Sign (extra chapter)

1.4K 30 0
                                    

CHAPTER 44: SIGN

POINT OF VIEW: ZARREN KANG

"Tatanawin kong malaking utang na loob ang gagawin mong ito. Pakiusap, kung mahal mo talaga ang anak kong si Warren, hindi mo hahayaang masira ang magandang buhay na naghihintay sa kanya ng dahil lang sayo... " sambit pa ng ina ni Warren saking harapan. Patuloy ito sa pagsasabi ng masasakit na bagay sakin kahit na, nababatid nitong kahit ganitong klaseng buhay meron ako eh may puso at damdamin parin naman akong nasasaktan. Pero ano nga bang maaari kong gawin? Kung tutuusin, wala naman talaga akong laban sa kanya lalo na ngayong alam niya ang pinakamalaki kong lihim.

Mahal ko si Warren, mahal na mahal pero, kaya ko nga bang hayaang masira ang buhay nya ng dahil lang sa isang tulad ko? Bakit ko nga ba naisip na pwede kaming dalawa?

"Makakaasa ba ako sayo Zarren?" tanong pa niya. Dahan-dahan kong ibinalik ang aking mga mata sa kanya. Labag man saking kalooban, hindi man ito ang nais kong gawin ay tumango pa rin ako sa kanya. "Good." mabilis na tugon nito. Napahinga ako ng malalim at agad na pinunas ang luha na kumawala saking mata. "May sasabihin pa po ba kayo sakin?" tanong ko dito. Natigilan naman ito sa paghigop niya ng kape at napatingin sakin. "Nagmamadali ka na ba?" tanong niya. Pilit naman akong ngumiti sa kanya. "Hindi naman po, may kotse pa po kase akong dapat balikan isa pa..." sambit ko sabay yuko ng bahagya. "Hindi pa po ako nakakapag-empake ng aking mga gamit." pagtatapos ko. Tumango naman ito na tila ba natutuwa saking mga sinabi. "Alright, you may leave." wika niya. Agad naman akong tumayo at nagbigay galang sa kanya sa huling pagkakataon.

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kalangitan noong makalabas na ako ng coffee shop. Siguro, ito ang kabayaran sa lahat ng aking nagawa. Tama si Darren, kelan man ay hindi talaga ako magiging masaya. Ngunit, bakit ganun? May pakiramdam akong kaya kong sumaya at kalimutan ang lahat ng nangyari sakin kung makakasama ko lang s'ya?? Bakit nandito sa loob ng puso ko ang pakiramdam na ipaglaban si Warren kahit na...

Alam kong masisira lang ang buhay nya kung gagawin ko yun??

Bakit sa pagkakataong ito, parang gusto ko namang maging makasarili??

"Ano na bang dapat kong gawin??" tanong ko saking sarili sabay pikit ng mariin. Sobrang riin na para bang gusto kong isiping panaginip lang ang lahat.

Gusto kong sumaya at alam kong si Warren lang ang kailangan ko para mangyari yun pero, dapat pa nga ba akong maging masaya??

May karapatan pa nga ba akong sumaya sa kabila ng mga ginawa ko??

"Tayo na po Miss Zarren." sambit sakin nung isa sa tatlong lalake na sumundo sakin kanina. Tumango naman ako dito at agad ng sumakay sa kotse na naghatid sakin papunta dito at makalipas lang ang ilang sandali, muli na akong nasa tapat ng convinient store.

"Maraming salamat sa paghatid." sambit ko sa tatlong lalake bago ako tuluyang bumama sa kanilang sasakyan.

Parang walang kaluluwa akong naglakad papunta saking kotse. Pumasok ako sa loob nito at doo'y naupo habang nakatingin sa manibela o mas tamang sabihing, sa kawalan. Tama, kasalukuyang lumulutang ngyaon sa kawalan ang aking isip.

Napahinga ako ng malalim at agad na pinunas ang luha na kumawala saking mga mata. Napasinghap ako at napahagulgol sa pag-iyak noong mapagtanto kong, naupo ako sa loob ng kotse ko para lang isipin ang lahat ng sinabi sakin ng ina ni Warren. Wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang isipin ang lahat ng katotohanan na kanyang binitawan sa aking harapan!

BAKIT?! BAKIT KAILANGAN ITONG MANGYARI SAMING DALAWA?! Buong akala ko ay tapos na ang lahat! Buong akala ko ay maari na akong maging masaya ngunit, hindi pa pala...

PLEASE! GOD! Nakikiusap ako sayo ngayon...

Alam kong wala akong karapatang tawagin ka at humingi sayo ng tulong dahil sa mga kasalan kong nagawa pero...

Pakiusap! Kahit sa pagkakataong ito lang! Bigyan nyo po ako ng sign kung dapat ko bang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya...

Bigyan nyo po ako ng sign kung may karapatan pa ba akong maging masaya...

Pakiusap...

Mahal ko sya...

Mahal na mahal...

*Knock...Knock...*

Napatingin ako sa labas ng aking kotse noong marinig ko ang pagkatok at laking gulat ko noong makita ko kung sino ito...

Si Warren.

Napahinga ako ng malalim at agad na lumabas ng aking kotse. Luhaan man ako ngayon ay napangiti parin ako sa saya noong tuluyan ko nang makita ang kanyang mukha.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito sakin.

Umiling ako sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya sa pagitan ng aking paghikbi.

Humiwalay sya saking pagkakayakap at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang saking mukha.

"Ang tagal mo kaseng bumalik sa condo kaya naman, nag-alala na ako sayo kung saan ka na nagpunta..." tugon nito sakin habang pinupunasan ang aking mga luha.

Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay na nakahawak sa magkabila kong pisngi.

"Ayos lang ako. May kinailangan lang akong kausapin..." paliwanag ko na nakapagpa-ismid naman dito.

"Alam ko..." wika nito habang malungkot na nakatingin sakin. "Patawad. Alam kong marami syang sinabing hindi maganda sayo kaya ka umiiyak ngayon. Patawad dahil, kinailangan mo syang harapin ng mag-isa..." salaysay nito na nakapagpakunot naman saking noo.

"Pano mo nalamang kinausap ako ng mama mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Bahagya naman itong napangiti sakin at napailing.

"Kanina, hindi ako siguradong si Mama nga ang iyong kinausap ngunit ngayon, sigurado na ako..." wika nito na nakapagpayuko naman sakin.

"Sumama ka sakin..." sabi nito habang itinataas ang aking ulo paharap sa kanya. "May pupuntahan tayo..."

"San naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa lugar kung nasaan ang graduation gift ko sayo..." sagot niya sabay bigay ng isang mabilis na halik saking labi.

Napangiti ako habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Napangiti ako hindi dahil sa hinalikan niya ako. Napangiti ako dahil ngayon, sigurado na ako sa sarili ko...

DAPAT KO NGA SYANG IPAGLABAN.

(End of Chapter 44)

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon