17: Honeybee Imperial

1K 42 5
                                    

" Iyak "

Tulala akong napatingin sa bata na nasa kama habang walang tigil 'to sa pag-iyak.

It's been two weeks already since she's home.

"Shut up." Huminga ako ng malalim. Ilang gabi na akong walang matinong tulog dahil sa kanya.

Naka-breastfed pa kasi siya sa'kin kaya maya't maya ko 'yung ginagawa.

" Shut up. " Matigas kong sabi kasi sobrang nakaririndi na 'yung iyak niya.

Frustrated akong napatingin sa kisame ng kwarto habang napalabi.

Gosh...I think I wanna give up.

"Uwaahh...uwaah...uwahhhhhhhhh!!"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mapatingin sa kanya.

" I said shut the fuck up!!!! "

Huminga ako ng malalim at parang maiiyak na 'ring tumingin sa kanya.

Natigil sandali sa pag-iyak ang bata dahil sa pagsigaw ko pero kalaunan ay mas lalo lang 'tong umiyak.

Tingin ko yata ay sasabog na ang ulo ko sa kakaisip pano siya patatahanin.

Napatakip ako sa mukha at napahagulhol.

Sinabayan ko 'yung bata sa pag-iyak.

" Honeybee? "

I heard Lexir's voice. Agad kong tinanggal ang mga kamay sa mukha at nakita siyang nag-aalalang napatakbo palapit sa'min.

Kinuha niya ang bata sa kama. Sinayaw-sayaw niya agad ito upang matigil na sa pag-iyak.

Shit. Pag 'yung ama ang gumawa, titigil siya agad sa pag-iyak pero kung ako...mas iiyak lalo.

Umirap ako saka napatayo. Pinahid ko ang mga luha.

" Ayoko na! I'm done with this!!! Uuwi na ako sa'min! "

Lumapit ako sa cabinet at kinuha ang mga maleta. Binuklat ko 'to at kinuha ang mga damit sabay mabilis na pinasok sa maleta.

" Honeybee! " I see Lexir's face turns grim.

Nagsasayaw pa'rin siya para sa bata.

" Hanggang ngayon ba 'yan pa'rin 'yung gusto mong gawin!? Hindi ka talaga naaawa kay Princess?!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa.

Pero sa gulat ko ay may kamay na biglang humila sa'kin patayo.

Nakita ko si Lexir na sobrang galit na napahawak sa'king braso habang karga-karga pa'rin ang anak namin.

Napansin kong nakatulog na pala ito.

" Tumigil ka. Hindi ka pwedeng umalis." Pinipigilan niyang magtaas ng boses pero makikita mo talaga sa reaksyon niya ang matinding galit.

Peke akong ngumiti at binawi ang braso sa kanya.

" Ayoko na Lexir!! Motherhood is really not for me!! " Tumalikod ako at pinagpatuloy muli ang ginawa kanina.

" Ah talaga? Motherhood is not for you?! Tsk. Sana naisip mo 'yan 'nun bago ka lumandi sa'kin!! "

Namumula sa inis akong napasulyap sa kanya.

" Whatever you say! Aalis na ako! Bahala na kayong dalawa!"

" Gaga ..gaga ka talaga! "

Nagising bigla ang bata sa kanyang pagsigaw. Napaiyak na naman 'to.

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon