CHAPTER 9

3.6K 77 1
                                    


CHAPTER 9: HER PAST


~WARREN~

"A---ASSASSIN!?" ang gulat na gulat kong nasabi dito matapos niyang sabihing isa s'yang Assassin.

Tumawa s'ya nang mahina "Anong nangyari? Akala ko ba may ideya ka na kung anong klaseng tao ako?" sabi nito pagkatapos ay isa-isa na n'yang niligpit ang mga ginamit niya kanina para gamutin ako.

"Oo nga." sabi ko sabay hinga nang malalim "Pero, hindi ko naman akalain na assassin ka." sabi ko habang hindi parin makapaniwala sa kanya.

S'ya? Assassin? 'Yung amo ng mukha na 'yan, Assassin?

Ugali pwede pa pero ang hitsura at pangangatawan n'ya...

Hindi ako makapaniwala.

"Eh ano palang akala mong trabaho ko?" tanong niya sabay upo sa aking tabi.

Sa kanyang pag-upo ay nagkadikit ang aming mga braso. Bahagya akong napaiktad dahil para akong nakuryente at maya-maya lang naramdaman ko ang pagdadabog ng aking dibdib.

Hala, ano na naman nangyayari sa akin?

Natat*ang* na naman ata ako.

"Sorry, masakit ba?" pag-aalala nito noong mapansing napaiktad ako. Akala ata ay napaiktad ako dahil natamaan n'ya 'yung mga sugat ko.

Umiling lang ako sa kanya at s'ya naman ay matipid lang na ngumit.

"So, anong akala mong trabaho ko?" pagbalik nito sa aming usapan.

"Ano, akala ko anak mayaman ka o kaya anak ka ng presidente o sino mang maimpluwensyang tao tapos bodyguard mo 'yung lalake kanina. Tapos kaya ka may baril at patalim eh pang self defence mo." sabi ko.

Napahinga ako nang malalim at hindi parin makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Sigurado kang hindi ka anak mayaman o anak ng presidente? Sigurado ka bang Assassin ka? 'Yung pumapatay? Hindi mo ba ako niloloko ngayon?"

Napatawa ito nang malakas marahil dahil sa sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.

"Sana nga, sana nga naging anak nang mayaman na tao na lang ako o anak ng presidente." wika nito sabay buntong-hininga "Pero malayo dun ang buhay ko."

Bakas na bakas ngayon sa kanyang mukha ang matinding lungkot. Muli itong bumuntong-hininga at pagkatapos ay tumingin doon sa dereksyon ng bundok na tanaw na tanaw dito sa pwesto namin.

Niyakap niya ang dalawa n'yang tuhod at maya-maya lang ay nag-umpisa na itong magkwento tungkol sa mga nangyari sa kanyang buhay sa loob ng tatlong taon.

"Tatlong taon na halos ang nakakaraan noong lisanin ko ang bayan na ito at halos tatlong taon na rin mula noong iwanan ko si Larren nang walang pasabi..."

"So ikaw nga 'yung Karren na hinahanap n'ya?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot.

Tumango-tango lang ito sa akin at matipid na napangiti noong tila may maalala.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon