Chapter 17

67 0 0
                                    

WILLING...


Kanina pa ako nakatayo sa may pampanga nakataas ang kaliwa ko kamay habang hawak ang cellphone ko. Sinubukan kong magsend ng message kina Owen at Abigail para naman aware silang hindi ako makakapasok. Dalawang araw palang kami isla pero parang ang tanggal ng oras.

Kaya ng ibaba ko phone dahil sa ngalay ang kamay ko ay nakita kong nasend iyon. Grabe yung tuwa ko kasi nasend yon kahit one to two bars lang ang signal.

Ilang minuto pa ay nakatanggap ako ng text messages. Agad kong binasa ang mga iyon. Halos tinatanong lang kung nasaan ako, at yung mga replies nila Owen at Abigail sa text ko kanina. Pero hindi ko talaga inaashan yung isang text message galing kay Clyde.

Clyde

Inom tayo

See you po my beloved jewel

Ps. I have a great time last time, ulitin natin ;)

Gago talaga ang isang toh kahit kailan. Magrereply sana ako ng biglang umangat ang cellphone ko. Doon ko napansin hawak-hawak na ito ni Aristaeues.

"Ano ba cellphone ko yan!!" Reklamo ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako ng masama.

"No cellphones allowed here. Kaya akin na muna toh." Malamig niya saad bago binulasa ang cellphone ko.

"Ano nanaman imbento yan ha?!!" Naiinis ko wika sa kanya na siyang mas lalo niya kinasama ng tingin niya.

"How do you enjoy this vacation kung puro cellphone mo ang hawak mo?" Pagdadahilan niya na siyang kinaiirap ko.

"Psh... ewan ko sayo!! Ang daming mo arte sa katawan." Saad ko bago ko siya talikuran. Makapagkulong na ngalang sa kuwarto ko. Kaniinis talaga tong lalaking toh. Nakakailang hakabang palang ako ng bigla ako kabigin ni Aristaeus sa braso pagkatapos noon ay binuhat niya ako na parang bagong kasal. Wala na nalasaw na yung iniis ko.

"Ibaba mo ako!! Ano ba Aristaeus!!" Kunwaring pagmamaldita ko na siyang kanyang nilingan.

"Pasalamat ka at binubuhat pa kita kahit ang bigat-bigat mo." Seryoso niyang saad na siyang kinaiinis ko. Siraulo talaga toh kahit kailan.

"Eh di sana, hindi mo na lang ako binuhat." Wika ko kasabay noon ang pagirap ko sa kanya.

"Wala eh trip kitang buhat ngayon. Kaya wala kang magagawa." Nakangisi niya sabi na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ang bilis niya talagang magiisip kung paano niya papawin ang inis ko. Wala na talaga... siguradong sigurado na mahal ko na talaga ang lalaking toh.

Sabay kaming kumain ng tanghalian. Siya ang nagboluntaryong nagluto sa kinain naming ulam, habang ako naman ang naghugas ng plato. Ayaw panga niya ako papaghugasin ng plato kaya lang kinulit ko para pumayag.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako na matutulog muna ako dahil inaantok ako dahil sa sobrang kabusugan. Ang sarap naman kasi talaga niyang magluto. Mukhang tataba ata ako nito.

Nang alas kuwatro ng hapon ay niyaya ko si Aristaeus na magtampisaw sa dagat. At mabuti na lang ay hindi siya tumanggi. Nagpaalam muna ako saglit sa kanya na magpapalit muna ako ng damit pampaligo bago ko siya sundan sa dagat.

Mabilis akong naghanap ng puwedeng kong suoting damit. Hanngang sa mapadako ang tingin ko sa isang pares ng two pieces. Hindi naman yon ganon karevealing pero hindi ko maiwasan mamula at maginit ang pisingi dahil sa isipin na baka si Aristaues ang pumili ng damit na ito.

At mas lalo pa ata akong namula ng magkasya iyon sa akin. Para bang alam na alam ni Aristaues ang sukat ng katawan ko. Pilit kong iwinawaksi ang isipin iyon hanggang sa makababa ako.

In Your EyesWhere stories live. Discover now