Matamlay.
Ganun siya kung tingnan ng ama at limang kapatid na lalaki.
Sa pamilya Buendia, bawal ang malamya at mahina. Dapat alerto at agresibo sa buhay.
Hindi pwede ang papetiks-petiks. Dapat sa lahat ng gawin mo ay kaakibat ang desiplina sa sarili.
Graduating na ako sa senior high ngayon pero tingin ko hindi pa'rin nagbabago ang turing ng pamilya sa'kin.
Ako pa'rin ang pinakamahina. As in sa lahat ng bagay. Mapa-pisikal man at diskarte sa buhay.
Bilang bunso sa anim na magkakapatid, mahirap lumaki sa poder ng ama na kung saan ay isang retired general sa army.
Ang panganay namin ay isa 'ring air force officer. Ang pangalawa naman sa'min ay nasa Navy. Yung kasunod ay nasa BJMP at yung dalawa ay parehong nasa SAF.
Pagka-graduate ay inaasahang magte-take ako ng exam sa PMA. Hindi man nakikitaan ng talento sa pisikal pero matalino naman ako. Sana nga lang makapasa. At least man lang 'dun maging proud ang daddy sa'kin.
Pero namulat ako sa katotohanang wala na 'tong ibang maramdaman sa'kin kundi puro dissapointments.
Namatay kasi 'yung mommy namin dahil sa panganganak sa'kin. Like hindi ko naman kasalanan na nalagutan si mommy ng hininga dahil sa pagsilang sa'kin.
" Lexir! Bakit ang kalat ng kwarto mo??!"
Matamlay akong bumangon at mahinang kinusot ang mga mata. Nakita ko si kuya Xavier.
Nakarating na pala siya galing 1 week duty niya. Ganun kasi sa BJMP. 1 week duty, 1 week din day off. Wala ang apat kasi nasa malayo na assign. Maswerte nalang kung holidays makakauwi sila. Ganun daw talaga, basta call of duty mahirap magkatime sa pamilya.
Matamlay akong napatayo at dahan-dahang inayos ang mga gamit sa kwarto. Katatapos lang ng aming thesis defense kaya ngayon lang ako nagka-time ayusin ang mga kalat sa kwarto.
Well, technically kung hindi sinita ni kuya hindi ko sisimulang gawin.
" Ano ba 'yan Lexir, kapag nasa military ka na hindi uubra 'yang kilos malamya mo! Ano ka ba! Parang di ka lalaki."
Nababagot akong nag pout at pinagpatuloy lamang ang paglilinis.
" Hoy, bakla ka ba?! Ang hinhin mong kumilos!"
Natigilan ako sa sinabi ng kuya. Napalunok ako at mabilis napakurap.
" Tapatin mo nga ako Lexir! Bakla ka ba, ha?! "
Sinubukan kong patigasin ang features sa mukha upang magmukhang barumbado sa reaksyon.
" Ano ka ba kuya! Hindi! Pagod lang ako kaya ganito ako kabagal kumilos." Pagkasabi 'nun ay binilisan ko na ang paglilinis.
Pero napalingon ulit ako sa kuya nang mapagtanto na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
Shemay.
Ano ba dapat gawin ko para maniwala siya?
" Hoy Lexir.. bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend hanggang ngayon?"
Shit. Pareho talaga sila ni daddy na 'yun agad ang tinatanong sa'kin.
Bakit hindi nalang sila makontento na sobrang focus ko sa studies at swerteng wala akong jowa na magdidistract lang sa'kin?
" Hoy.. sumagot ka nga. ."
Tumayo na ako at kinuha ang basurahan.
" Kuya.. wala pa akong plano. Saka focus muna ako ngayon sa studies. Distractions lang sa'kin 'yang mga babae." Shuta. Nasusuka nga ako isipin 'yun. Like? Iw.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...