CHAPTER 42: The End?
POINT OF VIEW: ZARREN KANG
Huminga muna ako ng pagkalalimlalim bago ko biglaang buksan ang bakal na pinto kung saan pumasok si Darren kanina. Pagkabukas nito ay agad kong itinutok ang aking baril sa harapan pagkatapos at inilibot ko ang aking mata sa paligid. Dahan-dahan akong pumasok sa loob, nakahanda sa maaring biglaang paglitaw ni Darren kung saan.
"Aba, tingnan mo nga naman..." narinig kong sambit nito kung saan. Kulong ang silid na aking pinasok kaya naman nage-echo ang kanyang boses sa paligid. "Hindi ko akalaing, makakarating ka pa dito. Dapat ka atang magpasalamat sa mga kaibigan mong dumating para tulungan ka..." dagdag pa nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid nitong silid na mistulang isa ring budega sa dami ng mga kahon at sako na nagkalat sa paligid. "Anong problema? Bakit hindi ka lumabas mula dyan sa pinagtataguan mo?" sambit ko habang patuloy na nagmamasid saking paligid. "Natatakot ka ba?" dagdag ko pa. Narinig ko naman ang malalakas na pagtawa nito kasunod ng malakas na pagsara ng bakal na pinto!
Napalingon ako saking likuran kung nasaan ang pinto na aking pinasukan at mula don, nakita ko itong si Darren habang nakatutok ang kanyang baril sakin! "ZARREN!" sigaw nito sabay putok ng kanyang baril! Agad naman akong tumakbo at tumambling papunta sa likod ng sako-sakong buhangin at doo'y nagtago. Patuloy ito sa pagpapaputok ng kanyang baril kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang magtago muna!
Inilabas ko pa ang isa kong baril at agad iyong ikinasa. Huminga muna ako ng malalim bago silipin si Darren sa aking bandang kanan at nakita ko itong naglalakad papalapit sakin. Muli akong nagkubli sa likod ng sako habang hawak ang dalawang baril sa magkabila kong kamay. Halos pagapang akong pumihit saking kaliwa at saka nagtatakbo palabas dito! Napansin naman ako ni Darren at agad na ibinaling sakin ang tutok ng kanyang baril ngunit, inunahan ko siya ng pagpapaputok! Agad itong yumuko, tumakbo pagkatapos ay nagtago sa likod ng mga sako!
Mabilis ko ring ikinubli ang aking sarili sa likod ng mga naglalakihan at nagtataasan na mga kahon na hindi ko alam kung anong laman. "SINASABI KO SAYO ZARREN... WALA KANG BINATBAT SAKIN PAGDATING SA BARIL!" narinig kong sigaw ni Darren mula sa likod ng sako. Napatawa naman ako habang pinapalitang ng magazine ang aking mga baril. "AHH TALAGA?!" sigaw ko pabalik sa kanya sabay labas mula saking pinagtataguan. Nakita ko din ito nung lumabas pagkatapos ay sabay kaming nagtatakbo ng patagilid papunta saming kanan habang patuloy sa pagpapalitan ng mga putok ng aming mga baril!
Nagdive ako papunta sa likod ng ilang sako pagkatapos ay tumabling palabas sa kabilang bahagi nito. Tila hindi naman iyon inaasahan ni Darren. Magtatago pa sana ito ngunit, agad ko siyang binaril sa kanyang hita! Narinig ko ang malakas na hiyaw nito dulot ng sakit ng bala na bumaon sa kanya. Ngunit hindi parin dito natapos ang lahat dahil nagawa pa nitong muling magtago at paulanan ako ng bala! Muli akong nagtago at hinintay na matapos siya sa kanyang pagpapaputok at nung matapos na ito ay lumabas ako at ako naman ang nagpaulan ng bala sa kanyang dereksyon!
"HAYOP KA ZARREN!" narinig kong sigaw nito habang patuloy ako sa pagbaril sa sako na kanyang pinagtataguan. Napahinga ako ng malalim noong maubusan na ako ng bala. Nagtago ako sa likod ng mga naglalakihang kahon. "WALA KA NA RIN BANG BALA HA ZARREN?!" sigaw nito. Napatawa naman ako. "WALA NA! KAYA TAPUSIN NA NATIN ITO!" sigaw ko. "SIGE!" tugon nito pagkatapos ay narinig ko ang pagpaltok nito sa dalawa niyang baril palayo sa kanya. Sinilip ko ito at nakita ko noong lumabas ito mula sa kanyang pinagtataguan habang nakabukas ang kanyang mga palad. Napahinga ako ng malalim pagkatapos ay humakbang na rin palabas saking pinagtataguan. Pinakita ko sa kanya ang dalawang baril na aking hawak pagkatapos ay ipinaltok rin iyon palayo sakin.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)
Ficción GeneralAno nga ba ang nagtutulak sa isang tao para magbago?? Gaano ito katagal bago lubusang mangyari?? Higit sa lahat, sino nga ba ang taong makakatanggap sayo, oras na magbago ka??