CHAPTER 5

5.7K 101 1
                                    


CHAPTER 5: HEARTBEATS


~ZARREN~

Mag-aalas dyes na nang gabi pero patuloy lang akong nakahiga dito sa aking kama habang nakatingin sa puting kisame. 

Hindi ko pa rin lubusang maisip ang mga nangyari kanina. 

Hinabol n'ya ako at ako naman, tinakbuhan s'ya. 

Ewan, hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kung lilingunin ko s'ya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Hindi ko alam...hindi ko alam...! 

*Gulong sa kama...*

*Bzzzt...Bzzzt...Bzzzt...* 

Natigilan ako sa aking pag-gulong at tiningnan ko ang phone ko. 

PROBLEMA BA NG ISANG 'TO!?

"Ano bang kai---

"BAKIT HINDI KA PUMUNTA!?" pagputol nito sa aking sasabihin. 

Halatang galit na galit ito ngayon sa akin. Kanina pa s'yang walang tigil na tumatawag pero ngayon ko lang sinagot. Tadtad na rin ako ng text mula sa kanya pero hindi ko pinagkakaabalahang basahin.

Wala ako sa mood.

"Pwede ba, tigilan mo muna ako ngayon!" irita kong sagot dito sabay putol ng tawag at paltok ng aking cellphone sa kabilang parte ng kama.

Nakita ko pa noong muli itong tumawag pero tinalikuran ko na lang at nagtaklob na lang ako ng kumot.

Hindi na pala ako dapat bumalik sa lugar na iyon kanina...


~WARREN~

*DINGDONGDINGDONGDINGDONGDINGDONG!* 

"PUT*NGIN*! SANDALI LANG NAMAN!" sigaw ko sa kung sino man yung baliw na walang tigil na nagdodoor bell sa labas nitong unit ko. 

Sandali kong tiningnan ang aking wall-clock. Langya! 12:30 ng gabi may nambubulahaw pa!?

 PUT* NAMAN TALAGA!

Agad kong binuksan ang aking pinto para sana banatan kung sino man ang bobong nambubulahaw kaya lang, laking gulat ko noong makita ko si Larren na nakayuko at mukhang nalugi sa tilapya. 

Ano namang ginagawa nito dito eh gabing-gabi na? 

"Nakita ko s'ya." mahinang sabi nito habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa sahig.

Ha? Ano daw?

"Hinabol ko s'ya pero hindi ko s'ya naabutan..." sabi pa nito sabay hagulgol? 

Hala! Umiiyak ang gago! 

"Oi! Pumasok ka kaya muna sa loob?" sabi ko sabay tapik sa kanyang braso ngunit hindi ako nito pinansin. 

"Hinanap ko s'ya kung saan-saan pero, hindi ko pa rin s'ya nakita..." pagpapatuloy pa nito. 

Yung Karren na naman ba ang tinutukoy nito? 

Ang bakla naman ng Gagong ito kung umiyak! 

NAKAKAIRITA!

"Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpakita." sabi ko dito sabay iling dahil amoy na amoy ko sa kanya ang alak ngayon.

Hindi pa naman malakas uminom ang g*go na 'to.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon