliw na sya kung iniisip niyang magagawa kong kalimutan ang lahat ng atraso ng kanyang pamilya sakin ng dahil lang sa salapi. Nababaliw na sya kung iniisip nyang tulad pa rin kami ng dati ng kanyang anak na si Larren. Nababaliw na sya kung iniisip nyang mahal ko pa rin ito tulad ng dati.


Muli kong inilabas mula saking bulsa ang I.D ni Warren at sandali itong tiningnan. Habang nakatingin ako dito, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari sakin kasama sya. Yung misyong ko sa Chemistry teacher namin na si Mrs. Go, nandun sya noong patayin ko ito. Hindi niya ako iniwan, hindi sya natakot sakin kahit na nakita nya kung papaano ako pumatay. Hindi niya ako iniwan at hinusgahan kahit nung nalaman na niya ang tunay kong pagkatao. 


Sa tuwing nagkakalabuan at nag-aaway kami ni Larren, maging sa panahon na iyon ay nandun sya at pinapayuhan ako sa dapat kong gawin. Nandun sya para pagaanin ang loob ko. Nandun sya parati para patahanin ako sa tuwing umiiyak ako ng dahil kay Larren. Kahit nga nung magkulong ako sa loob ng aking banyo ay nandun din sya. Itinaya pa niya ang buhay nya mailigtas lang ako. Kahit nung magkasakit ako dahil sa pagpapakabasa ko sa ulan, nandun din sya at inalagaan ako. 


Tulad na lang nitong nakaraan. Sya ang nagdala, nagbantay at nag-asikaso sakin nung mabaril ako. Hindi niya ako iniwan sa ospital ng mag-isa. Mabuti syang tao kahit na minsan mayabang sya at pashonga-shonga. Mabuti syang tao kahit na madalas syang isip bata. Mabuti syang tao kahit na mabilis uminit ang kanyang ulo ng dahil lang sa maliliit na bagay. Mabuti syang tao kahit na para syang halimaw kung makipagbugbugan.


Napatawa ako saking sarili nung maalala ko nung sabay naming nilampaso ang halos dalawang dosenang Gangster na humarang samin sa paglalakad papunta sa school. Para talaga kaming ewan nung mga panahon na yon, at nakuha pa naming tumawa pagkatapos kahit na puno kami ng mga sugat at pasa! NAKAPASOK PA NGA KAMI EH at nakuha pa niyang muling makipagbugbugan!


SIRA ULO TALAGA.


Muli akong napangiti saking sarili at napahinga ng malalim noong mapatingin ako sa larawan nito sa kanyang I.D. Sa muli kong pag-alis at paglayo sa lugar na ito kasama ng aking ina, pagkatapos ng aking misyon, nasisiguro kong isa sya sa mga taong hindi ko makakalimutan.


S'ya na ubod ng gulo...

S'ya na ubod ng yabang...

S'ya na ubod ng ingay...

S'ya na tinatawag ang kanyang sarili na Gang Leader...

S'ya na nagugustuhan ng lahat dahil sa kanyang gwapong mukha at magandang pangangatawan...

S'ya na tinaguriang Campus Prince...

S'ya na nakasama ko sa paglalakbay ko sa lugar na ito...

S'ya na...

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon