RESBACK

1.7K 43 1
                                    

CHAPTER 22: RESBACK

POINT OF VIEW: ZARREN KANG

"Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok ngayon??" patuloy na pangungulit ni Warren habang papalabas ako nang kanyang kwarto. "Oo nga, ang kulit mo ah!" singhal ko sa kanya habang patuloy sa paglalakad. 6 am na kase, at kung magpapapetiks-petiks pa ako eh mahuhuli kami sa klase. "Baka kailangan mo pang magpahinga! Ang taas kaya ng lagnat mo kagabi..." sambit pa nito noong nasa may pinto na kami nang unit n'ya. "Kaya ko na, wag kang O.A! Hindi ako mamatay dahil sa simpleng lagnat lang..." sabi ko sabay bukas at labas ng kanyang unit. "Pshhh~ Tao ka pa rin ano!" sermon pa nito mula sa aking likuran. "Kaya ko na nga! Isang imik mo pa bibigwasan na kita!!!" banta ko sabay hakbang at tingin sa dereskyon ng aking unit. Bigla akong natigilan noong makita ko ang lalakeng nakatayo mula doon, si Larren! "Magpahinga ka nga kase muna..." pahabol pa nitong si Warren. Nakita ko namang napalingon sa aming dereksyon si Larren dahil ata sa lakas ng boses ni Warren na patuloy sa pangungulit sakin. Halatang nagulat ito noong makita ako o mas dapat sabihing nagulat ito noong makita kaming dalawa ni Warren na magkasamang lumabas sa unit n'ya? "Anong nangyari sayo?"

CHANGE OF P.O.V: WARREN HAN

"Magpahinga ka nga kase muna..." sabi ko noong lumabas na ito nang aking unit. Sumunod naman ako sa kanya at patuloy s'yang kinukulit na magpanginga muna! Aba, mahirap na, baka mabinat pa s'ya. Teka? Bakit parang natulala na s'ya? "Anong nangyari sayo?" tanong ko sabay tingin sa dereksyon na kanyang tinitingnan, si Larren? Ang aga naman n'ya?! Napatingin ako sa hawak ni Larren, may dala s'yang bouquet of roses. Muli akong napatingin kay Zarren. Mukhang may dapat silang pag-usapan "Maliligo na ako." sabi ko at pumasok na uli ako sa loob ng aking unit para bigyan sila nang pagkakataong mag-usap.

CHANGE OF P.O.V: LARREN WONG

Maaga akong gumising ngayong araw para puntahan sa kanyang unit si Zarren pero bago yun, dumaan muna ako sa isang Flower Shop at bumili ng isang Bouquet ng kulay carnation-pink na rosas para sa kanya. Alam ko kaseng ito ang paborito niyang kulay ng paborito niyang bulaklak. "Thank you." sabi ko dun sa tindera pagkaabot ko nang bayad sa kanya. Agad na akong bumalik sa aking kotse at inilapag sa passenger seat ang bulaklak na ibibigay ko kay Zarren. Tulad ng sinabi ko kahapon sa aking sarili habang kumakanta s'ya, hinding-hindi ko s'ya isusuko habang wala akong nakikitang malinaw na dahilan para gawin ko iyon. Kung ang rason niya kung bakit hindi ko na s'ya pwedeng mahalin ay dahil iba na siyang tao, pwes, muli ko s'yang liligawan bilang si Zarren. Mahal ko s'ya at alam kong mahal din niya ako kaya naman ipaglalaban ko s'ya. Muli ko nang binuhay ang makina ng aking kotse at agad na nagmaneho papunta sa Auravel Condominium. Pagdating ko sa pintuan ng kanyang unit ay agad akong nagdoorbell ngunit, walang nagbukas ng pinto. Wala na naman ba s'ya? Muli akong nagdoorbell ngunit lumipas muli ang ilang minuto ay wala pa ring nagbubukas. Magdodoorbell na sana akong muli nang marinig ko naman ang malakas na boses ni Warren "Magpahinga ka nga kase muna..." lumingon ako sa aking kaliwa at doon, nakita ko si Zarren nakatayo habang nakatingin sa aking dereksyon. Sa kanyang likod naman, nandoon si Warren. Galing s'ya unit ni Warren nang ganito kaaga? Nakita kong tila may ibinulong pa itong si Warren bago muling pumasok sa kanyang unit. Nakita ko namang napahinga ng malalim itong si Zarren bago humakbang papalapit sa akin. "Good morning..." sabi ko noong nasa harapan ko na s'ya. "A---anong ginagawa mo rito?" tanong nito. Napangiti ako at napatingin sa aking hawak "Para sayo." sabi ko habang iniaabot sa kanya ang bulaklak. "Larren..." sabi nito sabay tingin sakin nang deretso "bakit mo pa ba ginagawa ito?" sabi pa n'ya. Napaiwas ako nang tingin at ibinaba ang bulaklak na hindi niya tinanggap "Dahil ba kay Warren?" deretsahan kong tanong sa kanya. "Si Warren?!" ang tila gulat naman nitong nasabi. Napasmirk ako at muli napatingin sa kanya "Galing ka sa unit n'ya nang ganito kaaga..." sabi ko sabay tingin sa suot niyang damit "Kanyang damit yan hindi ba?" sabi ko pa at napatawa ako nang mahina. "Sa unit ka ba n'ya natulog?" sabi ko. "Ano?!" singhal nito sabay tingin sa kanyang suot at tila bigla s'yang natigilan noong makita iyon. "Mali ka sa iniisip mo..." dipensa agad nito sabay muling tingin sa akin. Mali? Eh ano palang ibig-sabihin nitong mga nasaksihan ko ngayon-ngayon lang? Kitang-kita namang natulog s'ya at humiram ng damit sa isang lalake! "Bakit hindi mo na lang ako deretsahin?!" sabi ko sa kanya. "Ano bang pinagsasasabi mo?!" halos pasigaw na sabi nito habang magkasalubong ang dalawa n'yang kilay. "Bakit hindi mo na lang sabihin sakin na gusto mo s'ya!" singhal ko sa kanya sabay hawak saking batok. Napahinga naman s'ya nang malalim "Ano bang sinasabi mo dyan? Mali ka nang ini----" hindi ko na s'ya pinatapos pa sa kanyang pagsasalita. "Napakatanga ko para isipin na muli kang ligawan bilang si Zarren, tama ka nga. Hindi na ikaw si Karren na nakilala ko." sabi ko sabay bitaw nung bulaklak. Nakita ko namang napatingin doon si Zarren. Hindi na nga s'ya si Karren, hindi lang pangalan n'ya ang nag-iba. Mali ako para isiping mahal ko pa s'ya hanggang ngayon. Marahil nga ay tama s'ya, nabubuhay na lang ako sa nakaraan. Tumalikod na ako sa kanya at akmang maglalakad na papunta sa elevator ng bigla naman s'yang magsalita "Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan mo ngayon..." sabi nito. Natigilan ako pero hindi ako lumingon sa kanya. "At hindi naman kita masisi kung pag-iisipan mo ako nang ganan ngayon..." sabi pa nito at narinig ko pa s'yang napabuntong-hininga "Mahal kita kaya hindi ko magagawa kung ano man yang nasa isip mo ngayon." muli ko s'yang nilingon "Mahal mo ko?" sarkastiko kong sabi sabay tawa "Sinungaling." sabi ko sabay iling "Pwede ba, wag mo na akong paglaruan. Sige na, tanggap ko na. Hindi mo na ako gusto, s'ya na ang gusto mo..." sabi ko sabay talikod "Bahala na kayong dalawa, pakasaya kayo!" pahabol ko at tuluyan na akong sumakay ng elevator at umalis. Sinayang ko lang ang oras ko sa kanya. Nagmukha lang akong tanga!

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon