" Happy ending "
Kanina ko pa tinitingnan ang bigay na singsing ni Lexir.
Grabeh, sobrang bagay nito sa kamay ko!
Totoo bang nangyayari 'to?
Talaga bang sinabi niya 'yun??
Ilang beses ko kinurot ang sarili baka kasi nananaginip lang ako. Baka isa lang 'tong malaking prank at bigla nalang niya sasabihin na hindi pala totoo 'yung sinabi niya.
Talaga bang nasa happy ending na kami?
Happy ending na nga ba 'to?
Itinaas ko ag kamay at biglang kuminang ang asul na bato ng singsing.
Namangha talaga ako sa ganda nito.
How could he know what I like?
Noon pa ako mahilig sa mga sapphire stones. Birthstone ko kasi 'to. I also like blue. Any shades of blue.
". .my.."
Nakita kong lumakad palapit sa'kin si Princess.
Mas lalong nalunod sa tuwa ang puso ko. Excited sa mangyayari sa pamilya namin.
" Come here baby. " Kinuha ko siya at pinaupo sa hita ko.
" Look baby oh. Bigay sa'kin ng daddy mo."
Princess eyes lit up with amazement. She touched my ring and wanted to get it from my ring finger.
Hinubad ko naman 'yun upang mas mahawakan niya.
She played it gracefully.
Masayang masaya talaga ako habang nakatingin sa singsing.
Ilang sandali pa ay sinubukan na niyang isuot 'to pabalik sa'king daliri.
Tinulungan ko naman siya upang magawa 'yun.
I feel like floating at this moment. Parang nakalutang pa sa ere 'yung utak ko.
Hindi ko alam kung saan magsisimula. Ngayon palang hindi na ako magkamayaw sa kasal na mangyayari.
Ano kayang uunahin ko? Yung gown ba? Yung venue?
Ano ba? Nako naman...bata palang ay ito na ang pangarap ko na maikasal sa kanya.
Pero ngayong magkatotoo na, hindi ko naman alam saan magsisimula.
Pero whatever...basta tuloy na tuloy talaga ang kasal!
Niyakap ko ng mahigpit si Princess at pinigilan ang sarili na mapasigaw.
Pero hindi ko na talaga kaya. Sumigaw talaga ako.
" Mom--my?"
Humalakhak ako at pinanggigilang halikan si Princess.
Sa sumunod na araw ay hindi na talaga ako nagpapigil at sinimulan na ang preparasyon sa kasal.
I should be preparing for my debut. Pero sinabi ko sa family namin na isasabay ko ang petsa ng kasal namin ni Lexir sa birthday ko.
Oh di ba.. pinakamagandang gift sa kaarawan ko ay ang maikasal sa wakas sa lalaking matagal ko ng pangarap!
" Ano mas bagay sa'kin Lexir? " Pinakita ko ang iba't ibang design ng wedding gowns na nagustuhan ko sa catalogue.
We're here in a botique. Gusto ko na ngang magsukat eh kaya lang mas gusto ko 'yung costumize gown.
Napatingin si Lexir sa mga pinakita ko.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomansaLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...