Men in Black Part 2

1.6K 31 0
                                    

CHAPTER 46: Men in Black Part 2

POINT OF VIEW: ZARREN KANG

(A/N: Sowreeeeee... Walang maisip na Title. ^^v)

"Ibalik nyo sya sa kanyang tirahan at siguraduhing makakapag-empake na sya ng kanyang mga gamit. Pagkatapos, dalhin nyo sya sa lugar na pansamantala niyang tutuluyan habang hindi pa dumadating ang araw ng kanyang pag-alis. Siguraduhin nyong hindi niya kayo maiisahan. Bantayan nyo syang mabuti hanggang sa pagpunta niya sa airport. Maliwanag ba?!" ang maliwanag na utos ng ina ni Warren sa kanyang mga tauhan na kasalukuyang may hawak sakin

"YES, MADAME..." tugon naman ng mga ito sa kanya.

Bago siya tumalikod sakin at tulayang umalis ay binigyan muna ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang gusto niyang iparating sakin na wala akong kwenta, na wala akong binatbat kumpara sa kanya.

Kahit kanina pa akong naiinis dito sa ina ni Warren ay pinigilan ko parin ang aking sarili na makapagsalita ng ano man laban sa kanya.

Pinagmasdan ko ito sa kanyang paglalakad hanggang sa pagsakay nito sa kotse na nasa likod ng kotse kung saan isinakay kanina si Warren. Maya-maya lang, makalipas ang ilang sandali ay tuluyan ng umalis ang dalawang sasakyan.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan lamang ang paglayo ng mga ito hanggang sa mawala na sila saking paningin.

"Tayo na..." sambit ng lalakeng may hawak sa kanan kong braso sabay kaladkad sakin papalapit saking kotse. Isinakay ako ng mga ito sa likod na upuan ng aking sasakyan habang pinagpapagitnaan ng dalawang lalake na kanina pang nakahawak saking braso.

Pagkasakay namin ay sumakay pa ang dalawang lalake. Isa sa driver seat at isa sa tabi nito. Napatingin ako sa magkabilang side-mirror ng aking sasakyan at kitang-kita ko ang pagsakay ng walo pang lalake sa dalawang kotse na nasa likuran namin.

Mukhang seryoso sila sa gagawin nilang pagbabantay sakin.

Pagdating namin sa tapat ng Auravel Condominium, hindi agad ako pinababa ng mga ito. Yung lalake na nakaupo sa tabi ng driver nitong aking sasakyan ang unang bumababa at nakita ko noong magdiretso ito sa front-desk ng Auravel. Sigurado akong kinakausap nito ang mga tao dun.

Maya-maya lang ay bumalik na yung lalake at tinanguhan ang dalawang lalake na nasa aking tabi. Tulad ng aking inaasahan, hindi nahirapan sa pakikipag-usap ang lalakeng ito. Maipluwensyang tao kase ang ina ni Warren.

"Tara, bumaba na tayo..." sambit nung lalakeng nasa aking kanan.

Papasunod na sana ako dito ng mahagip naman ng aking mata ang aking bag. Bigla kong naalala ang passport na kanina ay aking kinuha. Dun ko ito inilagay.

"Sandali lang..." wika ko na nakapagpahinto naman sa lalakeng nasa aking kaliwa.

"BAKIT?!" yamot na tanong nito sakin.

"Yung bag ko, pwede, pakidala??" sambit ko na ikinakunot naman ng noo nung lalake sabay lingon dun saking bag.

"Aong problema??" tanong nung lalakeng kanina ay nakaupo saking kanan. Nasa labas na ito ng sasakyan at kasalukuyang nakasilip dito sa pinto ng aking sasakyan.

"Wala naman." wika nung lalake sabay kuha at dala ng aking bag.

Kasama kong naglakad papasok ng Auravel ang 9 na lalake. 12 ang kabuuang bilang ng mga lalakeng naghatid sakin dito sa Condominium pero 9 lang ang sumama sa loob. Tatlo kase sa mga ito ay naiwan upang magbantay sa mga sasakyan.

Pagpasok namin sa loob ay muling nagpaiwan ang tatlo sa kanila sa lobby. Mukhang doon magbabantay ang mga ito. Nung sumakay kami sa elevator papunta sa palapag kung nasaan ang aking unit ay 6 na lalake na lamang ang aking kasama. Kasama sa anim na ito ang lalakeng may dala-dala ng aking bag.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon