" miss"
I can now see my life slowly falling into pieces.
Ilang araw akong hindi maka move on dahil tuluyan na ngang wala na sa bahay sina Honeybee at Princess.
Sobrang nakakapanibago. Nasanay na akong andyan lang sila palagi. Na sa tuwing uuwi ako ng bahay galing school, mukha nilang dalawa ang kokompleto sa araw ko.
Hindi 'rin naging madali sa'kin 'yung bagong set up. Sa tuwing dinadalaw ko si Princess sa mansyon ng mga Imperial, hindi ko makita si Honeybee.
Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o sadyang wala na siyang pakialam sa'kin.
One day nabalitaan ko nalang na sila na 'nung Bartolome Nijiro.
Sa school ay bumalik muli ang pagiging popular ni Honeybee. President ulit siya ng student council. She's in cheerleading squad and partying again like a teenager.
Tsk. Teenager naman talaga siya. Di porke't may anak na ay titigil na ang buhay namin sa pagiging batang magulang.
Tama siya. Hindi natatapos sa pagiging magulang naming dalawa kay Princess ang buhay.
I'm glad she's doing good in her life today.
Minsan kapag napapang-abot kami sa school ay hindi naman siya ganun ka indifferent sa'kin. Pinapansin naman niya ako. Pero 'yung civil lang na pagpansin.
There's no spark of joy anymore of her eyes whenever she see me. It's all just formal and . .cold.
Hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako sa nangyari sa'ming dalawa.
Oo, tama siya. We can now move forward and proceed with our own life. But I could not understand myself, why I can't move on.
Hindi ako makaalis sa part kung saan.. buo pa kami na isang pamilya.
We could have been happier together with our child if I never messed it all up.
Pero. . kung mas masaya siya sa ganitong set up. Siguro dapat maging masaya na'rin ako sa kanya ngayon.
Dapat matutunan ko na ngayong buuin muli ang sarili. Pagtuunan ulit ng pansin ang mga pangarap na natigil.
Hindi pwedeng manatili akong nakatigil. Kailangan ko 'ring umusad.
Tulad niya...kailangan ko 'ring maging masaya.
" Don't mind them. " Halos walang pakialam na sambit ni Millet. Partner kami ngayon sa isang pair activity.
Tiningnan ko muli sina Winky at KC pero hindi sila napapatingin sa gawi namin.
Simula ng malaman nila na dinelete ko na 'yung account ko sa Toktok ay biglang nagbago 'yung turing nila sa'kin.
Slowy...they distant themselves from me. Balita eh marami na 'raw followers sa Toktok ngayon si Winky. Well, sa ilang collab ba naman namin, hindi malabong dadami nga 'yung followers niya.
" Akala ko kasi totoong kaibigan sila."
Mapakla siyang ngumiti saka napayuko at sinubukan gawin 'yung activity namin.
" Walang ganun sa mundong 'to, Lexir. Kapag wala ka ng pakinabang sa tao, lalayo na sila sa'yo."
Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya.
Kahit noong nag-aaral pa talaga ako ay iilan lang 'yung naging kaibigan ko. Pero wala talaga akong naging bestfriend.
I doubt if naaalala pa ba ako 'nung mga naging friends ko noon.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...