" Ampon "
Completion ceremony namin ngayon. Pero hindi ako pumunta.
Aside sa kalagayan ko pero knowing my parents couldn't come kaya useless pa'rin.
Pakonswelo ko nalang dahil at least natapos ko 'yung Junior High with flying colors. Kahit pa sa nangyari, nagawa ko pa'ring isalba ang sarili.
Blangko akong napatingin kay Lexir na ngayon ay tahimik na kumakain ng pomelo sa sala.
Nasa tapat na sofa ako nakaupo.
" Gusto mo Honeybee? "
Hindi ako umimik at parang pasan ko ang mundong sinulyapan lang siya.
Nagkibit lang siya ng balikat at nagpatuloy lamang sa pagkain.
Medyo gumagaling na 'yung pasa niya sa mukha. Nakikita ko na ngayon ng klaro 'yung mukhang minsang kinabaliwan ko.
Napasulyap siya ng tingin sa'kin at mukhang iritadong tinitigan ang suot kong itim na printed shirt. Maluwag nga lang 'to sa'kin kahit pa sa malaki kong tiyan.
Ayy oo nga pala. Sa kanya 'to.
" Wala ka bang mga damit? Bakit 'yung mga damit ko ang palagi mong suot? "
Napayuko ako at inignora siya.
Sumandal ako sa sofa at pumikit.
" Hoy babae..umakyat ka 'run sa kwarto kung gusto mo matulog. Ano? Bubuhatin pa kita kapag nakatulog ka?"
Inis akong dumilat.
" Wala akong balak matulog. I am just trying to relax myself."
Hilaw siyang ngumiti saka biglang sumeryoso ang mukha.
" Yeah right, sinabi mo 'rin 'yan 'nung nasa lanai ka. Muntik ka ng mahulog sa bangko kung hindi ako maagap sa pagsalo sa'yo. Baka nabagok na 'yang ulo mo kung nahuli pa ako 'nun."
Pagod akong umirap at tumayo na.
Aalis na sana ako sa harap niya nang biglang bumukas ang double door.
Nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang makita si kuya na pumasok.
May dala siyang malaking boquet of yellow roses at isang luxury paper bag.
Napatingin ako agad kay Lexir na hindi na natuloy sa pagsubo ng pomelo.
" Hey little sis..congra..."
Napasulyap siya kay Lexir.
Saglit silang nagkatitigan pero ilang sandali pa ay binitawan agad ng kuya ang mga hawak saka walang pag-aalinlangang sinugod si Lexir.
" Hayup ka! Bumalik ka na pala! "
Kinwelyuhan niya si Lexir at sinuntok sa mukha.
Tumilapon si Lexir sa sofa. Hindi pa man naka-recover ay hinila ulit siya ng kuya at sinikmuraan.
Napakurap ako at kinabahan. Lalo at inulit pa 'yun ng kuya.
" Kuya...tama na."
My brother's eyes are in rage when he face me.
" Sinira ng lalaking 'to ang buhay mo! Kaya papatayin ko siya--"
" Kuya wag!!! " Mabilis akong sumaklolo kay Lexir nang sikmuraan ulit ito ng kuya.
" Tama na..kuya. " Hinarang ko ang sarili upang hindi na ulit masaktan ni kuya si Lexir.
" Tanga ka talaga Honeybee! Bakit ba baliw na baliw ka sa baklang 'yan?!! "
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...