Chapter 7

66 0 0
                                    

GIFT...

Napataas ng kilay ko ng mapansin na panay ang pagtitig ni Aristaeus doon sa mga paper bags na sa likod namin. Mas tumatagal talaga ang titig niya doon sa paper bag na naglalaman ng regalo ko sa kanya.

"Is something wrong? Kanina ka pa titig ng titig sa mga paper bags nasa likod." Tanong ko sa kanya, bago ako lumiko ng daan. Ayos talagang magmaneho ng ganitong oras dahil hindi masyadong traffic.

"Nothing. binibilang ko lang sila. Parang kasing doumoble ang bilang nila." Seryoso niyang saad na siyang kinahalakhak ko. Bahagya ko siyang sinilip hindi na siya na katingin sa likod namin, bagkus ay nakatingin na ito sa labas habang nakahalukipkip ang mga kamay niya sa kanyang dibdib.

"See, tama ako. Marami ka na talagang nainom, kung ikaw ang nagdrive baka mapahamak tayo." Naiiling kong sabi, marahan ko ulit siyang sinulyapan pero nakita kong napakit na siya. Psh... pangit mo talagang kasama Aristaeus!!

Ilang minuto pa ay nakapasok na kami sa subdivision. Maingat kong iniliko ang kotse sa kanto namin. Ilang mga bahay lang ang na daanan namin bago ko marating ang bahay namin. Marahan akong lumabas sa kotse ni Aristaeus bago ko pindutin ang doorbell ng bahay. Ilang saglit pa ay binuksan ni Ate Sally yung isa gate na daanan ng tao.

"Ate Sally puweding paki bukas yung isang gate, pakitawag na rin si Tatay Carlos magpapatulong akong i-akyat sa taas si Aristaues nakatulog kasi siya." Wika ko sa kanya na siyang kinatango niya.

"Sige teh,pagbubuksan ko lang kayo ng gate bago ko puntahan si Tatay Carlos." Sabi na siya sa akin na siyang pinaghingi ko ng pasasalamat.

Mabilis ako bumalik sa loob ng sasakyan. Mamaya pa ay bumukas na ang malaki gate, marahan kong minaneho ang sasakyan papasok ng bahay, pagkatapos ay nag-park naman ako kung saan palaging pinapark ni Aristaeus ang kotse niya.  Nang maipark ko ng maayos ang sasakyan, ay marahan kong kinalabit ang balikat ni Aristaeus pero tulog na tulog parin.

"Aristaeus gising na, nasa bahay na tayo." Pagigising ko sa kanya ng hindi pa siya nagigising. Bahagya ko niyugyog ang balikat niya para sana magising siya, pero tangin pagunggol lang sinagot niya sa akin. Kaya wala kong ginawa kung hindi ang hayaan siya. Ilang minuto rin naman ang lumipas ng dumating si Tatay Carlos para akayin siya.

"Buti sabay kayong umuwi ngayon mag-asawa." Wika ni Nanay Lourdes habang nilalampaso ang sahig. Bahagya kasing nalagyan ng suka ni Aristaeus ang sahig bago ito tuluyang pumasok sa banyo at nagsusuka. At dahil sa pag-alala ko sa kanya kanina ay sumama ako sa loob ng banyo kanina para alalayan.

"Saktong hong nagkita kami sa Skylight, hinatid ko po kasi Blaire doon dahil lasing rin. At saktong papauwi na daw po si Aristaeus mula sa pagbista niya kaibigan kaya isinabay niya lang po ako.  Ang kaso mukhang na kainom kaya ako po ang nag-volunteer na magmaneho." Pagkukuwento ko Nanay Lourdes habang kumukuha ng pamalit na damit para sa lasing na si Aristaeus.

"Sigurado ka bang, ikaw nalang ang magpapalit sa kanya? Mukhang kasi pagod kana." Nag-alalang saad ni Nanay Lourdes sa akin ng maupo ako sa kama, sa tabi ni Aristaeus.

"Ayos lang po ako Nay. Sige na po ako ng bahala, pagkatapos ko naman po siyang palitan magpapahinga na ho ako." Tugon ko kay Nanay Lourdes na siyang kinatango niya.

Marahan kong binasa ang bimpo sa palanggana pagkatapos ay pinalapit ko ito. Dahaan dahan kong pinunasan ang muka ni Aristaeus. Napakaamo ng mukha niya ngayon, malayong-malayo sa palaging nakasimangot at seryosong mukha niya kapag nakagising. Hindi ko tuloy imaiwasan pagmasdan ang features ng guwapo niya mukha.

Makapal ang naka-arko niya kilay, mahaba kanyang pilikit mata, matangos ang kanyang ilong at ang mapula-pula niya labi. Lahat iyon ay nagkukumpilma sa kaguwapuhan niya. Kaya hindi ko rin minsan masisi ang mga tao lalo na ang mga kababaihan na mapatingin sa kanya.

In Your EyesWhere stories live. Discover now