" First Love "
There was this love that I thought I could never live without. Coz whenever I think of that love, I realize how my world change. That love made me feel a lot of things.
Those were the best moments of my life that I don't want to forget. Even until now.. I still think of it.
" Huwag na tayong pumasok sa PMA baby.. mag-abroad nalang tayo. Mauna ka 'don at susunod ako."
Tiningnan ko si Haiden na payapang pumikit habang may naiwan na ngiti sa labi.
Nasa apartment kami at katatapos lang namin mag sex.
Nababahala akong napatitig sa kanya. Hindi maiwasang kabahan para sa'ming dalawa.
" Saan naman tayo pupunta? "
Ngumiti siya ng mas buo pero nakapikit pa'rin.
" Don..sa America kung saan legal na ang mga katulad natin. Kung saan pwede tayong magpakasal."
Napadilat siya nang sambitin ang kasal.
Tumingala siya sa'kin. His eyes are full of love..so sure of what he had said.
Naluluha 'rin akong ngumiti at hiniling na sana mawala na lahat ng pag-aalala sa puso ko. Na sana katulad niya ay maging matapang din 'to sa pagharap sa'ming sitwasyon.
" Pero..paano ang pamilya natin? Paniguradong..itatakwil nila tayo." Malungkot akong umiwas sa kanya ng tingin at bumalik na sa paghiga.
" Paano 'yung mga pangarap natin? Di ba gusto nating maging sundalo noon pa man? "
Matagal bago siya sumagot sa'kin.
" Pangarap mo ba talaga 'yun? O ng daddy mo? "
Tumigas ang panga ko at napakurap.
" Lexir.. baby.. you know my real dreams are you." May naramdaman akong humaplos sa'king pisngi.
Napalingon ako sa kanya at naramdaman ang paglapit ng kanyang mukha sa'king mukha.
Pumikit ako at dinama ang paglapat ng aming mga noo at ilong.
" I promise..no matter what happen. I'll be with you in this love. Kaya natin 'to. Basta.. mauna ka lang 'don. I have a family relative there sa Colorado. Pwede kang mag-aral ng cosmetology 'dun. At kapag nakagraduate na ako sa senior high dito..susunod agad ako sa'yo."
Hindi na niya ako hinayaang makasagot dahil hinalikan na niya ako.
He was so sure of our future at that time. He was so sure of me. That kiss felt so sure.
Until I ruin it.
Sinira ko 'yun lahat. Ang mga plano namin.. ang pagmamahal niya sa'kin.
Lahat 'yun nawasak nalang bigla..dahil kay Honeybee.
" C'mon Princess..ahh.. eat ka na."
Nakita ko si Honeybee sa lanai namin habang nagpapakain kay Princess.
Huminga ako ng malalim. Hindi kasi siya lumabas ng kwarto simula kahapon. I tried to talk to her, but she won't face me. Hindi niya ako pinagbuksan ng pinto.
Hinayaan ko nalang at pinalipas muna 'yung galit niya sa'kin. Hoping kinabukasan mawawala 'rin.
I tried to crack a smile when she set her eyes on me.
Pero napawi lang 'yun agad nang makita kung gaano ka mugto ang mga mata niya.
Did she cry the whole night?
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...