MOTHER...
Kinabukas ay nagmamadali akong pumasok sa cr dahil naduduwal ako. Halos kakagising ko lang pero ganito kasakit ang mararadaman mo. Naiinis ako dahil gusto kong magsuka pero wala akong maisuka. Kung puwede lang iluwa ang mga laman loob ko ay gagawin ko pero hindi.
Nanghihina akong napaupo sa sahig habang naiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako inaiiyak, basta gusto ko lang umiiyak.
Nang mahamasmasan na ako ay marahan kong hinugasan ang sarili ko. Pagkatapos tahimik ko lang tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Simula ng makutuban ni Blaire na buntis ako ay hindi pa ako nagpapacheck up.
Napasinghap ako sa realisasyon na maaari ikakunan ko ang nangyari kagabi. Mariin ako napapikit at bahagyang sinabunutan ang buhok, kaya lang agad ko inaalis dahil biglang kumirot ang sugat ko. Bakit ang malas ko ngayon araw?!!
"Wait... ano nga kasi ang gagawin ko?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin pa rin sa salamin. Limang minuto matapos ko malalman ang kapabayaan ko kagabi.
Bigla ko na alala ang pregnancy kit na binili ko, kaya marahan ko iyon kinuha sa drawer ko at dali-daling ginamit ang mga iyon. Hindi ko maiiwasan ang kabahan habang hinitay ang resulta ng tatlong pregnancy kit na nakaibabawa sa sink ko. Kahit alam ko ng ang sagot ay hindi ko parin maaiwasan ang kabahan.
Mayamaya pa ay lumapit ako sa sink, at ganoon na lang pag-awang ng labi ko ng mapansin ang dalawang linya sa mga pregnancy kit na ginamit ko. Ibig sabihin nito ay... magiging nanay na ako.
Magiging nanay na ako....
Hindi ko mapigilan ang maiiyak dahil sa labis na kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng takot at pangamba ay naibsan ng dahil sa magandang balita ito.
"Hi... baby." Naiiyak ko sabi habang sapo-sapo ang punson ko.
"Hija, hindi ka ba kakain?" Bungad na tanong sa akin ni Nanay Lourdes ng mapansin niya ata na tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papalabas ng bahay. Napansin kong tahimik lang na kumakian sa dining table si Aristaeues. Sorry baby... hindi pa kita mapapakilala sa masungit na yon, medyo hindi pa kasi kami okay. Saka na.
"Hindi na po Nay doon na lang po ako magaalmusal." Nakangiti kong wika na siyang kinatango niya. Para kasing gustong-gusuto kong kumain ng Alcapone donuts ngayon kaya talagang doon ko binabalak kumain ng agahan dahil may malapit naman na donut house doon.
"Si Tatay Carlos po ba nasa labas na?" Tanong ko sa kanya na siya niya ulit kinatango. Nakisuyo kasi ako kay Nanay Lourdes na sabihin na kay Tatay Carlos na magpapahatid ako sa kanya papunta at pauwi sa opisina.
"Oo kalalabas lang para ilabas na yung kotse. Buti at naisipan mong magpahatid ngayon kay Carlos?" Wika niya sa akin na siyang kinagat labi ko.
"Tinatamad po kasi ako magdrive ngayon, kaya heto magpapahatid na lang po ako kay Tatay Carlos." Pagdadahilan ko na buti na lang ay pinaniwalaan niya.
Medyo masakit pa kasi ang balikat ko dahil sa sagutan kaya ayaw ko munang masyadong kumilos. Kung kasi pipilitin kong magmaneho ay baka mapano pa ang sugat ko o ang mas malala ay baka maaksidente ako habang nagmamaneho dahil baka bigla akong tumigil dahil sa maaring maramadaman ko pagkirot nito.
"Sige po mauuna na ako. Mamamaya na lang po." Pagpapalam ko bago lumabas.
Nang magtanghalian ay kumain ako sa labas ang isa sa mga investors namin. Masaya ang diskusyon namin dalawa at madami pa kaming nakapagkasunduan. Kaya ganoon na lang ang saya ko habang pabalik kami sa kumpanya.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...