CHAPTER 1

28.7K 402 4
                                    

Para sakin sapat ng dahilan ang "SITWASYON" ng isang tao para magbago at kalimutan ang dati mo ng nakagawian. Mahaba na ang isang araw para pag-isipan ang mga bagay-bagay at mag-alinlangan sa mga desisyong iyong gagawin. Pero dahil sa pagbabagong gagawin mo sa buhay o sa sarili mo, d'yan mo makikilala ang taong tunay na tatanggap at magmamahal sayo...

Pero bago yan, kailangan mo munang tanggapin ang sarili mo bago ka magawang tanggapin ng ibang tao.

-The Assassin


CHAPTER 1: HER


~WARREN~

Hi there it's me Warren Han, at eto ako ngayon naghihintay dito sa Coffee Shop na malapit sa Academy kung saan ako nag-aaral. Sinong hinihintay ko? Well yung babaeng nakabangga ko dito tatlong linggo na ang nakakaraan. 

Huh! Ang babaeng yun, umiinit talaga ang dugo ko kapag naiisip ko s'ya at ang ginawa niyang panghihiya sakin dito mismo sa Coffee Shop na ito! 

Kaya kayo dyan, wag na wag n'yong maisip-isip dyan na kaya ko hinihintay ang babaeng yon ay dahil in love ako sa kanya! Galing ha, gagantihan ko s'ya kaya gusto ko s'yang makita! 

Ang kapal ng mukha n'yang ipahiya ang isang Gang Leader na tulad ko! 

Kung alam lang siguro n'ya kung sino ang taong nasa harapan niya noong araw na yun, paniguradong nagtatakbo na yun sa takot!

"Sir s'ya pa din po ba ang hinihintay n'yo?" tanong nung server na nagpupunas nung kabilang lamesa. 

Tumingin ako sa kanya. "Oo, baka naman nakita mo na s'yang bumalik dito di mo lang sinasabi?" sabi ko sabay inom ng aking kape. 

"Naku Sir, hindi na po talaga bumalik ang babaeng yun mula nung araw na nangyari yung insidente n'yong dalawa..." depensa nito habang patuloy sa kanyang ginagawa. 

Hay, makita ko pa kaya ang babaeng yun? Aba eh halos tatlong linggo na rin akong nagpapabalik-balik dito sa Coffee Shop na ito pero hanggang ngayon ay ni-anino n'ya ay hindi ko pa rin nakikita! Halos tatlong linggo na rin akong hindi nakakapasok dahil sa kanya...Bwiset talaga! Baka naman nalaman na n'ya kung sino ako kaya nagtatago na s'ya? Ay...ewan, Taenang yan! 

*Knock...Knock...* 

Napatingin ako sa labas ng bintana nitong Coffee Shop noong may kumatok sa tapat ko. "Kapag nakita mo ulit yung babae, i-text mo ko agad ha." sabi ko dun sa server sabay tayo at iwan ng aking bayad dun sa lamesa. 

"Come again Sir!" sabi nito sa masiglang tono ng kanyang boses. 

Lumabas na ako sa Prince Café at lumapit kay Larren na siyang kumatok sa bintana.

"Brad, wag mong sabihing hinihintay mo pa din ang babaeng yun?" sabi ni Larren noong makalapit na ako sa kanya. Nagpatuloy s'ya sa kanyang paglalakad at sumabay naman ako.

"Ganun na nga..." sabi ko sabay pamulsa sa school pants ko. 

"Ano ka ba naman, di mo na yun makikita." sabi nito na tila nakakasiguro sa kanyang sinabi.

"Bakit naman? Kung hindi ko s'ya makita, ipapahanap ko s'ya sa Gang." sabi ko sabay tigil. Tatawid na kase kami sa kabilang kanto. Isang kanto pa at yung School na namin. Katamad.

"Idadamay mo pa talaga ang Gang? Tanda mo pa ba ang mukha n'ya?" tanong nito. Tumawid na kami at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Brad! Yung mukhang yun di ko makakalimutan lalo na yung atraso n'ya sakin!" sabi ko sabay smirk! 

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon