CARE...
Nagpantig ang ulo ko sa sakit ng iminulat ko ang mga mata ko. Napakaliwanag ng paligid at parang amoy hospital. Teka na saan ba ako? Ang natatandaan ko lang ay hinihitay ko si Graver na dalhan ako ng Alcapone donuts, pero imbes na si Graver ang dumating ay Harris ang dumating. Pagkatapos umalis ni Harris ay si Estefan Montenegro.... Shit ang baby ko!!
"Radleigh." Pagtawag sa akin noong sino na siyang kinalingon ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiiyak dahil sa kaba at mga hindi magagandang senaryo ang naiisip ko.
"Graver yung... baby ko." Naiiyak kong sabi ng mapagtanton kung sino ang tumawag sa ngalan ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at inalo
Pero parang mas tumindi pa ang pag-iyak ko sa ginawa niya.
"Shhhh...shhhh... tama na tumigil ka na sa pag-iyak. Masama yan para sa baby mo." Napaangat ang mukha sa sinabi niya, nagkatagpo ang mata naming dalawa pagkatapos ay ngumiti ito sa akin.
"Your baby was fine. Muntik lang na wala siya dahil sa pagkakatama mo at sa dami ng dugo na lumabas sayo. So please... if you don't want to loose your baby totally, you must stop that. Tumigil ka na sa pag-iyak okay." Malambing niya sabi na siyang kinasinghot ko. Marahan ko naman hinimas ang puson ko.
Thank you, Lord!! Thank you
And thank you baby... for staying with me.
Ilang sandali pa matapos ako umiiyak ay naikuwento sa akin ni Graver ang lahat ng nangyari. Kaninang madaling araw ay nakatakas si Estefan Montenegro sa kanya kulungan sa tulong ng kanyang mga tauhan at sa pera na nito. Sinasabing sinugod ng mga tauhan niya ang police station na pinagdalhan dito at tinakas siya. Bahagya muna itong nagtago bago ito pumunta sa condo unit ko. Ayon kay Graver ay may balak talaga ata itong pumunta sa condo unit ko, pero hindi niya daw mawari kung bakit. Tamahik lang sa bandang bahaging iyon ng storya niya.
Nasabi rin na si Graver na si Harris ang tumawag ng mga autoridad at siya rin ang nakahuli nito. Wala pa si Harris dahil siya daw ang nagaasikaso sa pagsamapa ng kaso kay Estefan Montenegro. Mabilis daw dumating si Graver ng tawagan siya ni Harris habang hinahabol si Estefan Montenegro. Si Graver ang nagdala sa akin sa hospital. At halos dalawang oras daw akong natutulog, at sa dalawang oras na yon ay abot-abot ang kaba niya. Hindi pa daw nito nasasabi kina Blaire ang nangyari sa akin dahil sa kaba at pag-aalala sa akin.
"Alam mo nagtatampo pa rin ako sayo. Bakit wala kang dalang alcapone donuts." Nakanguso kong sabi sa kanya na siyang kinanganga niya.
"Eh sa nagmamadali na ako naputahan ka kanina, eh papaano pa ako bibili. Atsaka teka nga lang ganyan kaba talaga magpasalamat sa taong nagligtas sayo?" Hindi niya makapaniwalang saad na siya kinaiirap ko lang.
"Eh di thank you. Pero bili mo na ako dali." Bahagya ako nagpacute sa kanya na siya kinatawa niya.
"Ay naku gutom ka na talaga. Oh heto ang orange isubo mo muna." Sinamaan ko siya ng tingin ng isinubo niya nga sa bunganga ko yung orange. Kaiinis gusto ko lang kumain ng alcopones donuts. At mas lalo pa akong nainis dahil tawang-tawa si Graver sa ginawa niya sa akin.
Sabay kaming napalingon dalawa sa may bandang pintuan ng bumukas iyon. Nakita ko si Aristaeus na nakatayo sa may pintuan habang naghahabol ng hininga, mukhang tumakbo ata siya papunta dito. Seryoso itong lumapit sa akin, pero napataas ang kilay niya ng makita ang kasama ko.
"Kailan pa kayo magkakilala?" Takang tanong nito sa amin ng tuluyang makalapit.
"Passed few months. Teka anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero imbes na sa akin siya nakatingin ay kaya Graver ang atensyon niya, habang ang loko ay nakangisng aso.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...