ENDING OUR LOVE STORY

2.2K 39 0
                                    

CHAPTER 15: ENDING OUR LOVE STORY

POINT OF VIEW: LARREN WONG

"Pwede ba, tantanan mo na ako..." sabi ko kay Karren sabay tayo sa bench, kuha ng aking gamit at lakad palabas ng GYM. Wala akong panahong intindihin ang tulad n'ya isa-pa, hanggang kelan ba n'ya ako guguluhin? Hanggang kelan ko ba s'ya kailangang ipagtabuyan? Nakakainis na! Bigla ko na namang naalala si Karren (Kang). Bakit ba hindi s'ya dumating eh may usapan kami? Bakit hindi na s'ya nakabalik samantalang ang sabi n'ya ay magpapalit lang s'ya ng kanyang damit? Bakit ba s'ya ganon? Mula noong bumalik s'ya pakiramdam ko ay hindi ko na s'ya kilala. Napatigil ako sa aking paglalakad. Kasalanan ko ba dahil hindi ko na s'ya tinanong kung saan s'ya nagpunta at kung anong ginawa n'ya sa loob ng halos tatlong taon? Kasalanan ko ba kung bakit ako namomoblema ng ganito sa kanya dahil hindi ko na ginawa pang mang-usisa sa kanya? Kasalanan ko ba dahil hindi na ako nagtanong at inalam ang nangyari? Kasalanan ko nga ba? Napatingala ako sa langit at napahinga ng malalim. Asan naman kaya s'ya ngayon? Sa unit n'ya? Bakit hindi na s'ya nakabalik? Hindi ba s'ya interesadong panoorin ako? Gusto ko sana s'yang itext kaso ang sabi naman niya kaninang umaga ay hindi niya alam kung asan ang kanyang phone. Ibinaba ko na ang aking tingin para sana magpatuloy na sa aking paglalakad ng may maaninag naman akong isang babae na nakatayo doon sa may poste ng ilaw. Tiningnan ko lang ito at nung makita ata nitong nakatingin ako sa kanya ay unti-unti itong naglakad papalayo dun sa poste. Tumama ang ilaw sa kanyang mukha dahilan para makilala ko s'ya. Si Karren (Kang). Tumigil ito ng kanyang paglalakad dun sa tapat mismo ng liwanag ng poste, naglakad ako papalapit dito. Napayuko naman s'ya noong nasa tapat na niya ako. "Bakit ngayon ka lang?" malumanay kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa kanyang suot. Naka-uniform pa rin ito. Ibig-sabihin, hindi pa ito nakakauwi sa kanyang unit. Hindi s'ya nagsalita, nanatili lang itong nakayuko. "San ka galing?" sunod kong tanong sa kanya.  Hindi ko alam kung bakit pero, bakit pakiramdam ko ay nalulungkot ako para sa aming dalawa ngayon? Bakit pakiramdam ko ay may pader sa pagitan naming dalawa? Pakiramdam ko ay mayroon kaming problemang hindi nakikita at hindi napag-uusapan. Pakiramdam ko ay puno kami ng lihim sa isat-isa. Mahal ko s'ya eh s'ya ba, mahal pa nga ba n'ya ako? Muli akong napahinga ng malalim. "Akala ko ba ay uuwi ka para magpalit ng damit?" sabi ko at narinig ko na lang ang mahina niyang pag-iyak. Bakit naman s'ya umiiyak ngayon? Wala pa nga akong sinasabi o ginagawa sa kanya. Humakbang pa ako papalapit sa kanya "May problema ba tayong dalawa?" tanong ko at tila mas lalo itong nagpaiyak sa kanya. Ano bang nangyayari na dito? Tumungo ako at hinawakan s'ya sa baba at pilit na iniharap ang kanyang mukha sa akin. Nakita ko ang kanyang mga mata, napupuno ito ng mga luha at kalungkutan. Napatingin tuloy ako nang may pagtataka sa kanya at napakunot ang aking noo. "Ano bang problema?" mapanuyo kong tanong sa kanya. Nakita kong nangatal ang kanyang labi at sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tumayo ako ng ayos at niyakap s'ya nang mahigpit! Niyakap din naman niya ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak na hindi ko alam kung anong dahilan. Nahihirapan na ba s'ya sakin? Ako ba ang nagbago at hindi s'ya? Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan iyon. "Ano bang nangyayari? May problema ka ba? May gusto ka bang sabihin? Sabihin mo lang at makikinig ako..." sunodsunod kong bulong sa kanya pagkatapos ay muli ko itong hinalikan sa kanyang ulo.

Naramdaman ko naman ang pagtahan nito at ang unti-unting paghiwalay mula sa akin. Hindi ito derektang nakatingin sa aking mga mata pero, nararamdaman kong mayroong bumabagabag sa kanya at dapat ko iyong malaman. Para saan pa at naging boyfriend n'ya ako kung wala akong alam tungkol sa kanya. Tama, para san pa at naging boyfriend n'ya ako ulit. Napatawa ako sa aking sarili. Napakalaki ko palang tanga para hindi magtanong sa kanya kung anong nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon niyang pagkawala. Kasalanan ko pala ang lahat. "La--Larren..." sambit nito sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Pinunasan ko ang isang patak ng luha na kumawala sa kanyang mga mata noong tumingin ito sakin. "Ano yon Karren?" sabi ko. Napahinga naman s'ya ng malalim "Hi---hindi na ako si---si Karren..." sabi nito sabay patak muli ng kanyang luha. Napangiti ako sa kanya "Dahil ba sa nagpalit ka na ng pangalan?" tanong ko sabay ngiti sa kanya sa pag-aakalang iyon talaga ang ibig n'yang sabihin sa kanyang sinabi. Napailing-iling ito habang nakatingin sa sahig pagkatapos ay muli itong tumingin sa akin "Hi---hindi na ako si Karren na nakilala mo noon sa Okinawa High..." sambit nito na nagpagulo naman sa aking isipan. Ano bang ibig n'yang sabihin? "Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa mababang tono pa rin ng aking boses. "Hindi na ako si Karren..." sambit muli nito habang patuloy lang ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata ngunit hindi na s'ya humahagulgol di tulad kanina. "Alam mo, paulit-ulit lang naman ang sinasabi mo..." sambit ko dahil sa pagkalito "Oo nga, hindi na ikaw si Karren dahil nagpalit ka na ng pangalan. So, masama bang tawagin kita sa dati mong pangalan? Sa pangalang Karren? Nakilala kita at minahal kita bilang si Karren...Kaya ano bang problema don?" tanong ko. Muli s'yang napailing. Para bang may bagay s'yang gustong sabihin na hindi n'ya masabi? Ano ba ang bagay na yun na pilit naglalayo sa aming dalawa? Napakalapit namin sa isat-isa pero bakit parang napakalayo parin? We seem so close but the reality is we're still so far from each other! "Nagbago na ako Larren..." sabi nito sabay singhap "Hindi na ako ang Karren na nakilala mo dati. Ibang tao na ako ngayon...ibang-iba!" sabi nito sabay hawak sa kanyang bibig na para bang pinipigilan niyang mapaiyak. "Ano bang pinagbago mo?" tanong ko "Bakit hindi mo sabihin sakin? Ano bang nangyari sayo sa loob ng tatlong taon? Saan ka galing? Anong ginawa mo? Bakit ka umalis ng hindi manlang nagpapaalam sa akin? Anong dahilan? Ha?" sabi ko sabay kapit sa magkabila niyang braso. "Ano? Ngayong nagtatanong ako, bakit hindi mo sabihin sakin ang lahat?" napaiyak na s'ya ng tuluyan. Napahinga ako ng malalim "Ano bang problema? ibang tao ka na? Walang problema yon dahil para sakin, wala namang nagbago sayo...Ikaw pa rin ang Karren ko!" nakita kong napailing-iling s'ya dahil sa mga huli kong sinabi. "Hindi na nga ako si Karren, hindi mo ba nakikita? Larren! Ibang tao na ako. Malayong-malayo sa mahinang Karren na nakilala mo dati! Look Larren..." sabi nito sabay kapit sa aking mga kamay at tingin ng deretso sa aking mga mata na para bang hinahalukay nito ang kaloob-looban ng aking kaluluwa "Hindi na ako si Karen hindi dahil sa nagpalit lang ako ng pangalan at naging Zarren, it's not my point! Hindi na ako ang dati mong kakilala, marami ng nagbago sakin..." inalis ko ang kanyang kamay "ANO BANG SINASABI MO? BAKIT ANG GULO MO? HINDI KITA MAINTINDIHAN? AYAW MO BA NON, HINDI NA AKO NAGTANONG NUNG BUMALIK KA? DAHIL ANG MAHALAGA LANG SAKIN AY ANG NANDYAN KA NA! Wala na sakin kung sinaktan mo man ako o ano, ang mahalaga sakin ay mahal kita KARREN!" bulyaw ko sa kanya sabay hawak sa aking ulo. Nakita ko naman tumingin ito sakin gamit ang tila nasasaktan niyang mga mata. 

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon