" weird "
Sa dalawang taon kong pagtigil sa pag-aaral ay sobrang dami na talaga ng nagbago sa buhay ko.
Ngayong babalik na ako sa school ay parang hindi na ako sanay na hindi kasama si Princess.
And yeah..pati na 'rin si Honeybee.
My plan of going to PMA has changed also. Wala na akong planong mag take 'nun. Ayokong mapalayo lalo sa anak ko.
I still plan on being in the military. Pero siguro kukuha nalang ako ng kursong criminology dito sa isa sa mga unibersidad sa'ming probinsya. Para kahit paano malapit pa'rin ako kay Princess.
Nung una siguradong sigurado ako sa mga plano sa buhay na tingin ko wala ng magbabago 'run.
Pero nakakagulat nalang talaga 'yung mga biglang nangyayari sa buhay ng tao.
Kung meron man akong pinagsisihan ay 'yung mga oras na pinili kong takbuhan ang kapalaran. Sa ngayon wala ng mas importante sa'kin kundi si Princess.
" Hey.. ikaw 'di ba si Lexir? " May isang baklang lumapit sa'kin. I bet kaklase ko siya sa HUMSS.
First day of school kasi ngayon. First period pero wala pa 'yung adviser namin. Baka hindi ito 'yung una naming guro sa first subject.
Marahan akong tumango sa kanya.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang ma excite.
" Waah...grabe...I can't believe this is happening! Seatmate tayo, ha?"
Ha?
Uh, okay?
" Ahm..by the way..ako pala si Winky." Sabay lahad niya sa kamay. Hindi ko agad tinanggap 'yun dahil nagloloading pa lang ako.
For two years that I've never been in school, medyo nakalimutan ko na pano makipagkilala sa ibang estudyante.
Napatikhim siya.
Napatingin ako sa ID niyang suot at nabasa ko 'run ang pangalang William Dimagiba.
Ilang sandali pa ay may lumapit sa'min na isang babae at isang bakla 'rin.
" Winky..."
" Uy, KC .. Millet .."
Napatingin 'yung dalawa sa'kin. Teka..magkapareho 'yung reaksyon ng dalawang bakla nang mapatingin sa'kin. They're happy to see me.
Natigilan naman ako sa babaeng kasamahan nila. Blangko lang kasi ang ekspresyon nito.
" Guys..si Lexir pala..." Pakilala ni Winky sa'kin. Excited na nakipagkamay 'yung isang bakla habang 'yung babae ay walang pakialam lamang.
Teka...ba't parang kilala na ako ng dalawang baklang 'to? Lalo na 'tong si Winky. Kung makaasta parang close na kami.
" Pasensya ka na Lexir kung masaya kaming makilala ka..medyo sikat ka kasi sa skul. Balita ikaw 'yung nakabuntis na bakla." Saad 'nung isang bakla na si KC. Pagtingin ko sa ID niya ay Karlito Condrado Maasim 'yung buo niyang pangalan.
Tumigas ang panga ko at naging seryoso ang reaksyon.
Pano naging sikat 'yung nangyari sa'kin? Saka bakit sila masaya na nakabuntis ang isang baklang tulad ko??
Nakita ko 'yung Millet na nilampasan kami at naupo sa upuan ko.
Napaawang ang labi ko. I want to say to her na upuan ko 'yan. Pero mukhang nakakatakot 'yung aura niya.
Nag-aalangan tuloy akong kausapin siya.
Napalunok ako at napatingin sa dalawang bakla.
" Alam mo ba sobrang idol ka namin!"
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...