4: Ailexir Buendia

1.1K 37 1
                                    

" Nakakadiri "

". .inisip ko kung bakit, ganito ang langit,. nilayo ako sa'yo..."

I hum as my head started to recognize the lyrics of the song I played. I am playing the piano in front of my family and the Imperials.

" .. hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo..ngunit di ko 'rin inaasahang mangyayari 'to...kung ikaw ay alaala nalang...paano na ako? "

Pinipigilan ko ang sarili na hindi maiyak habang tumutugtog.

Malungkot akong napakurap nang matapos ang kanta. Parang walang buhay akong napasulyap sa mga tao sa paligid.

Ilang sandali pa ay umugong ang masigarbong palakpakan ng lahat.

" You really have a talented son, Pancho." Papuri sa'kin ni Mr. Imperial. Papa nila Honeybee.

Tsk. And speaking of the devil Honeybee, well she initiated this scheme.

Siya ang dahilan kung bakit may salo-salo na naman ngayon ang aming mga pamilya.

She just announced our force relationship to our family. Shit. She's even proud of it. As if it is the best decision she ever did.

Of course, both family are happy for the news. They even expected that it will happen one day, since they have plans already to let us date in the future.

Hindi ako makapagsalita nang malaman 'yun. Kaya pala ang lakas ng guts ng babaeng 'to na pilitin ako sa relasyong 'to dahil pamilya namin mismo ang may gusto 'rin nito.

They even have plans on marrying us right away after college. Since papasok ako sa PMA, the Imperials are so excited to finally have a military son in law.

Fuck.

Just fuck them all.

Para akong isang puppet na walang magawa sa pagkontrol nila.

" Baby.. pumasok na 'rin kaya ako sa PMA? Nang sa ganun pareho tayo ng kurso!" Halos wala akong pakialam nang ibulalas 'yun ni Honeybee sa'ming pamilya.

" Tumigil ka Honeybee, ang lampa mo kaya tapos papasok ka 'run?" Umirap lang si Honeybee nang sabihin 'yun ni Haiden.

Nang mapatingin ako kay Haiden, hindi ko mapigilan ang sarili na manghinayang sa'ming dalawa. Ano kaya nararamdaman niya ngayon sa nangyayari?

Sana.. may konti siyang pagsisisi na imbes kami ang mag jowa eh kami ni Honeybee pa ang naging magkasintahan.

Like, I never want it! Gaga lang ang babaeng 'yun na sobrang desperada talaga.

Makarma siya sana. Tsk.

Dahil sa sobrang pagkabagot, tumakas ako sa pagtitipon.

Sinundan ko si Haiden sa likod ng aming bahay na simpleng nagpapahangin.

I mean, he's actually smoking.

Napalunok ako nang mapagmasdan siyang sobrang gwapo habang humihithit ng sigarilyo. Nakamasid siya sa mga rosas na nasa harapan.

Kahit sobrang delikado ng aura niya ngayon pero hindi 'nun nababawasan ang kanyang matinding karisma.

Matangkad si Haiden, mohawk ang hairstyle at chinito mestizo. Bow shape lips at makakapal ang kilay na umayon sa kanyang expressive eyes.

Nakita ko ang ilang ugat niya sa leeg na na-emphasize dahil sa pagtigas ng kanyang panga.

Is he gritting his teeth? Why? Galit ba siya?

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon