In the end

5.8K 75 17
                                    

CHAPTER 48: In the end

POINT OF VIEW: ZACK CARBONEL

(A/N: Wahahahaha! Nagka-POV pa nga dito si Zack! Anyways... Pakisubay-bayan po sina Zack, Ivan, Lee, Alex at Xander sa ginawa kong story entitled 'The Story of us'. Nakapublished na po sya at on-going. Sana po ay suportahan nyo sila. Salamat!)

"*YAWN!* Woooooooooooooooooooi, Zack!" wika ni Alex habang nagkukusot pa ng kanyang inaantok na mata. "Sigurado ka bang si Kuya Warren yung nakausap mo sa cellphone kaninang madaling araw??" pang-uusissa nito.

Napakamot naman sa kanyang ulo si Zack at muling napatingin sa kanyang relo.

"Oo naman, ano namang akala mo sakin? Mali-mali? Syempre sigurado ako 'no..." tugon nito sabay dial ng number ni Warren.

"2:00 pm naman ang sabi ni Kuya Warren..." wika ni Xander habang nakapangalumbaba at nakaupo sa beatbox. "15 minutes pa before two, napaaga lang siguro tayo."

"Dapat yata nagdala tayo ng pamalit ng damit hindi yung ganito..." reklamo ni Lee sabay tingin sa uniform na kanyang suot. "Naka school uniform tayo..."

"SUS!" sita ni Ivan sabay paltok ng drum stick ni Alex dito.

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAY NAMAN!" sigaw ni Lee habang nakahawak sa kanyang ulo na tinamaan.

"Arte mo!" singhal dito ni Ivan.

"Woi!" sambit ni Alex na nakaupo sa harap ng kanyang drum sabay sipa sa katabi niyang si Ivan. "Sinong may sabing gawin mong pamaltok yung stick ko ha?!" singhal nito.

"NAAAAAAAAAAAH~! Ito na, pupulutin na..." wika ni Ivan sabay tayo at puloy nung stick.

Kinuha naman ni Alex yung stick dito at ipinukpok iyon sa ulo ni Ivan.

"ARAY!!" reklamo ni Ivan sabay upo muli sa tapat ng kanyang piano.

"Sa susunod, yang keyboard (Piano) mo ang ipaltok mo ha..." sambit ni Ivan.

"OO NA~! Rock 'n Roll!" sigaw ni Ivan na may kasama pang pagtaas ng isa niyang kamay na parang isang rakista! Pagkatapos ay ipinatong nito ang kanyang mukha sa kanyang piano. Mababakas dito ang pagkainip.

"Malapit na daw si Kuya Warren..." pahayag ni Zack na nagbigay sigla naman sa kanyang mga kasama.

"Ang mabuti pa, maghanda na tayo..." mungkahi ng kanilang leader na si Xander Austria.

"Mabuti pa nga, mukhang kanina pa nababagot ang mga chicks natin ohh~!" wika ni Alex sa mga babaeng nakapalibot ngayon sa kanila. Sinamahan pa niya ito ng pagkindat kaya naman lalong nagkagulo ang mga babaeng kanina pa naghihintay na sila ay kumanta!

CHANGE OF P.O.V: ZARREN KANG

"Nandito na tayo..." pahayag nang lalakeng nagmamaneho nitong kotse kung saan ako sakay at ang ilan niyang mga kasama.

Bumaba ang lalakeng nakaupo sa tabi ng driver at pinagbuksan ako nito ng pinto. Agad naman akong bumaba at ganun din ang lalakeng katabi ko sa upuan.

Napatingin ako sa malaking pangalan ng automatic-glass-door na nasa aking harapan...

'Terminal 3'

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa pasaporte at ticket na aking hawak.

"Nakarating kaya kay Warren ang mensahe ko??" tanong ko saking sarili.

Kagabi kase kung saan pinatumba ko ang anim na tauhan ni Madame Han saking unit, nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-iwan ng mensahe kay Warren.

Sinamantala ko ang pagkakataong hindi pa nakakarating ang iba nilang kasamahan saking unit. Sinamantala ko iyon upang makapunta sa unit ni Warren...

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon