Chapter 16

70 1 0
                                    

IN LOVE...

Humihip ang malakas na hangin kasabay non ang pagsaway ng buhok ko kasabay ng hangin. Napabuntonghininga ako habang dinadama ang malamig na tubig ng dagat. Halos kanina pa ako nasa labas habang nakamasid lang sa malawak na karagatan.

Hindi na ako pumasok sa loob ng rest house dahil mas naging kalmado ako ng dahil sa tunog ng paghapas ng tubig sa pampang. Sa halos ilang oras kong nasa labas ay hindi ako nagsawang panoorin ang paghampas ng tubig sa may baybayin. At ngayon ay nagpagdedisyonan kong magbabad ng paa sa tubig.

Nang makuntento na ako ay marahan ako lumakad papunta sa rest house ng isla. Pikit mata akong pinihit ang seradura ng pintuan. Bahagyang namuo ang pagtataka ko ng hindi ko makita si Aristaeus.

Marahan ako pumasok sa loob astaka marahan sinara ang pintuan. Papalakad sana ako papunta sa may hagdanan ng mapatigil ako ng makitang bumaba si Aristaeus.

Kapansin pansin ang medyo magulo niyang buhok. Ang mga mata niya ay namumungay na parang bang inaatok. Base sa obserbasyon ko ay mukhang kagigising lang niya. Nagkatagpo ang mga mata namin habang bumaba siya. Tahimik lang akong hinihitay siyang bumaba.

"Did you already eat?" Malumanay niyang tanong sa akin ngunit hindi ako umimik. Bagkus ay tinitigan kong lang siya, at hinayan ko ang sarili kong pagmasdan ang bawat detalya sa mukha niya.

"Gusto mo bang pagluto kita??" Malambing niya tanong sa akin, marahan naman akong umiling bago siya nilampasan. Bakit nakalimutan kong naiinis pala ako sa taong toh dahil sa bigla niyang desisyon na magbakasyon sa islang ito. Hindi ko na talaga alam nararamdaman ko para sa lalaking toh.

"Hindi na, magpapahinga lang ako saglit sa kuwarto." Pagpaalam ko sa kanya bago umakyat.

Nang makakaayat ako ay marami akong naabutan na pintuan sa taas . Napakagat labi ako dahil hindi ko manlang natanong sa kanya kung ano ba dito ang kuwarto ko. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya. Kaya no choice ako kundi buksan isa-isa ang mga pintuan doon.

Napansin kong akin pala ang dalawang maleta dito. Dahil ata sa inis ko ay hindi ko napansin na gamit ko na pala ang mga ito.

Marahan kong nilapitan ang mga ito at marahan binuksan. Bumungad sa akin ang mga damit ko. Kaya naiisipan ko munang magaayos ng gamit ko bago ako mahiga.

Habang nilalagay ko ang mga damit ko sa cabinet ay hindi ko maiwasan magisip kung si Aristaeus ba ang kumuha ng mga damit ko. At sa isipin lang iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako ng paulit ulit dahil alam ko kung ano ibig sabihin ng nararamdaman ko pero natatakot ako aminin yon sa sarili ko.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame ng bahay. Kanina ko pa kasi sinusubukan magsend ng text kina Owen at Abigail na hindi ako makakapasok ng ilang araw pero walang signal. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko para makontak silang pareho. Aish !!bakit ngayon lang kasi nagdesisyon si Aristaeus na magbakasyon kami dito sa islang toh?? Eh di sana nakapaghanda ako!!

Mayamaya pa ay narinig kong kumatok si Aristaues sa pintuan ko. Kami lang dalawa ang tao dito kay siya lang naman ang naiisip na kumatok sa pintuan. Marahan ko binuksan ang pintuan ay bumungad sa akin ang napakaguwapo mukha ni Aristaeus na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin.

"Bakit ???" Tanong ko sa kanya na siyang kinaawang ng labi niya.

"Let's go down stairs. Our dinner is ready." Wika niya na siyang kinatango ko. Mabilis kong niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan para makalabas. Nang makalabas na ako ay sinara ko ito, habang si Aristaeus naman ay tahimik niya akong hinhintay.

Magkasabay kaming bumaba sa hagdaan, pagkatapos ay dumiretso kami sa kitchen ng bahay. May kitchen aisle doon at napansin kong nandoon ang nilutong pagkain ni Aristaues.

In Your EyesWhere stories live. Discover now