" Diary "
Sabi nila kapag nasa matinding kaligayahan ka ngayon, expect mo nalang daw na bukas o sa susunod na araw..bigla ka nalang malulungkot.
Matinding kasiyahan 'to kaya naman matinding kalungkutan din ang kapalit.
Nasa kwarto niya ako ngayon. Nagkukulong.
Gusto ko lang naman suyuin niya.
Gusto ko 'ring maranasang suyuin kapag natatampo.
Pero mukhang...walang hanggan na tampo na yata 'tong mararamdaman ko sa kanya.
It was only an accident. Hindi sinasadyang nakita ko ang diary niya at pagdiskitahang basahin habang hinihintay siyang suyuin ako.
Dear Baby,
Napangiti ako.
Interesado sa kung anong sinulat niya para sa'ming anak.
Pero..
Nang makita ko ang petsa kung kailan 'to isinulat ay doon na nawala ang ngiti ko.
It was dated before we have a child.
Noong panahong hinahabol ko pa siya.
Shit. Sinong baby 'tong tinutukoy niya?
Today inannounce ni Honeybee sa lahat na may relasyon daw kami.
Pero hindi naman 'yun totoo. Pinilit niya ako. Maniwala ka sa'kin baby.. wag ka naman magalit. Ikaw pa'rin ang mahal ko. Wala ng iba.
Napalunok ako. Hindi handa sa susunod na malalaman.
Alam mo naman 'yang kapatid mo, sobrang obssessed sa'kin. Baliw na yata yang kapatid mo Haiden. Alam mo bang gusto pang makipagsex sa'kin!
Kanina nang makita kita sa likod. Gusto ko sanang yakapin ka ng mahigpit at i-assure sa'yong ikaw lang talaga 'yung mahal ko. Pero hindi ko magawa kasi alam kong andyan si Honeybee.
Napakurap ako at huminga ng malalim.
Tears start to form in my eyes when I realize who's the baby he's reffering to.
Binuklat ko pa ang ibang pages lalo na dun sa may dear baby.
Haiden.. katulad mo, gusto ko 'ring ipagsigawan sa lahat 'yung relasyon natin.
Pero anong sasabihin ng mga magulang natin sa relasyong ito? Baka itakwil ako ni daddy.
Napaluha na ako ng husto. May relasyon sila?
Haiden.. hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Honeybee. Buntis 'daw siya at ako ang ama!
Baliw na talaga yang kapatid mo!
Haiden.. patawarin mo ako kung tatapusin ko na ang lahat sa'tin. Masaya ako sa limang buwan nating pagsasama. Malayo sa pamilya natin.
What?! Yung limang buwan na lumayas siya ay kasama pala niya si kuya?!
Kaya pala palaging umaalis si kuya ng bahay 'nung mga panahong 'yun.
Pero nabuntis ko pala talaga 'yung kapatid mo.
I'm sorry kung siya ang pipiliin ko. Magkakaanak na ako sa kanya. Ayokong madamay 'yung bata sa lahat ng kasalanan namin ni Honeybee.
Haiden..ang hirap mabuhay na wala ka. Masakit man 'yung mga bugbog mo pero masaya akong kahit dun naramdaman ko kung gaano mo ako kamahal.
Believe me..ako 'rin. Gusto 'ring magwala sa nangyayari ngayon.
Kung bakit kailangang mangyari sa'tin to. Para akong nakakulong. Hindi makawala sa babaeng 'yun.
BINABASA MO ANG
GAY DADDY
RomanceLumaki si Ailexir Buendia na hirap ipakita ang totoong katauhan sa pamilya sapagkat halos lahat ng lalaki sa pamilya Buendia ay nasa military nagtatrabaho. Sa paaralan at bahay, alam ng lahat na lalaki siya. Pero sa puso't isipan niya ay isa siyang...