" Lies "
" Lexir. . si Princess. .ang taas ng lagnat!"
Mabilis akong napadilat mula sa malakas na pagyugyog ni Honeybee sa'kin.
Mahimbing akong natutulog sa couch dito sa'king kwarto. Salitan kami ni Honeybee sa pag-aalaga kay Princess. Since kapapanganak lang niya kaya naman inaaalalayan ko talaga siya.
We stop going to school coz we need to focus first on our child. Aside sa nag-aadjust pa kami bilang mga bagong parents, eh narealize namin pareho na sobrang hirap talaga magkaroon ng anak.
Lalo kapag humantong sa ganitong pagkakataon na sila ay magkakasakit.
Naalimpungatan man pero nagising na ako ng tuluyan. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at hating gabi na pala.
Nakita ko si Honeybee na sobrang puyat at umiiyak.
She's tense. Panic is in her eyes.
Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
" Honeybee..tahan na. Asan ba si Princess? "
Tumingin siya sa kama at napakunot naman ang noo ko.
Teka,.asan ang anak ko?
To my surprise may isang bata ang umiyak. Hindi ko batid kung saan nanggagaling 'to pero nang mapagtanto kong nasa ilalim 'to ng kumot ay doon na ako napatakbo patungo sa higaan.
Mabilis kong hinila ang comforter at tumambad sa'kin si Princess na halos namumula na sa kaiiyak.
Agad ko siyang kinuha at shit . .muntik ko na 'tong mabitawan nang maramdamang sobrang init niya!
Lumapit agad si Honeybee sa'min.
" Lexir..anong gagawin natin? Should we call manang or tito Pancho? "
Dahil na'rin sa ilang araw na pagod at walang matinong tulog ay mas naunahan ng inis 'yung pag-aalala ko sa nangyayari.
" What?! Are you dumb?! Bakit sila ang tatawagin na'tin? Di ba dapat isugod na na'tin siya sa ospital? And what are you thinking?! Bakit mo siya tinakpan ng kumot?! Ha?! Gusto mo ba siya patayin?!"
Nanlaki sa gulat ang mga mata niya.
She's still in her soft sobs. Napayuko siya at napaiyak lalo.
" Eh..sobrang taas na ng lagnat niya. Akala ko kapag kukumutan ko siya ay pagpapawisan siya! Baka sa ganung paraan bumaba na 'yung lagnat niya."
Gosh.. I don't know what to do in her stupidness!
Ano akala niya sa three month old baby, malaking tao?!
" Hindi mo ba naisip na baka hindi siya makahinga sa ginawa mo?! Nag-iisip ka ba talaga?! Ha?! "
Napahagulhol na siya. Sumabay naman sa pag-iyak niya si Princess.
Oh my gosh. Mawawasak yata ang ulo ko sa mag-inang 'to!
Ilang sandali pa ay ipinatawag na ni daddy 'yung driver namin upang masugod na si Princess sa hospital.
Pagkarating ay agad na chineck 'yung vital signs ni Princess. Nag-undergo 'rin ng mga test..at lumabas sa resulta na may Pneumonia siya. Sabi ng pedia niya ay hindi pa naman huli ang lahat. Mabuti at nadala namin agad ang bata sa hospital kaya nalapatan ng antibiotic.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa nalaman.
Madaling araw at sobrang ngarag ko na sa pakiramdam. Kahit mahimbing nang natutulog si Princess pero hindi pa'rin mawala sa mukha ni Honeybee ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...