" itama ang lahat "
If second life is true...sana nga lang makita ko ang sarili muli na tuluyang bumawi na talaga.
Bawi nalang siguro ako next life.
" You still love him! "
Napalunok ako at hindi agad makahuma sa sinabi ni Tolome.
" I can see it in your eyes...Honeybee. The way you look at him. You're still into him!"
Hindi ako makasagot sa sinigaw niya dahil aminado akong totoo 'yun.
Frustrated siyang napahawi sa buhok.
" Ano pa bang kulang, ha? Ginawa ko na lahat sa'yo." Sobrang paghihirap niyang saad sa'kin.
Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Aluin siya. Sabihin sa kanya na huwag siyang mag-alala. Pero kapag ginawa ko 'yun, mas mahahalata lang 'yung totoo.
That I'm still into that gay daddy of my child.
Shit. Bakit ba kasi nakita pa niya kami ni Lexir na nagtinginan ng ganun sa kwarto ni Princess.
Pagkatapos kasi 'nun ay naging off na si Tolome sa'kin.
Hanggang sa isang araw..kinompronta ko siya.
At heto nga.. nahalata na pala niya 'yung sikreto ko.
Hindi na sikreto 'to kundi isang obvious na katotohanan na.
" You still love him." Tulala lamang ako sa huling sinabi sa'kin ni Tolome nang iwan niya ako.
Hindi ko alam kung tuluyan na ba kaming hiwalay pero hindi na siya sumasagot sa text at call ko.
Maybe he need some time to think about it.
I waited him to be sane and sound before we can talk about it properly.
Pero hindi ko inasahan..na mababalitaan nalang isang araw na sila na pala ni Rei.
Isang malutong na sampal ang ginawad ko kay Rei.
" She's my boyfriend Rei, bakit mo siya inagaw sa'kin?"
Mataray lang na tumingin si Rei sa'kin.
Nagulat talaga ako sa pinakita niyang reaksyon.
Parang hindi na siya 'yung kaibigan ko.
" Should I be the one saying that to you? Bakit mo inagaw 'yung crush ko?"
What?
Nang marealize ang lahat ay saka palang ako natauhan.
" Rei? Akala ko ba walang issue sa'yo 'yung pagsagot ko kay Tolome?"
Mapait siyang tumitig sa'kin.
" Yeah.. dahil ikaw 'yung taong sobrang selfish at sarili lamang ang iniisip! Akala mo lang wala, Honeybee. Pero sobrang nadurog ako 'nung sinagot mo siya. You in all people know how much I love him! "
Natahimik ako.
Rei? Bakit siya nagsasalita ng ganito sa'kin?
" Sa ilang taon nating pagkakaibigan Honeybee...tiniis ko 'yang ugali mo. Nung binalaan kita kay Lexir, kahit hindi ka nakinig at nabuntis pa. Kahit kasalanan mo naman, pero andito lang ako sa'yo! Kahit hindi mo ako pinapansin 'nun, I was there for you! Pero..sawa na akong magparaya sa'yo Honeybee. Sawa na akong ikaw nalang palagi ang iniisip. Friendship should be a two way process. Ikaw ba? Anong ginawa mo sa'kin? Para patunayang totoo kang kaibigan?"
Napakagat ako sa labi at nasasaktang tiningnan siya.
" Girl code 'yun Honeybee.. kapag crush ng friend mo, sana dumistansya ka. Akala ko wala ka talagang gusto kay Tolome..pero paano mo nagawang akitin siya para ipamukha diyan sa baklang ama ng anak mo na maayos talaga buhay mo?!!"
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...