Chapter 20

62 1 0
                                    

BEAST...

"Don't touch me... don't come near upon me...please!! Nandidiri ako sa sarili ko. Nandidiri ako...nagsisi akong may namagitan sa atin. You fuck other man, and yet you throw yourself upon me. I can't believe you!! Paano mo nagagawa to?! Pero alam mo yung nakakainis huh?!! Yon yung katotoohanan na hinayaan ko ang sarili ko!!" Ramadam ko yung inis, yung pandiri niya sa akin, lalong-lalo na yung hinanakit niya. Hindi ko magawang umimik at ipagtanggol ang sarili ko na siyang lang... na siya lang ang hinayaan kong ankinin ako pero paano?? Paano ko siya mapapaniwala na nagsasabi ako ng totoo.

"If you want to come with me going back home tomorrow, then stay inside our room. And if you don't... then stay with him. Bahal siyang iuwi ka o dalhin kanya kung saan." Malamig niya utas bago ito mabilis na naglakad habang ako ay naiiwang nakatulala.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo doon sa harap ng pintuan ng hotel room ni Elliott bago ako kusang bumalik sa hotel room namin. Imbis na matulog ako kasama siya ay mas pinili kong dito ako sa couch matulog. Ayaw kong mas lalo siyang magalit sa akin. Hindi ko nga namalayang naiiyak na pala ako...

Kinabukasan, ay halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng tensyon sa pagitan namin. Pinipilit kong hawakan o kausapin siya pero sobrang ilap niya sa akin. Kaya mas minabuti kong sunduin ang gusto niya. Hanggang sa makauwi kami ng araw na iyon ay wala kaming kibuan.

"Namiss kita anak" salubong sa akin ni nanay Lourdes pagkatapos ay mahigpit niya ako niyakap. Parang lahat ng pagod at sakit ng nadinadala ko ngayon ay para nawala ng yakapin niya ako. Mas hinigpitan kong ang pagkakayakap sa kanya.

"Mukhang miss na miss mo ata ako ah. Grabe namang higpit yung yakap mo." Natatawang saad ni Nanay Lourdes na siyang pilit kong kinatawa.

"Nay akyat lang ako." Paalam ni Aristaues habang nasa pagitan pa rin kami ng pagyayakapan namin ni Nanay Lourdes.

"May problema ba kayo? Bakit ganoon katamlay ang boses ng bata yon?" Naiiling nawika ni Nanay Lourdes habang papasok kami sa bahay.

"Baka lang po na pagod sa biyahe." Pagdadahilan ko na siyang kinatango niya.

"Osiysa magpahinga ka narin alam kong pagod ka. Basta kuwentuhan mo ako kung anong nangyari sa inyo sa Palawan." Naeexcite niya sabi na siyang kinatango ko.

Mabilis lumipas ang isang linggo ay naramdaman ko pa rin kung gaano kailap at kalayo ang loob sa akin ni Aristaeus, pinipilit ko lang na magkunwari na ayos mang kami. Kahit ang totoo ay hindi kami maayos.

"Hindi ka ba pupunta mamamaya sa event ng asawa mo? Balita ko naging successful yung deal kaya may paparty." Wika ni Graver sa akin habang pumipirma ako ng mga papeles. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ang isang to.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya habang nagpapatuloy parin ako sa mga ginagawa ko.

"Gusto ko lang magsorry." Saad nito na siyang kinatigil ko sa pagsusulat at siyang kinaangat ng ulo ko mula sa bahagya pagkakayuko. Anong nakain na lalaking to?

"Ano bang pinagsasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya na siyang kinakamot ng ulo niya.

"Ano kasi... akala ko simple ka lang empleyado dito. Pero bakit di mo sinabi na ikaw palang ang may ari ng cafe at ng shop na ito. Nasabi ko panaman kay Aristaeus na dito ka nagtratrabaho. Kaya mabilis siyang nagpunta dito para bilhan ka ng pagkain. Ako pa yung ginisa niya kung bakit ka daw nagtratrabaho dito kung puweding nasa bahay ka nalang tutal kay ka naman niyang buhayin. Kaya baka naman puntahan mo na siya mamamaya, please." Pagpapacute niya sa akin na siyang kinaiirap ko. Pero sa loob loob ay kinikilig ako sa ginawang effort ni Aristaues.

Napaawang ang labi ko ng maalala yun yung araw na makita ko siya sa shop kasama si Blaire. Yun din ang araw na kumain kami ni Ajax noon at yun din yung araw nag-away sina Blaire at Ajax ng dahil sa akin. Kung ganoon matagal ba siyang naghintay sa akin noon para maibigay niya lang yung pagkain?

In Your EyesWhere stories live. Discover now