" Intrams "
" Siguradong panalo na tayo. " Saad ni KC habang nagme-make up.
Vacant namin ngayon at kanina lang inanounce na 'yung representative ng Grade 12 HUMSS sa Mr. and Ms. Intrams.
" Oo nga.. I'm sure kahit mukha kang tuod Millet, kayang kaya kang pagandahin ni Lexir."
Pagod lang na umirap si Millet at kinuha ang kanyang headphones.
She's pissed, I know it.
Pinilit lang kasi siya ng dalawang baklang kaibigan na sumali. Hindi ko alam kung anong pamba-blackmail 'yung sinabi nila rito at bigla nalang itong napapayag.
Ako sana 'yung kukunin sa Mr. Intrams pero tumanggi ako. Aside sa hassle sa'kin ang practice tuwing hapon dahil kay Princess, eh mas bet ko namang sumali bilang Miss Intrams kesa Mister. Tsk.
Mabuti at nag volunteer 'yung kaklase naming matagal ng may crush kay Millet. Si Tyson.
" Tsk. Ang arte ng lola niyo. Nako...ikaw na nga 'tong tinutulungan. Ikaw pa 'tong OA!"
Hindi ko alam kung bakit sila naging magkaibigang tatlo. Magkaiba naman sila ng ugali.
Si Winky ay napaka-easy go lucky. Si KC naman 'yung studios type pero pinakamalanding bakla sa balat ng lupa. Tapos si Millet na ka babaeng tao , mga bakla ang barkada.
Okay sana kung sobrang outgoing niya na tao pero napaka-introvert nito. Napaka-snob din.
Hindi ko talaga maintindihan 'yung friendships nila. Sa kanila lang 'yung pinaka-weird.
" Lexi... turuan mo pa kami 'nung mga technique mo sa pag-eeye shadow, ha." I like it when KC call me that name.
I feel like in my real selft when he called me Lexi.
" Nasa paghahalo lang talaga ng tamang color combination 'yung technique diyan. Mas bagay sa mga dark skin tones 'yung medyo highlighted colors."
Actually sobrang nice naman sila maging kaibigan. Walang hassle.
They never mind if I have a child already. Walang gap at awkwardness para sa kanila 'yun.
Hapon nang e-approach ko si Millet. Ako kasi na assign sa hair and make up niya kaya gusto kong malaman kung anong make up ang mas babagay sa kanya sa contest.
At magagawa ko lang 'yun if I open this barrier between us. I need to reach out first. Kasi kung hihintayin kong siya ang unang gagawa 'nun baka umabot lang sa susunod na habang buhay ko.
" Hey..Millet.."
She give me a boring look when she glimpse at me.
She's preparing for her Karate training. Naka-attire na kasi siya nang maabutan ko sa kanyang locker area.
" Can we talk first?"
Tumalikod siya saka naglakad na.
Teka...wala ba siyang planong kausapin ako?
" Hey...teka muna."
Walang gana siyang napalingon sa'kin.
" What, bakla?"
Napalunok ako. Yun kasi tawag niya sa dalawang kaibigan kaya ito na'rin 'yung tawag niya sa'kin.
" Ahm.. can we hang out first? I mean..pwede bang ma try ko sa'yo 'yung mga make up ko. I just want to make sure na alam ko ang babagay sa'yong make up sa Intrams."
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...