" sapphire stone "
" Sigurado ka bang bagay sa kanya 'to?"
Pinakita ko kay Millet 'yung nabiling singsing para kay Honeybee.
It was a white gold ring with sapphire stone on it.
Naraanan ko 'to sa isang jewelry shop sa mall noong isang buwan. Mabilis akong na attract sa singsing. Mahilig kasi si Honeybee sa blue. I remember her highlights hair na hanggang ngayon meron pa'rin siya.
At that time, I was battling with my decision of pursuing her for good. Wala na akong ibang maisip na paraan upang hindi sila tuluyang malayo sa'kin.
Ayokong mapunta sila kay Bartolome.
" So you're not gay anymore? "
I was left awkward with what Millet said.
Napayuko ako at natahimik.
Sobrang nagtatalo ang buong kalooban ko ngayon sa dapat maramdaman.
Aminado akong bakla pa'rin ako. Tsk. Hindi naman talaga nawala 'yung kabaklaan ko.
'Yun nga lang, parang mamamatay naman ako isipin ang sitwasyon ngayon.
Ayokong malayo ng tuluyan 'yung mag-ina ko sa'kin.
" Bakit ka magpapakasal kung bakla ka naman pala?"
Hindi ko masagot 'yung tanong ni Millet.
Napabuntong hininga ako.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtapik ni Millet sa'king balikat.
" Don't worry, wala naman sa kasarian ang pag-ibig. Push mo lang 'yan. Kung diyan ka masaya...go. Gawin mo."
Natulala lamang ako sa sinabi ni Millet.
Ngumiti siya saka marahan akong tinitigan.
First time kong narinig si Millet na ini-encourage ako.
I feel like his real friend this time.
Bumitiw na siya at tiningnan ako ng maigi.
" Kaya lang...are you really in love with Honeybee? Baka kasi dahil lang sa bata kaya nagdedesisyon ka ng ganyan."
Ha?
" Y'know what Lexir...it would be unfair to Honeybee if you will just marry her only for your daughter. Kung hindi mo naman siya mahal..wag mo na ituloy. Masasaktan lang siya. "
That was the last words Millet said to me before she go.
Nasa pamamahay na kami ngayon ng mga Imperial. Bukod sa daddy ay present din ang lima kong kapatid sa pamamanhikan na 'to.
Napalunok ako at hindi mapakali.
Am I really inlove with Honeybee?
Mahal ko nga ba ang malditang 'yun??
Ginagawa ko nga lang ba 'to dahil sa bata?
Pero...
" Pasensya na kayo Pancho...pero pababa na si Honeybee. Natutulog pa kasi si Princess."
Hindi ko alam kung bakit mas kinabahan ako lalo sa narinig kay tito Derio.
Ilang sandali pa ay bumaba na nga si Honeybee.
Matalim na titig agad ang binigay niya sa'kin.
Her eyes are asking me for the 'what the fuck is happening?'
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...