My Assassin Girl

2K 34 1
                                    

CHAPTER 36: MY ASSASSIN GIRL

POINT OF VIEW: WARREN HAN


"Grabe, nanakit talaga ang buong katawan ko ng dahil sayo..." biro ko kay Zarren habang inilalapag sa harapan nito ang isang tasa ng kape. "Ang bigat mo pala talaga!" dagdag ko pa. Tiningnan naman ako nito ng masama. "Edi sana ginising mo na lang ako di ba?? Sana hindi mo na lang ako hinayaang matulog sa----sa...." ang tila nauutal na sambit nito. Napatingin naman ako sa mukha nito at...


WEH?? TOTOO BA TONG NAKIKITA KO??


SI ZARREN?? NAGBA-BLUSH??


"Sana hindi na lang kita hinayaang matulog sa ibabaw ko??" pagtutuloy ko sa tila hindi niya masabi-sabi. Napatawa ako saking sarili noong maalala ko ang hitsura namin kagabi. Pano ba naman kase, matapos nyang ibalita sakin ang mga nangyari kagabi, matapos nya akong yakapin, matapos nyang umiyak, hindi na nito namalayan na nakatulog na pala sya. Hindi na niya namalayan na nakatulog na sya habang nakayakap sakin.


Ganon lang ang posisyon namin buong magdamag hanggang sa magising kami. Ako, bahagyang nakasandal sa head-board ng aking kama at sya naman, nakadamba sakin habang nakayakap ang mga kamay nito saking leeg at ang ulo naman niya ay namamahinga sa kaliwang banda ng aking balikat.


Kagabi, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya noong makita kong tumatakbo ito papalapit sakin lalo na noong bigla ako nitong yakapin. Hindi ko maintindihan kung anong aking mararamdaman. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako dahil ako ang taong naisip niyang takbuhan at lapitan pagkatapos ng lahat ng nangyari.


Masaya ako dahil kahit papano, nalaman kong may halaga ako sa kanya.


"ANONG NGININGITI-NGITI MO DYAN?!" singhal sakin ni Zarren dahilan para muli akong mapabalik sa katotoohanan. "Ha--Ha??" nalilito kong nasabi dito. "WALANGHIYA KA! ANONG INIISIP MO HA?!" sigaw nito sabay lapit sakin habang may dalang throwpillow. "PURO KAMANYAKAN BA YAN HA?!" sambit pa nito sabay hampas sakin ng paulit-ulit nung unan! "ANO?! ARAAAAAAY! TIGILAN MO NGA AKO! KAMANYAKAN KA DYAN! ARAY! ANO BA!" sambit ko habang patuloy na sinasalag ang ginagawa niyang pag-atake sakin! "MANYAK KA MANYAK!" bintang nito sakin habang patuloy sa paghampas ng unan.


"Ano bang manyak ang sinasabi mo dyan??" sabi ko sabay hawak sa kamay niyang may hawak sa unan. Tila natigilan naman ito saking ginawa na ikinangiti ko naman. Hinila ko ito papalapit sakin dahilan para mabitawan niya ang unan na kanina pa niyang inihahampas sakin. "Ako?? Manyak?? Eh mukhang nagustuhan mo naman ang pagyakap sakin kagabi ahh..." sambit ko habang inilalapit ang mukha ko sa mukha nya. Nakita ko naman noong tila mamula ang kanyang mukha!


ABA TEKA! May nanapansin na ako sa babaeng ito ha...


"Bakit ka namumula??" tukso ko dito. Nakita ko naman ang pagkunot ng mga kilay nito. "In love ka ba sakin noh?!" biro ko dito na mukhang ikinapikon naman nya!


*PAK!*


Napabitaw ako sa kanyang kamay na aking hawak at napahawak saking pisngi na kanyang sinampal. "ARAY! PARA SAN NAMAN YUN?!" tanong ko dito. "BUTI NGA SAYO!! MALANDI KA!!" singhal nito sakin sabay tayo ng ayos at layo sakin. "Ui.... May gusto na sya sakin..." loko ko pa habang papatayo ako sa sofa. "KAPAL!!" sambit nito sabay sipa ng malakas dun sa throwpillow na nasa sahig na sumapul naman saking mukha!! "ARAY HA!!" sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama. Tumawa naman ito ng malakas na para bang tuwang-tuwa pa at nagagawa niya akong saktan! "Ang tanga mo talaga..." sabi nito sabay lakad papunta sa pinto ng aking unit. Muli naman akong napangiti saking sarili...

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon