11: Ailexir Buendia

1.1K 39 3
                                    

" Maldita "

Sinipat ko sa salamin ang ilang pasa sa mukha. Sobrang itim ng ilan sa mga ito.

Katatapos ko lang gamutin ang mga 'to pero kahit isang linggo na ang nakalilipas pero 'yung hapdi at kirot ramdam ko pa'rin.

Lumabas na ako ng banyo at nakita si Honeybee na naghahanda.

Teka? Saan siya pupunta? Bakit naka-school uniform siya?

Saka..ang awkward niyang tingnan sa maluwag na uniform. Pero nang makita ang malaki niyang tiyan ay natahimik ulit ako.

Halatang-halata na buntis talaga siya. Hindi bagay na ganyan ang sitwasyon niya tapos nakasuot pa ng school uniform. Parang napakasamang ihemplo ng dating.

Estudyanteng buntis.

Hindi maganda tingnan.

Lumapit ako sa kanya.

" San ka pupunta? " Hindi niya ako sinagot at may pinasok lang na ilang folder sa kanyang shoulder bag.

" Honeybee.. sabi ni daddy..samahan kitang magpa-check up ngayon."

Wala pa'rin siyang imik.

Simula ng bumalik ako 'rito ay ganito na ang pakitungo niya sa'kin.

Parang wala ako sa harap niya kung ituring.

Kung tutuusin dapat ikatuwa ko 'to pero minsan nakakairita na'rin.

Siya na nga 'tong nakikitira sa'min. Siya pa 'tong ma-attitude.

" Hoy babae...sumagot ka nga!"

Walang gana siyang sumulyap sa iritable kong mukha.

" Wag mo na ako samahan. Saka pwede ba..huwag mo nga ako kausapin!"

Napakurap ako nang parang hangin lang siyang mabilis na lumagpas sa'kin. Natinag pa ako sa malakas na paghampas ng pinto sa kwarto ko.

Loading akong napatingin sa nakasarang pinto.

Ano 'yun?

What the heck?!

Nagpupuyos ang loob na sumunod agad ako sa kanya.

Akala ko nagbago na siya pero ganun pa'rin talaga ang ugali niya! She's still that brat that I know!

" Hoy Honeybee!!" Hindi siya lumingon at nagtuloy-tuloy lamang sa pagbaba sa'ming mataas na hagdan.

Lokang babaeng 'to! Ang bilis bumaba! Paano kung madulas siya?!

Eh di makukunan siya!

Shit. Maldita talaga nang nagtuloy-tuloy lamang 'to sa paglabas ng bahay.

" Hoy Honeybee! Hindi ka kakain??!"

Sinundan ko siya hanggang labas ng gate namin.

Sinubukan niyang maglakad patungong labasan ng subdivision.

Hinabol ko at hinablot ang mga kamay.

" Ano ba! Umalis ka nga!! " Binawi niya 'yung kamay sa'kin at galit na tumingin.

" Hoy babae...ano bang gusto mo ha? Mahimatay sa gutom?! Kumain ka muna! Saka ..hindi ka ba nahihiyang pumasok ng school na ganyan ang tiyan?!"

Mapakla siyang ngumiti pero puno pa'rin ng galit ang reaksyon.

" Wala kang pakialam! Late na ako!"

Ha? So pumapasok pa'rin siya sa ganyang kalagayan?

Grabe..ni hindi siya na expel?

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon