" Masama "
" What's this? Bakit ka may corset binder, ha? " Parang loading kong sinuri 'yung binder na nakita sa maletang pinadala ng parents niya kahapon.
She's currently tying her hair.
" Ha? "
Napakunot ang noo ko at hindi maintindihan kung saan niya ginamit 'tong binder at kung bakit isinama ito ng parents niya sa mga gamit niyang ipinadala 'rito sa bahay.
Taka kong ipinakita sa kanya ang binder at nang makita niya ay sobrang nagulat siya.
Biglang dumilim ang kanyang ekspresyon at halos mapatakbong lumapit sa'kin. Hinablot niya kaagad sa'kin 'yun at nilampasan ako.
Agad naman niya 'yung binalik sa maleta.
" Bakit mo ba pinakikialaman 'yung mga gamit ko?!" Halos masira 'yung zipper ng maleta sa kanyang pagsara.
Medyo nagpanting naman 'yung tenga ko sa pagsigaw niya.
" Bakit? Bawal? Malay ko ba kung meron na naman 'diyang drugs. Tsk." I couldn't hide my disgust when I look at her.
Pero mukhang umigting lang 'nun ang galit niya sa'kin.
" Kung meron man Lexir, I assure you hindi na 'yun ecstacy pills kundi killer drugs. Bakit? Gusto mong lasunin kita sa susunod?"
What?!
Is she threatening me?!
Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi malabong pwede niyang gawin 'yun. Baliw yata ang babaeng 'yan!
" Wow..ang galing. Noon r*pist, ngayon naman killer!"
Mapait siyang tumitig sa'kin dahil sa sinabi ko.
To my surprise, she suddenly transforms into the usual monster that I know.
" Fuck you!!! " Galit niya akong nilampasan at sadyang binangga sa balikat. Medyo malakas 'yun kaya nabuwal ako papunta sa kama.
Eh nagalit na talaga ako kaya mabilis ko siyang hinila.
Pero gaga yata siya ng taon nang bigla niyang hugutin ang kamay dahilan para matumba na naman ako sa kama.
" Fuck off Lexir!"
Maldita sana siyang aalis pero no way. Mabilis akong tumayo at hinarang kaagad siya bago tuluyang makalabas ng kwarto.
" Hoy! Magkalinawan nga tayong babae ka!" Dinuro ko siya. Pero ang gaga, walang emosyon lang akong tiningnan. Humalukipkip pa!
" What now?!"
Aba...nako..sarap kuyumusin ng bunganga.
" Hoy, nasa pamamahay kita ,ha. Technically, nakikitira ka lang dito! Kaya magdahan-dahan ka diyan sa ka malditahan mo! Baka gusto mong palayasin kita!"
I feel like winning already when I see her flinch.
Yan..alam kong takot kang mapalayas dito. Tinakwil ka nga sa inyo, di ba?
" Baka gusto mo sa kangkungan pulutin?! Gusto mo 'yun?!" Mataray kong banta sa kanya.
Pero pinanganak yata siyang expert sa pagiging masama kaya lumalaban!
" Gusto mong sa kangkungan 'din pulutin ang anak mo?! Ha? Gusto mo 'yun?!"
Mabilis akong napakurap at sa gulat ay bigla niyang tinulak. Nabangga ng malakas 'yung likod ko sa pinto.
" You b*tch!! " Haaay! Konti nalang masasabunutan ko na siya!!!
" Tabi bakla! " Pero hindi ako tumabi. Ano siya, hello?! Hindi pa kami tapos!
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...