THE PRINCE AND THE CAPTAIN

1.8K 31 0
                                    

CHAPTER 23: THE PRINCE AND THE CAPTAIN

POINT OF VIEW: WARREN HAN

"WOOOOH!!! BAKIT SILA PAREHAS SUGATAN?!!"

"HALA!!! ANONG NANGYARI KAY PRINCE WARREN? TEKA SI ZARREN DIN?"

"DI BA KABABARIL LANG KAY PRINCE WARREN? BAKIT MUKHANG NABUGBOG NAMAN S'YA NGAYON?!"

"GHAD! PURO SILA GALOS AT PASA!! ASTIG!!! MAGKASAMA KAYA SILANG LUMABAN?!!"

"ANO KAYANG NANGYARI?? AWAY GANG KAYA NI PRINCE WARREN?!"

"MALAMANG! AT BAKA NADAMAY SI ZARREN!"

"Kasalanan mong lahat 'to!" pabulong na singhal sakin ni Zarren dahil sa malalakas na tsismisan ng mga nakakakita sa amin habang patuloy kami sa paglalakad dito sa loob ng campus. Gaya ng dati, sa bakod kami dumaan. Wala parin kase akong I.D! Alam n'yo ba kung nakanino?? "Oo na, kasalan ko na..." sabi ko naman sabay hawak saking panga. Sakit ahh! L@NGYA! "TAT@NG@-T@NG@ KA KASE!!!" sigaw nito sabay sipa sakin! Buti na lang naiwasan ko. "Ano na naman? Bumabalik na naman ba yang pagiging kabayo mo?!" sabi ko dito. Tiningnan ako nito nang masama at pinagsisipa ako! Ako naman walang ginawa kung hindi ang umilag! "Aray! Ano----ARAY! ABA! SANDA---ARAY KO!! ZAR---ARAY!!!" patuloy ito sa pagsipa sakin! Ano na naman bang nangyayari sa kanya?! "ARAY KO ANO BA!!!" sabi ko habang sinasalag ng aking kamay ang kanyang mga sipa. "IKAW KASE! NAPAKAT@NG@ MO! NATURINGAN KANG G@NG LEADER PUMAPAYAG KANG MARESBAKAN!!" singhal nito habang patuloy sa kanyang pagsipa. Sinalag ko ang kaliwa nitong paa at hinawakan iyon ng mahigpit! "HOY! BITAWAN MO NGA ANG PAA KO!!!" singhal nito habang hawak ko pa rin ang kanyang paa! "Ayoko nga!" biro ko naman sa kanya. "ABA! UTAK MUNGGO KA TALA------" bigla s'yang natigilan noong makita si Larren na nakatingin sa aming dalawa. Ako naman, napabitiw sa kanyang paa. Sandali kaming tiningnan ni Larren at laking gulat ko noong tumalikod lang ito sa amin at nagpatuloy sa kanyang paglalakad! Napatingin ako kay Zarren "Anong nangyari nga pala sa pag-uusap n'yo kanina?" kako. Napatingin naman ito sakin at inirapan ako "WALA!" singhal nito sabay lakad! Hala! Mukhang natuluyan na ang relasyon nung dalawa. "Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw ko sabay habol sa kanya. Muli ako nitong binatukan noong nasa tabi na niya ako! "Ano ba?!" sabi ko at muli na naman ako nitong binatukan! Aba, nakakarami na ang isang 'to ahhh! "HOI! Nakaka----ARAY!" sabay hawak ko sa likod ng aking ulo na ilang ulit na niyang binabatukan! Ano bang problema ng isang 'to at trip na trip mangbatok?!! Hanggang ata sa makarating kami sa aming room eh ganon lang ang aming ginawa! Para kaming mga sira!

CHANGE OF P.O.V: LARREN WONG

"HOY! BITAWAN MO NGA ANG PAA KO!!!" sigaw ni Zarren kay Warren na hawak-hawak ang isa niyang paa. Hindi naman siya sinunod ni Warren "Ayoko nga!" sabi ni Warren habang natatawa-tawa. "ABA! UTAK MUNGGO KA TALA------" hindi na naituloy pa ni Zarren ang kanyang sasabihin noong mapatingin ito sa aking dereksyon. Binitiwan naman ni Warren ang paa ni Zarren na hawak nito at napatingin din sa akin. Sawakas, natigil din sila sa kanilang pagkukulitan, nakakairita silang panoorin. Lalo na si Warren na itinuri ko nang kapatid dahil halos sabay na kaming lumaki. Pano n'ya nagawang agawin sakin ang babaeng alam naman n'yang lubos kong minamahal?? H@YOP s'ya!! Mang-aagaw s'yang T@RANT@DO s'ya!!! Si Zarren naman, ilang taon ko na s'yang kakilala at naging girlfriend ko pa s'ya sa loob ng anim na bwan pero ngayon ko lang s'ya nakitang makipagkulitan ng ganan! Kahit sakin ay hindi niya naipakita ang pagkatao niyang ganon! Pano n'ya ako ganon kadaling nakalimutan at napalitan?! At sa kaibigan ko pa na isang Gang leader!!! Tingnan mo tuloy ang napala n'ya sa pagsama n'ya sa Warren na yan!! Humanap lang s'ya nang sakit ng katawan!! Tumalikod na ako sa kanila at nagpatuloy na lamang sa aking paglalakad papunta sa GYM. Mga wala silang base! Isang manloloko at isang sulutero! Magsama sila! T@NGIN@ NILA! "Larren..." napatingin ako sa nagsalita. Si----si Karren. Bigla kong naalala ang nagawa ko sa kanyang ina noong araw na napatay din ng aking kapatid na si Darren ang kanyang ama. Hindi ko naman sinasadya ang lahat. Wala akong intensyon patayin ang kanyang ina! Nabigla lamang ako kaya ko iyon nagawa! "Larren?" sambit muli ni Karren sabay hawak saking kaliwang braso. Napatingin ako dito at muling nag-iwas. Hindi ko kase maiwasang makonsensya sa tuwing nakikita ko s'ya at iyon ang dahilan kung bakit ko s'ya palaging pinapalayo sakin. Dahil ayoko ng mokonsensya! Hindi ko naman kase sinasadya! Wala akong kasalanan! "Larren?!" sambit muli nito na nagbalik naman sakin sa katinuan. "Ano na naman bang kailangan mo?!" singhal ko dito sabay alis ng kanyang kamay na nakahawak saking braso. "Si---si Zarren..." sabi nito. Ano na naman bang problema nito kay Zarren? "Masama s'yang tao." sambit nito na nagpasalubong naman sa kilay ko. Ano bang ibigsabihin nito? "Ano bang sinasabi mo?!" kako sabay ayos ng aking backpack. "Ma---masama s'yang tao! Maniwala ka!" sabi nito sabay hawak muli saking braso "Nakita ko s'ya, kasama s'ya nang isang masamang tao!" bunyag nito. Napahinga ako nang malalim. Nandito ba s'ya para siraan sakin si Zarren? "Hindi mo na kailangang siraan pa sakin si Zarren..." sabi ko sabay alis muli ng kanyang kamay "Ayaw na n'ya sakin at ayoko na rin sa kanya kaya tumugil kana..." sabi ko sabay iwan sa kanya. BADTRIP! ANO BA YAN! 

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon