35: Ailexir Buendia

1.5K 48 6
                                    

" graduation gift "

Naalala ko pa 'nung unang beses may nangyari sa'min ni Honeybee ay halos wasakin ko ang bathtub.

Sa tuwing naaalala ang mga dugong nagkalat sa tub ko ay parang maduduwal pa'rin ako sa pandidiri.

Halos isumpa ko ang babaeng 'to noon.

Pero ngayon...

Habang nakatitig ako sa kanya na payapang natutulog sa tabi ko, hindi ko mapigilan ang sarili na isipin ang lahat ng napagdaanan nang dahil sa babaeng ito.

Hindi lang si Princess ang bumago sa buo kong pagkatao. Hindi lang si Princess ang bumago sa takbo ng buhay ko. Hindi lang si Princess ang minahal ko ng sobra. Hindi lang si Princess...hindi lang ang anak ko ang dahilan kung bakit heto pa'rin ako sa kanilang tabi. Hindi makausad at ayaw silang iwan.

Sa totoo lang...pwede ko namang kunin 'yung slots ko sa PMA para tuluyan siyang kalimutan. Lalo na 'yung pag-iwan niya sa'kin sa mismong araw ng aming kasal. Pero hindi ko ginawa. Mas pinili kong manatili. Mas pinili kong hindi umalis. Na kahit masakit at ayaw na niya talaga pero heto pa'rin ako.. umaasa na sana isang araw magbago ang kanyang isip at bigyan ako ng pagkakataong itama lahat ng naging kasalanan ko sa kanya.

It takes me four years to have this courage to pursue her again. For the past years that I'm just here watching them over and never doing anything, I think it is now the time for me to do something.

Not just because I need to for my child..but I realized a while ago that I really need to.

Hindi ko na kayang manahimik. Hindi ko na kayang magpanggap na walang pakialam dahil sa totoo lang sobrang nasasaktan pa'rin ako sa katotohanang pwedeng isang araw mawala sila sa'kin pareho.

Ayokong humantong 'dun. Ayokong mas magkagulo pa. Kung sana.. magbago na talaga ang puso ni Honeybee. Hindi na 'to maging matigas tulad ng dati. Kung sana...

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang napaungol.

Napalunok ako at napahinga ng malalim.

Kinakabahan sa maaring reaksyon niya pagkatapos nang nangyari.

Parang bumalik sa'kin 'yung pakiramdam 'nung unang beses may nangyari sa'min. Ang kaibahan nga lang ay baliktad na ang nararamdaman namin.

Ito pala 'yung pakiramdam ni Honeybee noon. Kung alam ko lang sana na hindi ganun kadali, sana hindi ako nag-react ng ganun.

Para talagang pinaglalaruan ako ng kapalaran. Kung noon halos ipagtabuyan ko siya sa kakahabol sa'kin. Nabaliktad na kami ngayon. Mas mahirap nga lang dahil mas baliw na baliw ako sa kanya ngayon.

Napadilat siya at naalimpungatang tumingin sa'kin. Madaling araw palang. Siguro alas dos palang ng umaga.

Matagal kaming napatitig sa isa't isa. Una siyang nagbawi ng tingin saka dahan-dahang bumangon.

I can literally feel the awkwardness between us.

She grab her clothes beside her and started to get dress.

Ni hindi siya napapatingin sa'kin habang nagbibihis. Nang matapos ay walang salita siyang nagtungo sa pintuan ng kwarto.

Ganun nalang ba 'yun? Basta nalang siyang aalis na hindi namin naaayos 'to?

Akala ko nagbago na ang isip niya dahil sa nangyari sa'min?

" Honeybee..wait.." Bumangon na'rin ako.

Napatigil siya sa pagpihit ng doorknob at napalingon sa'kin.

Hindi ko masyadong aninag ang kanyang mukha dahil sa dilim. Tanging ang ilaw lang sa lampshade ko ang nagsisilbing ilaw namin dito.

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon