31: Honeybee Imperial

1.1K 52 10
                                    

" Kuya "

I drop the last piece of origami to the bottle. Naka- one thousand na ako. Masaya ako dahil sa wakas matutupad na ang matagal ko ng hinihiling.

Na mahalin ako ni Lexir.

" Honeybee.. may glue ka ba? "

Bumangon na ako mula sa pagkakadapa sa kama.

Kinuha ko 'yung glue at inabot kay kuya.

Nagtataka siyang napatingin sa isang garapon kong origami.

" Para 'san na naman 'yan? "

May iritasyon sa mga mata niya nang mapasulyap sa origami.

Pero inignora ko nalang 'yun saka tumayo. Nilagay ko ang natapos na origami sa bedside table.

" Para kay Lexir. Bibigyan ko ulit siya. Alam mo na kuya baka this time pansinin na niya ako."

Napahawi siya sa kanyang buhok at galit akong tiningnan.

Umirap naman ako sabay halukipkip.

" Ang tigas talaga ng ulo mo babae ka! Sinabi na nga sa'yong tigilan mo na 'yan! Bakla si Lexir! Ano ka ba!"

Haynako! Here we go again.

" Kuya..hindi siya bakla. Kailangan lang niya ng isang babaeng magpapatigas sa malambot niyang pagkatao--

Napadilat ako nang maramdaman ang paghablot niya bigla sa braso ko.

Nagtataka na akong napatingala sa kanya.

" Tumigil ka Honeybee..ha. Tama na! Hindi ka tanga para hindi maintindihan ang sasabihin ko! Hindi si Lexir ang lalaking para sa'yo!"

Nagalit na talaga ako kaya naman tinulak ko siya.

" Ah talaga?! Pano kung sabihin ko sa'yong, siya talaga ang lalaking nakatadhana sa'kin? Aber? Ano gagawin mo? "

My brother get silent as he look at me. Maybe so full anymore with my dramas.

Frustrated siyang napatingin sa'kin.

Inikot ko ang mga mata saka nagpabebe sa kanya.

" Kuya naman eh. Bakit ba not supportive ka sa pagkakagusto ko kay Lexir? Kung tutuusin, kilala mo na siya. Mabait kaya siya. Matalino 'rin! Saka gwapo! Kaya bagay na bagay siya sa'kin."

Hindi siya umimik at tinitigan lamang ako.

" Kuya..promise. .kapag kami nagkatuluyan..iimbitahin talaga kita sa kasal namin. " Napahagikhik ako nang sabihin 'yun.

" Tanga ka talaga. Kailanman..hindi 'yun magkakagusto sa'yo. Lalaki naman gusto 'nun." Mahina niyang sambit saka iniwan na ako sa kwarto.

Napasimangot naman ako at binilatan lamang ang pintuan kung saan siya lumabas.

" Lalaki..tsk. Over my dead and sexy body. Akin lang si Lexir!"

Malungkot akong napatingin sa repleksyon ng salamin.

Pinilit kong ngumiti habang pinagmamasdan ang napakagandang sarili.

Mula sa halos perpektong make up hanggang sa hairdo na bumagay sa veil ko. I have a tiny tiara there.

Maging ang tube na wedding gown na mas nagpa-emphasize sa'king shoulder lines.

" Ang ganda mo.." Naramdaman ko ang mga kamay ni Lexir na humawak sa'king balikat. May make up brush pa sa isa niyang kamay.

I see how Lexir's eyes lit in happiness as he look in the mirror the girl he will marry a few minutes from now.

Tinotoo nga niya. Siya nga gumawa ng make up ko.

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon