CHAPTER 6

4.6K 87 5
                                    

CHAPTER 6: TOGETHER AGAIN


~LARREN~

"I miss you. I miss you so much..." bulong ko kay Karren matapos kong halikan ang kanyang tenga.

Patuloy parin s'ya sa kanyang paghagulgol habang nakatakip ang kanyang mukha.

Inalis ko ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha at iniyakap iyon sa aking bewang.

Muli ko s'yang niyakap ng mahigpit habang hinahaplos ang likod ng kanyang ulo, habang s'ya naman ay ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"Anong nangyari?" mahinahon kong tanong dito. Naramdaman ko naman ang paghigpit nang kanyang yakap habang patuloy parin sa pag-iyak.

Narito kami ngayon sa tagong bahagi ng garden nitong Academy. Dito ako dinala ng mga paa ko kanina. Marahil dahil alam kong wala masyadong pumupunta dito.

Hinayaan ko lang s'yang umiyak ng umiyak. Hinintay ko s'yang kumalma bago ako muling nagsalita.

"Anong nangyari sa'yo, hm?" tanong ko dito sabay hawak sa kanyang baba upang iharap ang mukha niya sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata at pisngi. Pagang-paga na ang mga mata niya ngayon dahil sa pag-iyak at sa malamang, ay ganon din ang sa akin.

"Saan ka nagpunta?" tanong ko pa habang pinagmamasdan ang mayat-maya niyang paghikbi.

Hindi s'ya nagsalita. Imbes ay nagbaba ito ng kanyang tingin.

Yumuko ako upang halikan siya sa kanyang noo. Nakita ko naman noong mapapikit ito.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit bakit ngayong yakap-yakap ko s'ya sa aking mga kamay, pakiramdam ko ay panatag na kaagad ako.

Pakiramdam ko ay wala na akong iba pang mahihiling.

"Anong ginawa mo sa loob ng tatlong taon? Saan ka nagpunta? Alam mo bang kung saan-saan kita hinanap?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Napasinghap ito at medyo dumistanya sa aking katawan ngunit nanatili naman ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

Yumuko ito na tila ba ayaw sagutin ang aking mga tanong sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Bakit mo ko iniwan?" sabi ko na nagpagaralgal naman sa aking boses. Ramdam ko ang unti-unting muling paginit ng gilid ng aking mga mata.

"Bakit ka umalis ng walang pasabi?" dito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak.

"Alam mo bang hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa noong iwanan mo ko? Noong mawala ka na lang bigla?" umiling-iling ako habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng aking mga luha. 

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula!" sabi ko habang humihigpit ang hawak ko sa kanyang balikat.

Narinig ko ang muli nitong paghikbi at maya-maya lang ay muli na s'yang humahagulgol sa pag-iyak.

Pinagmasdan ko ang panginginig ng kanyang balikat.

"I----I'm sorry, La---Larren... I'm sorry..." wika nito sa pagitan ng kanyang paghikbi.

Napabuntong-hininga ako at muli siyang niyakap ng mahigpit. Hinalikan ko s'ya sa kanyang pisngi at sinabi ang salitang matagal ko nang nais muling sabihin sa kanya.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon