" Binyag + birthday "
I scan all his messages. Inignore ko kasi 'yung messages niya pero mavi-view ko pa'rin naman nang hindi niya nalalaman. Yun nga lang hindi ako makapagreply dahil kapag ginawa ko 'yun, malalaman niyang nababasa ko lahat ng mga messages niya.
Napangiti ako sa hitsura ni Princess. Puno kasi ng chocolate ice cream 'yung mukha niya.
Nasa mall pala sila ngayon.
Nalungkot naman ako. Kasi dati kapag pinapasyal namin si Princess eh magkasama talaga kami.
" Hey babe.. what's up? Are you okay?"
Natigilan ako at napalingon kay Tolome.
Sumama kasi ako sa kanya kasama 'yung barkada niya dito sa Tagaytay. Pati na 'rin si Rei kasama namin.
We're in a private villa. Mukhang pag-aari 'to 'nung isa niyang friend.
Tanaw namin mula rito ang napakagandang view ng bulkang Taal.
May malaking swimming pool dito at jacuzzi. Most of his friends are now swimming. Pati si Rei ay nasa jacuzzi, nakikipagharutan 'dun sa isa niyang kaibigan.
Mabuti at hindi naging issue sa'min ni Rei 'yung pagkakasagot ko kay Tolome.
She's happy with my relationship with her crush.
Parang ang sama kong kaibigan sa lagay na 'to.
Pero desperada na akong sumaya muli. I want to show to Lexir that I can build up again my life even if without him.
I want him to know na kaya kong wala siya sa buhay ko. Na mas bumuti 'yung buhay ko nang umalis ako sa kanila.
Pero naging masaya nga ba ako sa bagong buhay ngayon?
Kung maya't maya wala akong ibang naiisip kundi siya lang.
Damn..here we go again. Fooling myself.
" I'm okay babe. Ikaw? Gusto mo na bang maligo? " Hilaw akong ngumiti sa kanya.
Tolome stare at me intently. Na para bang natigilan siya.
" What's wrong babe?"
Ha? Bakit ano bang nangyayari sa'kin?
" You seem occupied these days. Why? What are you thinking?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya saka napayuko.
" Wala 'to..it is just my daughter. Baka namimiss ko lang siya."
And I really miss her.
Sobrang miss ko na siya kahit isang araw lang kami 'rito.
Pero...may isang tao talaga akong namimiss ng sobra.
Ayaw ko lang aminin sino siya.
" Ah..next month na pala 'yung birthday niya. Gusto mo planuhin na natin 'yung theme?"
Yan yung rason kung bakit magaan na ang loob ko kay Tolome ngayon. Hindi siya tulad ng ibang lalaki diyan na big deal 'yung nangyari sa'kin.
Wala siyang pakialam kung 'yung girlfriend niya ay isang dalagang ina. Tanggap niya ang nakaraan ko maging si Princess.
Parang anak na nga niya 'to kung ituring.
Lumiwanag ang mukha ko sa narinig saka sinabi sa kanya 'yung mga plano ko.
Excited naman siyang nakinig at dumagdag ng mga suggestions upang mas mapaganda pa 'yung party ni Princess.
Nang makauwi kami ay pinasyal namin si Princess sa mall. And for the next days, isa siya sa naging abala sa preparation.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...