18: Honeybee Imperial

1K 38 4
                                    

" kung sana "

1 year after...

" Honeybee!!! Welcome back to school! I miss you so much! " Niyakap ako ng mahigpit ni Rei.

Grade 12 na siya ngayon habang ako ay magsisimula pa lamang sa Grade 11.

" Y'know what I hate you. Bigla ka nalang nagbago."

Umirap ako at kunwari iiwan ulit siya. Pero hindi pa ako nakalalayo ay may humila na agad sa'king mahabang buhok.

" Aray!"

Nakita kong napahalakhak si Rei na nakasabay na pala sa'kin sa paglalakad.

Katatapos ko lang mag-enrol at sa lunes pa ' yung pasok.

" Maldita ka pa'rin talaga hanggang ngayon, Honeybee!"

Rei is the only thing that remain constant in my life. Even in those times that I am ignoring her, she never leave me.

Nang makapanganak ako ay palagi siyang dumadalaw sa'kin sa bahay ng mga Buendia.

Hindi siya tulad ng ibang tao sa school na ginawang malaking bagay 'yung pagkakabuntis ko ng maaga.

Alam ko palagi niya akong pinapangaralan tungkol sa pagkabaliw ko 'nun kay Lexir. Pero simula nang manganak ako, hindi na siya ganun.

Excited pa nga siyang maging ninang ni Princess.

" Alam mo ba, classmate kami ngayon ni Tolome." Excited niyang saad sa'kin.

" Talaga..wow. Good for you. May chance ka na sa kanya." Alam ko naman na noon pa 'to may crush kay Bartoleme. Sa akin lang nito tinutulak kasi ako ang crush 'nun.

Umirap lang siya sabay napaismid.

" Likeduh..ikaw naman gusto 'nun." Napanguso siya sabay abresyete sa'kin habang naglalakad pa'rin kami.

" Rei... may anak na ako. Wala akong panahon sa mga crush-crush na 'yan."

And it's true. Seems like I feel like skipping my teenager phase because of Princess. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi kapakanan niya.

Good thing tito Pancho shoulder all the expenses in my school. Kahit paano, I'm thankful na nakabalik ako sa pag-aaral.

Pero hindi na para sa mga walang kwentang bagay kundi para makapagtapos. Upang sa future mabigyan ko ng magandang buhay si Princess.

Kailangan kong maging successful sa buhay para sa anak ko. Balang araw makakaalis din kami sa poder ng mga Buendia. Hindi na kami aasa sa kanila.

As for my parents, mukhang tuluyan na talaga nila akong ipinaubaya sa mga Buendia. Tingin nila, hindi na ako karapat-dapat pabalikin sa bahay namin dahil sa nangyari sa'kin.

Hanggang  ngayon yun pa'rin ang isang dahilan sa malaking sugat ko sa puso.

Losing my parents by becoming a parent feels like the universe is telling me a big joke.

Hindi ko alam kung darating ba ang panahon na matatanggap ako muli ni daddy.

" Honeybee..bata ka pa'rin naman. Y'know..hindi natapos 'yung buhay mo sa pagkakaron ng anak."

I timidly smile at her.

She can easily said that coz she's not in my place. Kapag may anak ka na, nag-iiba na 'yung disposisyon mo sa buhay. Nag-iiba na 'yung tingin mo sa mundo.

" Ano? Crush mo pa'rin 'yung baklang Lexir? Ha?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

Crush ko pa nga ba si Lexir?

" Well..sabagay.. hindi mo na siya maaalis sa sistema mo. She's a big part now of your life. Siya 'yung tatay ni Princess."

Hindi pa 'rin ako nagsalita.

Malungkot akong napatanaw sa kawalan.

Kung meron mang nakakubling katiting na damdamin na naiwan pa sa puso ko para sa kanya ay mananatiling nakakubli na lamang 'yun.

Bakla siya. Hindi ko na 'yun mababago pa.

Good thing na kahit bakla siya. Nagpaka-tatay pa'rin siya kay Princess.

One day when we mature at malaki na si Princess, sana maintindihan ng anak ko 'yung sitwasyon namin ng tatay niya.

" Honeybee.. hoy..are you still with me? " Rei snap her fingers.

Ngumiti ako ng alangan sa kanya saka nagpaalam na.

Tumakbo ako palabas ng school at nakita ang itim na SUV na naghihintay sa'kin.

Pumasok agad ako sa loob 'nun at nakita yung buhay ko.

I mean si Lexir habang karga-karga 'yung anak namin.

Lexir smile at me when he see me.

" Hey...kumusta? Tapos ka na mag-enrol?" Tumango ako sa kanya at kinuha ang bata.

Ngumiti ako sa bata at tuwang tuwa naman ito nang karagahin ko.

" Ma..ma.."

Niyakap ko siya at tila napuno yata ng saya ang puso ko.

Lexir is just as happy seeing us.

Napakurap ako at napalunok.

" Sege na..ikaw naman. I'm done." Tumango siya saka nagpaalam na sa'kin.

Katulad ko ay hindi 'rin siya nakabalik sa pag-aaral. Kahit pwede naman siyang makabalik na last year pero hindi niya ginawa.

He stayed still by my side, taking good care of Princess.

Kahit dalawang taon siyang natigil dahil dito, pero hindi niya 'yun sinumbat sa'kin.

Ayaw niyang iwan ako baka kasi maisipan ko 'raw na umalis. Pero sinabi ko naman sa kanya na hindi na ako aalis pero hindi pa'rin siya napanatag.

" Oh bumalik ka yata agad?" Takang tanong ko sa kanya habang nagpapadede kay Princess.

" Naiwan ko 'yung report card ko." May kinuha siyang envelope sa seat niya kanina.

Napa-'ahh' lang ako saka tiningnan si Princess.

" You sure, you okay here without me?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya nang tanungin ako.

Natigilan ako.

He's always like this.

Bothered that if he leave me even for a bit, he's afraid that when he come back, he won't see me at all.

Napatitig ako sa kanya ng marahan.

" I'm just here Lexir. Don't worry hindi ako aalis."

Natigilan din siya sa narinig sa'kin.

Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.

Nag-aalala siyang napatingin kay Princess.

" Just don't leave us, okay?"

Huh?

" Kahit anong mangyari..wag mo kami iiwan..Honeybee."

Nakaalis na si Lexir pero 'yung sinabi niya pa'rin ang naririnig ko.

Mahimbing na ngayong natutulog si Princess.

Napabuntong hininga ako.

" Yung bakla mong daddy, anak.. takot maiwan."

Isang simpleng ngiti ang sumilay sa labi ko.

If only his heart was in the right place, I would never be like this.

Kung sana...hindi nalang siya bakla.

Kung sana..naging totoong lalaki nalang siya.

Kung sana...haaay.

Marami pang sana.

Pero nalungkot lamang ako sa mga iniisip.

Kung sana nga Lexir... mahal mo 'rin ako.

Princess and I, will never leave you someday.

GAY DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon