CHAPTER 11: NIGHTMARE
~ZARREN~
"Nakauniform ka pa rin?" bungad ni Darren noong pagbuksan ko na s'ya ng pinto.
"Bakit ka nandito?" pagbalewala ko sa kanyang tanong.
Ngumisi lang ito at namulsa sa kanyang pantalon.
Inirapan ko ito bago s'ya tuluyang pinapasok.
"Nakita mo na ba ang sunod mong trabaho?" tanong nito.
Ang tinutukoy niya ay ang flashdrive na ibinigay niya sa akin kanina.
Nawala na iyon sa isipan ko.
"Bakit parang paga ang mata mo?" pang-uusisa nito bago naupo sa sofa.
"Dami mong napapansin..." sabi ko sa kanya bago pumunta sa aking kwarto upang kunin ang aking laptop.
Pagbalik ko sa salas ay agad ko nang isinaksak ang flashdrive upang tingnan ang laman nito.
Ramdam kong pinagmamasdan ni Darren ang bawat kong galaw at reaksyon ngunit, pinili ko na lang na hindi ito pansinin.
Madalas din kasing papansin ang isang 'yan.
Mula sa nag-iisang folder na laman ng flashdrive, nakita ko ang ilang larawan ng isang babae mula sa iba't-ibang anggulo.
Kilala ko ang babaeng ito, teacher ko s'ya sa Chemistry.
Tumingin ako kay Darren na mukhang nag-aabang ng sasabihin ko sa kanya.
"Si Mrs. Go, teacher ko sa Chemisrty. S'ya ang pangatlo sa huli kong misyon..." sabi ko sabay harap ng laptop ko sa kanya.
Tumango-tango naman ito.
"Mukhang hindi ka naman mahihirapan sa isang yan." sabi n'ya sabay crosslegs.
Kunot-noo akong napatingin sa kanya.
Ano bang akala nito sakin? Wala akong nararamdaman sa tuwing pumapatay ako?
Nag-uumpisa na naman akong mainis sa kanya.
Naiinis ako sa tuwing sumasagi sa isip ko na, wala kaming pinagkaiba.
Alam kong iyon ang iniisip n'ya, na parehas lang kami.
"Anong problema?"mausisang tanong nito.
"Wala naman." sabi ko na lang.
Muli kong iniharap sa akin ang aking laptop at binura ang lahat ng laman ng flashdrive, pagkatapos ay itinapon ko iyon sa stainless na basurahan na may ilang papel na laman. Sinindihan ko ito at sandaling pinagmasdan bago ito tuluyang masunog.
"Wala ka bang magawa sa buhay mo kaya ka narito?" natanong ko sa kanya, pansin ko kasing palagi lang itong nakasunod sa akin nitong mga nakaraang araw.
"Wala ka bang trabaho?" dagdag ko pa.
"Meron, ikaw..." tugon nito.
Napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Ako?" seryoso kong tanong.
"Aha...Babantayan lang kita sa mga ginagawa mo, yun lang..." sabay ngiti nito sakin.
Nakakasura.
Kinuha ko sa aking bulsa ang aking phone noong maramdaman ko ang pag-vibrate nito. May panibago akong text message na natanggap mula kay Larren.
![](https://img.wattpad.com/cover/26770247-288-k863165.jpg)
BINABASA MO ANG
My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)
Ficção GeralAno nga ba ang nagtutulak sa isang tao para magbago?? Gaano ito katagal bago lubusang mangyari?? Higit sa lahat, sino nga ba ang taong makakatanggap sayo, oras na magbago ka??