Chapter 23

60 1 0
                                    

ALTA...


Tatlong araw akong namalagi kasama si Mama Evelyn sa replika ng bahay namin. Sa tatlong araw na iyon ay hindi niya ako masyadong pinakilos dahil gusto niya daw na magpahinga muna ako. Alam niya kasi niya na masyado na akong naistress sa ginagawa ko ngayon kaya pina-kidnap niya ako para makapagpahinga.

Sa ilang araw din na iyon ay gumawa din kami ng mga plano kung papaano pababagsakin si Estefan Montenegro. Nasabi ko rin sa kanya na ligtas ang mga ebidensya na ibinigay niya kay lola noon. At kailangan ko lang ay makabalik sa lungsod para makuha ko ang mga iyon at maibigay sa kanya.

Ngayon araw na ang balik ko sa lungsod, pero bago kami tuluyan bumalik ay huminto muna kami sa isang hospital. Nagtataka naman ako sumunod sa kanya ng magpababa siya sa hospital.

"Bakit po nagpababa kayo rito? May masakit po ba sa inyo?" Imbes na sagutin niya ako ay ngumisi lang siya sa akin. Mabalis lang siya sa paglalakad habang ako naman ay todo sunod sa kanya dahil nag-alala ako sa kalagayan niya. Ganoon na lamang ang gulat ko at ang pag-awang ng labi ko ng huminto kami sa Ob-Gyn ward ng hospital.

"Is Mrs. Radleigh is here?" Tanong ng isang nurse na kakalabas lang sa isang kuwarto.

"She is here. My daughter is her." Wika ni Mama Evelyn bago niya ako hinatak papalapit sa nurse.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko iyon masundan. Basta ang alam ko ngayon ay nakahiga na ako sa isang hospita bed, habang kasalukuyan nilalagyan ng cream ang tiyan ko ng isang doktor. Pagkatapos ay itinutok nito ang ultrasound sa akin. Nakangiti naman nakatingin si Mama Evelyn sa monitor kaya nakigaya na lang ako.

"Hmm... your... four weeks pregnant Mrs. Aldana. Congratulations." Saad ng doktor na siyang nagpatigil sa tibok ng puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang may buhay na nilalang na ang nabubuhay sa loob ko. It's very clear and sure na magiging nanay na ako.

May tinanong lang sa akin ang doktor bago niya ako rinesetahan ng mga supplements ng kailangan ko rin inumin. Meron din siyang binigay na booklet sa akin para malaman ko kung ano at hindi dapat kong kainin at gawin. Grabe yung saya na daladala ko ng papalabas ako sa hospital hanggang sa muli ako makasakay sa kotse.

"Mukhang matutwa si Alta sa balitang iyan." Nakangiti wika ni Mama Evelyn sa akin na siyang pinagkunot-noo ko. At mukhang napansin niya ang na ganito ang reaksyon ko.

"Huwag mong sabihin na hindi niya pa sinasabi sayo ang lahat?" Gulat niya tanong sa akin na mas lalong nagpakunot sa noo ko. Kasabay noong ay pagkulog at pagkidlat sensyales na uulan na.


Malakas na ang ulan ng makarating kami sa subdivision ng bahay. Halos hindi pa nila gustong papasukin ang sasakyan namin dahil sa higpit ng securityng buong subdivision sa paglabas masok ng mga kotseng dito. Kung hindi lang nila ako nakita na lulan noon ay hindi nila kami hahayaan na makapasok. Sinabihan ko na rin na huwag ng itawag sa bahay ang pagdating ko dahil mabilis lang naman gagawing paghahatid sa akin ni Mama Evelyn.

"Hanggang dito na lang kami." Wika niya sa akin na siyang kinatango ko.

Dala ang payong na binigay nila sa akin ay mabilis ako pumasok sa gate ng bahay. Halos ginawin ako sa lamig dahil sa lakas ng paghampas ng hangin. Nang nasa sa etrada na ako ng bahay ay mabilis kong pinatay ang payong ko at marahan pinihit ang seradura ng pintuan para tuluyan akong makapasok.

Napatigil si Nanay Lourdes sa paglalakad papunta sa kusina ng makita niya akong papasok sa bahay. Aagad siyang lumapit sa akin at hinyakap ako. Sobrang higpit ng yakap niya halatang sobrang nangungulila siya sa akin.

In Your EyesWhere stories live. Discover now