Campus Festival

1.5K 30 0
                                    

CHAPTER 29: CAMPUS FESTIVAL

POINT OF VIEW: ZARRENG KANG


"KUNG BAKIT KASE HINDI MO AKO GINISING KAGABI PA LANG PARA MAS NALILINAW KO NGAYON SAYO YANG MGA PINAGSASABI MO!!!" sigaw ko dito sa forever na atang utak-munggo na lalakeng ito pagkababa namin saking kotse dito sa school ground. Pano ba naman kase, kanina, pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mata kay Darren Nam na pangalan agad ang aking narinig! 


Bakit naman kaya sinabi nito kay Karren na papatayin ko ngayon si Larren?? Ano bang iniisip ng isang yun?? Bakit nya ginagawa ito samantalang kapatid nya si Larren?? Isa-pa, alam naman nya kung anong namagitan samin ni Larren kaya...


Bakit nya ginagawa ang bagay na ito??


Bigla akong napahinto saking pag-iisip nung biglang pumasok saking memorya ang nangyaring pamamaril dito sa Academy kung saan si Warren ang nasaktan at tinamaan. Sa pangyayaring yon, nasisiguro kong si Larren ang pinupuntirya nung lalakeng bumaril. Pumalya nga lamang ito kaya si Warren ang tinamaan. Tapos nung na-corner ko naman yung lalake, biglang dumating itong si Darren at pinatay ito...


Hindi kaya, sya ang nag-utos sa lalakeng yon para patayin si Larren?? Posible nga ba??


Napatawa ako ng mahina. Sa taong tulad ni Darren Nam, walang imposible kung sino man ang gusto niyang patayin at ipapatay. Kung ganon, kung hindi ako nagkakamali...


Sya din ang papatay o magpapatay ngayon kay Larren na sarili niyang kapatid. Pero, bakit naman idinadamay niya ang pangalan ko?? Bakit gusto niyang ibulgar mamaya ni Karren ang lahat-lahat sakin??   


"EH KUNG HINDI KA BA NAMAN SANA NAGPAKALASING NG GANON KAGABI EDI SANA, MADALI KANG GISINGIN!" balik naman nito sakin.

Napatigil ako saking paglalakad at muling naalala ang mga sinabi sakin ni Darren kahapon dun sa lumang tower. "Anong problema??" tanong nito sakin. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kanya "Kahapon, may nalaman ako tungkol sa pagkatao ni Larren..." sabi ko na mukha namang nagpagulo sa kanyang maliit na utak. "Ano naman yun??" pang-uusisa nito. Inirapan ko sya at inilagay saking magkabilang bewang ang aking mga kamay. "Hindi yun ang mahalaga ngayon, yung kay Karren muna ang dapat nating isipin..." sabi ko na agad naman nitong sinang-ayunan.


"Anong oras ba ang start ng pagent na yan??" tanong ko. "Mamayang 3:00 pm sa 1st GYM." sagot nito. Napatingin ako saking relo, 11:30 na ng tanghali. "Ang mabuti pa, hanapin mo si Karren at siguraduhin mong hindi sya malalapitan ni Darren hanggang mamaya..." tumango naman ito sakin. "Bukod dun, sabihin mo din sa kanya na gawin lahat ng sinabi sa kanya ni Darren..." sabi ko pa na mukhang ikinatakot naman nito. "Kahit yung pagbulgar sa pagkatao mo??" tanong nito. Tumango ako sa kanya. "Oo, lahat. Hindi dapat makahalata si Darren hanggang mamaya kapag papatayin na niya si Larren..." paliwanag ko. 


Napatingin naman ito sakin. "Kung ganon, si Darren ang papatay kay Larren??" tanong nito. "Ganun na nga. Sige na, hanapin mo na si Karren. Susubukan ko namang balaan si Larren sa mangyayari mamaya..." sabi ko naman. Tumango ito sakin at tinapik ako saking balikat bago magtatakbo para hanapin si Karren. Ako naman ay nag-umpisa na ring maglakad para hanapin naman si Larren.  


Nagpunta ako sa 2nd GYM nitong Academy kung saan ko inaasahang makita si Larren ngunit, sabi ng kanyang mga ka-team na dinatnan ko doon ay hindi pa nila ito nakikita ngayong araw. Pagkasabi nila noon ay agad na akong lumabas at nagpatuloy saking paghahanap. Sunod kong pinuntahan ang Cafeteria ngunit kahit doon ay hindi ko ito nakita. Pinuntahan ko din ang kanyang room ngunit kahit dun ay wala ito. Maging ang mga classmate nya ay hindi padin daw ito nakikita. Pinuntahan ko na din lahat ng mga rooftop, studyhall maging ang library ay pinuntahan ko na rin ngunit, bigo pa rin akong makita ito.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon