PAIN...
Ilang araw lang nanatili sa ospital si Aristaeus bago ito tuluyang nakuwi sa bahay. Sa ilang araw na nanatili siya doon ay pahilim ako bumibisita sa kanya, lalo na kapag alam kong tulog siya. Ayaw kong magpang-abot kaming dalawa dahil hindi nakakabuti sa kanya ang stress na maaari kong idulot sa kanya.
Habang nakabakasyon para magpagaling ay ako muna ang nagaasikaso sa mga gingawa sa opisina. Halos hindi ko ng maasikaso yung business ko dahil sa sobrang busy ko sa pagpapatakbo ng kumpanya. Mabuti na lang tumulong kahit papaano si Blaire sa pagmamanage ng Creation atsaka ng Brewtiful Day.
Napapikit ako ng biglang sumakit ang noo ko. Sa sobra atang dami ng binabasa at kailangan pagaaralan ko mga papales ay biglang sumakit ang noo ko. Kaya marahan muna akong pumikit at magpahinga ng saglit bago magpatuloy.
Hindi ko puwede pilitin ang sarili ko dahil kapag nasagad ako walang magmamanage sa kumpanya ito. Hanggat kaya ko, ay titiisin ko ang lahat para maging maayos ang takbo ng kumpanyang pinaghirapan ni papa at ni Aristaeus.
Halos kalahating oras ata ako nagpapahinga dahil inaalala ko rin ang mga mata ko. Hindi ko puwede masyadong pagurin ang mga mata ko dahil baka mapaano nanaman ako.
Habang nakapikit ay narinig ko ang marahan pagkatok sa pintuan ko bago ito nagbukas-sara.
"Mrs. Nagorder ako ng paborito niyong blueberry cheese cake at coconut milk shake, para makapagmiryenda na po kayo." Pagpaalam sa akin ni Harris sa akin. Pero ewan ko ba naririnig ko palang ang blueberry cheese cake ay para gusto kong sumuka.
"Harris puwede bang icancel mo yung order mong blueberry cheese cake, para hindi ko masyadong bet kainin ngayon. Puwede bang tatlong alcapone donuts yung ibili mo sa akin." Pakikisuyo sa kanya, habang nakapikit kong hinihilot ang noo ko.
Nang makauwi ako ay nakaamoy ako ng parang bulok na pagkain na nangagaling sa kusina !! Mabilis akong umakyat pataas dahil naduduwal ako sa amoy nito. Ano yon bakit ang baho!!
Naiiyak ako habang naduduwal, kahit wala akong masyadong kinain ay parang gusto kong isuka ang mga laman loob ko. Parang hindi ako mapakali na hindi ko mailabas lahat ng nasa loob ng katawan ko. Ang sakit, hindi ko mapigilang umiyak. Ano bang nangyayari sa akin??
Isang oras akong nagkulong sa kuwarto ko bago ako bumaba para kumain. Habang kumakain ako ay napapansin ko parang napapadami ang kinakain ko. Kahit matakaw ako ay mas lalo ata akong tumakaw ngayon.
Nang linggo ay nagyaya si Blaire na kumain kami sa Brewtiful Day, dahil miss na miss na daw niya ako. Saktong wala naman akong gagawin para sa araw na iyon.
Medyo inagahan ko ang pagdating para kamustahin kay Abigail at Owen ang takbo ng business ko. So far ay ayos lang daw ang mga toh, at mas kinaganda pa ay unti-unti umaangat ang revenues namin kesa sa dati na siyang kinatuwa ko.
Nang oras na para magkita kami ni Blaire ay umakyat na ako. Pero imbes na tumuloy papasok ay mas pinili ko sa labas umupo. Para kasi naduduwal ako ng bukas ko palang yung pintuan. Ano bang nangyayari sa akin?? Noong isang araw pa toh.
Nang makita ko si Blaire ay kapansin pansin ang pagiging blooming nito. Ataska feeling ko may nabago sa kanya pero hindi ko alam kung ano yun.
"Bakit ka nandito sa labas? Ayaw mo bang pumasok tayo sa loob?" Tanong niya sa akin ng may ngiti.
"May gusto ko dito, ang presko kasi." Pagdadahilan ko na siyang kinatango niya. Marahan siyang umupo sa kaharap kong upuan.
"Anong gusto mong kainin? Para kasing nagcrarvave ako kumain ng blueberry cheese cake. Diba favourite mo yun na lang din kaya orderin mo?" Nakangiti niya saad na akin na siyang kinaasim ng mukha. Ano ba Radleigh?!! Umaayos ka nga ?!! Tama naman si Blaire na paborito mo yung blueberry cheese cake pero bakit inaayawan mo ngayon?!!
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...