Epilogue

1.8K 52 9
                                    

" Hey.. "

Napalingon ako kay Lexir na ngayon ay yinakap ako mula sa'king likuran.

Nasa rooftop kami ng bagong apartment na binili niya para sa'ming bubuuin na pamilya.

Last week lang kami lumipat 'dito.

" Hey.." Napahawak ako sa kamay niyang nasa ibabaw ng aking malaking tiyan.

" Kumusta ang buntis? "

Napangiti ako sa tanong niya. Tanaw namin ang mga nagkikislapang bituin sa langit.

" Hindi okay. "

Naramdaman kong kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.

" Why? What happen? May nangyari ba sa school? "

Malungkot akong tumingin sa kanya.

Na bad trip kasi ako kay Lettie kanina. Kahit graduate na siya ay nabubuwisit pa'rin niya ako.

Paano ba naman kasi eh nagpapartime 'to sa registrar.

Magpapa-file sana ako ng leave of absence next sem. Kahit graduating na ako pero hindi ko na yata kakayanin pa ang internship next sem. Tinapos ko lang ang thesis this sem at next year ko nalang ipagpapatuloy ang internship.

Hindi ko naman akalain na siya ang duty sa registrar.

Sobrang nagulat 'to nang nakita akong malaki ang tiyan. The way she look at me seems like she found again another way to mock me.

" Yung kasamahan ko noon sa Student Council. Nakita kasi niya ako kanina sa ganitong kalagayan. Ayun inasar ako. Haynako..dati hindi naman ako apektado sa pang-aasar niya pero siguro dahil sa pregnancy hormones kaya heto hindi ko maiwasan maapektuhan."

Lexir is bothered with what I told him.

" Sino 'yan at pagsasabihan ko. "

Napangiti naman ako at hinawakan siya sa dalawang kamay.

" Wag na.. baka lalo lang mang-asar 'yun. " Bumuntong hininga siya saka inakay na ako maupo mula sa malaking upuan dito.

" You sure it's okay not to confront her? "

Tumango ako saka sinandal ang ulo sa kanyang balikat.

Pinikit ko ang mga mata.

I feel so dizzy in his side. Hindi ko alam..yung stress hormones ko ay bigla nalang kumakalma sa tuwing andyan siya.

" Honeybee.."

" Hmm..?"

" If ever hindi kita nabuntis ulit, do you think magkasama pa'rin tayo ngayon?"

Dumilat ako at napatingin sa kanya.

" I just can't help thinking how you suddenly change your mind the moment you found out about our second child."

Umiwas ako sa kanya ng tingin.

" Alam mo Lexir..'nung araw na nalaman kong buntis ulit ako..sinabi ko sa sarili na hinding hindi na ako babalik sa'yo. Na paninindigan ko lahat ng sinabi ko sa'yo."

Seryoso akong napatanaw sa mga bituin sa langit.

" Kaya lang...naalala ko 'yung ginawa ni Princess sa kaklase niya. Natakot ako bigla."

Tahimik lang siyang nakikinig.

Tiningnan ko siya sa mga mata.

" Dahil sa totoo lang naman Lexir.. napakasinungaling kong tao. Napakataas ng pride. Napakatigas ng ulo. Alam ko naman na mahal pa kita. Mahal na mahal pa'rin. Katulad mo..hindi 'rin nawala 'yung damdamin ko sa'yo."

Napakurap ako ng bahagya at pilit pinigilan ang ilang luha na nagbabadyang tumulo sa'king mga mata.

" We maybe far from a perfect family. We maybe far from those perfect parents nor we're so far from being an ideal couple. We may have flaws and all..but Lexir.. I'd rather do this thing with you. I'd rather have a family only with you. This is my dream before. And now I am finally living those dreams."

Napasandal ulit ako sa balikat niya.

Napapikit muli.

Matagal bago siya nagsalita sa'kin.

" This has never been my dream Honeybee. You know from the start that I'd rather die than seeing myself falling into a woman. "

Huminga ako ng banayad at hinintay pa ang ibang sasabihin niya.

" But.. if given a chance to go back from the past and change everything. You know that the first thing I will do would be to never leave you the moment you had Princess. I know how you suffered on that time."

Napadilat na ako at payapang hinawakan siya sa kamay. I tried to play on his palms just to concentrate listening to him.

" I will not change the part where you and I had Princess. Kahit mali..kahit mahirap..uulitin ko pa'ring maranasan 'yun lahat. Knowing I will have you both in the end."

" I am only sure of the few things in this life Honeybee, and you're one of those few things. Kayo ni Princess. Thank you..for staying Honeybee..for making me happy. "

Ngumiti ako saka tiningnan siya.

" Thank you also Lexir..for not leaving this time."


NP: The Few things (With Charlotte Lawrence) by JP Saxe 🎵🎶

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon