" bata "
Hindi 'raw kumain ng hapunan ang gaga sabi ni kuya Xavier. Kaya naman wala akong choice kundi dalhan siya ng dinner sa kwarto.
Gusto ko sana hayaan nalang kasi for sure nag-iinarte lang 'yan. Pero mukhang raratratin ako ng armalite ni daddy sa mga tingin kaya napilitan tuloy akong hatdan siya.
Galit akong tumitig sa kanya habang dala ang isang tray ng hapunan niya.
Nakahiga siya ngayon sa kama ko at natutulog.
Tsk. I'm sure nagtulog-tulugan lang siya.
Nako..siya na nga 'tong pinapakain ng libre, siya pa 'tong nag-iinarte!
" Hoy Honeybee..."
Hindi umimik.
" Hoy..babae...gising..kain na."
Aba..tulog-tulugan pa'rin?!
Inikot ko ang mga mata saka inis na binaba muna ang tray sa bedside table.
Sumampa ako sa kama at inis siyang hinablot sa balikat. Napahiga tuloy siya ng tuluyan.
Nakatalikod kasi siya ng higa mula sa'kin.
Parang naamlimpungatan siya nang magising. Hilaw akong ngumiti sa kanya.
" Kain ka na. Baka gusto mong subuan pa kita?!" Mataray kong saad sabay irap.
Pero ang gaga, inirapan din ako.
Papungas-pungas siyang bumangon. Napahikab siya sabay hawi ng ilang buhok sa likod ng kanyang tenga.
Napakunot naman ang noo ko. Dumating na 'yung mga damit niya, bakit mga damit ko pa'rin ang suot niya?!
Mas nadagdagan lang yata 'yung inis na nararamdaman ko sa kanya ngayon.
" Hoy.. tigilan mo na nga 'yang kakasuot mo ng mga damit ko! Mga favorite tshirt ko pa talaga 'yung sinusuot mo!"
Napatingin siya sa damit na suot.
Inignora lang niya ako sabay baba sa kama.
She tie her hair.
" Hoy...hindi ka kakain?"
Hindi niya ako sinagot.
Haynako. Heto na naman kami.
" Honeybee...kumain ka na. Dinadamay mo pa ang bata diyan sa kadramahan mo." Umirap ako at inayos ang nagulong higaan.
Liningon niya ako sa malamig na ekspresyon.
Tsk. Hindi talaga ako sanay sa pagbabago niya. Asan na 'yung Honeybee na napakamasiyahing tao? Yung mga matang kumikislap sa tuwa sa tuwing nakikita ako?
Parang walang buhay na kasi 'yung mga mata niya ngayon.
" Wala akong gana. "
Nagpanting 'yung tenga ko 'run.
" Ano? Tsk. Kung ikaw walang gana...ang bata meron. Kaya wag kang mag-inarte diyan! Umupo ka 'rito at kumain!"
Galit siyang umirap saka pumasok ng banyo.
Napatingin ako sa mainit na sabaw. Kapag ito lumamig dahil sa kaartehan niya..nakoo!
Nang lumabas siya ay may hawak siyang tuwalya. Pinupunasan niya ang mukha.
May ilang hibla ng kanyang buhok ang nabasa. Mukhang naghilamos siya sa loob.
" Honeybee..kain na." My voice is authoritative. Malayo sa baklang boses.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...