" HINDI SIYA BAKLA!"
" Waahh!!! Ang gwapo ni Tolome Nijiro!!! Look Honeybee!!"
Tinatamad akong nag-angat ng tingin at nakita si Bartolome na dumaan.
Inikot ko ang mga mata saka nagpatuloy muli sa paggawa ng origami.
Malapit ko na mapuno ang isang garapon at balak kong e-regalo 'to kay Lexir.
I mean kuya Lexir.
Hehe. Kukuyahin pero sa huli jojowain!
" Hi Honeybee!" Hilaw akong ngumiti kay Bartolome at nagpatuloy lang ulit ako sa ginagawa.
" Sabi! Dedma lang sa pinaka-gwapong heartthrob ng school?"
I smirked and put the finished origami to the bottle.
" May mas gwapo pa sa kanya."
I know Reilin is in awe of who that be.
" Sino??"
Nang matapos ako sa last piece ay tinakpan ko na ang garapon.
" Si Ailexir Buendia. Likeduh Rei, hindi mo ba alam 'yun?"
Eksaherada siyang napangiwi saka napaismid.
" Ha? Di ba bakla 'yun?"
Parang kumidlat nang sabihin niya 'yun. Mabilis akong napakurap.
Bakla? Si kuya Lexir? Tsk. No way. I mean. . saang banda ang bakla 'run?
" Sino maysabe? Gigilitan ko!"
Biglang hinila ni Rei 'yung buhok ko.
Aray! Masakit sa anit 'yung ginawa niya ha!
" Hoy.. kalat na dito sa school na bakla 'yun. Yuck Honeybee! Bakit ka magkaka-crush sa bakla?!"
Ako naman ngayon ang humila sa buhok niya.
" Hindi siya bakla! Mahinhin at malamya lang siya kumilos, pero lalaki 'yun!" Humalukipkip ako at inikot ang mga mata.
" Weh, balita crush niya 'yung kuya mo."
Napadilat ako at hindi matanggap ang mga pinagsasabi niya.
" Hoy babae! At san mo naman 'yan nasagap na balita ha?!"
She tiredly roled her eyes and give me an irritating look.
" Honeybee, kalat na kaya sa campus. Ano ka ba! Wag ka nga magbulagbulagan sa katotohanan. Forget about Ailexir. Andyan si Tolome oh, sobrang head over heels sa'yo."
Ang sarap batukan ni Rei.
Ganern? Paladesisyon ka 'te sa lovelife ko?!
" Yun bagay pa kayo. May lahi 'yung Japanese. " Umirap lang ako.
" Si Kuya Lexir din naman parang Koreano. He look a lot like Cha Eun- Woo!" Kinikilig kong sambit.
Yes, kamukhang kamukha niya talaga 'yung koreanong bida sa True Beauty.
Napanguso siya at maarteng hinawi ang buhok.
" Gwapo nga, bakla naman!" Ang sarap sumapak ng kaibigan. Si Rei uunahin ko!
" Tigilan mo 'ko Rei. Si kuya Lexir lang 'yung gusto ko. Forever na 'yun! I swear, magpapakasal kami pagdating ng tamang panahon. Magkakaanak at hanggang sa huli kami pa'rin!"
Imposeble niya akong tiningan.
" Baliw..bahala ka. Mangarap ka hangga't gusto mo. But I swear, hindi magiging kayo. Lalaki naman gusto 'nun."
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...