CHAPTER 4

6.7K 131 6
                                    


CHAPTER 4: SAME OLD PLACE


~ZARREN~

"Okay class, see you next meeting." sabi ng guro namin sa History. 

"Thank you Ma'am!" tugon naman ng mga kaklase ko pagkatapos ay lumabas na ng silid ang aming guro at isa-isa na ring nagsilabasan ang mga kaklase ko. 

Tumayo na rin ako at inayos ang aking gamit. Napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa aking unahan, mahimbing pa rin itong natutulog. 

May naiintindihan pa kaya ang isang 'to? 

Kung sa bagay, kahit naman gising yan eh wala rin naman yang maiintindihan. 

Agad na sana akong lalabas ng room noong matapos kong ligpitin ang aking mga gamit nang mapatingin na naman ako sa aso na ito. 

Magising nga at nakakaawa naman. 

Lumapit ako sa kanya. 

Pano ko kaya s'ya gigisingin? Aalugin ko ba? O sisigawan tulad nang ginawa n'ya sakin kanina?

Ahhh~ alam ko na. 

Para maiba naman, hinigit ko nang mabilis ang kanyang lamesa! Muntik na itong mapasungasob sa sahig dahil sa ginawa ko. Sayang nga lang at mabilis ang reflex-action n'ya at agad n'yang naituon sa sahig ang kanyang mga kamay bago pa s'ya tuluyang mapahalik sa sahig nitong silid.

Itinaas niya ang kanyang ulo at galit na galit na tumingin sakin. 

"Buti naman nagising ka na, wala na sila oh~" sabi ko sabay linga-linga sa paligid para ipakita na wala na talagang tao dito sa silid bukod samin. 

"IKAW~!" sabi nito sabay tayo at lapit ng kanyang mukha sakin. "LAKAS NG TRIP MO AHHH!" maangas pa na sabi nito. 

"Di naman, ginising lang kita." sabi ko sabay talikod na sa kanya para makalabas na ng silid. 

"AT SAN KA PUPUNTA HA!?" sabi nito sabay hawak sa aking kamay na may panyo. Nakita kong natigilan s'ya at agad iyong binitawan. 

Problema nito? 

"Ya-yang sugat mo..." nauutal nitong sambit habang tinuturo ang kamay ko. "Dahil ba yan sa pagsuntok mo sa'kin kanina?" tanong niya. 

Aba, ayos din tong lalakeng ito, may Moodswings! 

"Oo!" sabi ko sabay smirk sa kanya "Ang tigas kaya ng pagmumukha mo..." dagdag ko pa.

Napakunot naman ang kanyang noo at ginulo ang kanyang madilaw na buhok "KASALANAN MO YAN 'NO!" sabi nito sabay gulo uli ng kanyang buhok na para bang nagagalit? 

T*ng* talaga ang taong 'to! 

"Isinisisi ko ba sayo ha??" sabi ko naman sabay irap. 

Teka! Bakit nga ba ako nakikipagtalo sa isang 'to? 

Dapat hindi ko na lang 'to ginising eh!

"EWAN KO SAYO!" sabi nito sabay kuha ng kanyang bag sa kanyang upuan. 

May bag pala s'ya? 

"SALAMAT SA PAGGISING MO SAKIN!" sabay walk-out! 

At s'ya pa ang may ganang magwalk-out!?

Hahabulin ko pa sana s'ya para tadjakan nang bigla namang magvibrate ang phone ko. 

Kinuha ko sa bulsa ng aking padla ang aking phone at binasa ang text mula kay Darren...

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon