BLEED...
Kinabukasan ay may natanggap ako package galing kay Elliott. At ito'y walang iba kundi yung vase na ginawa ko noon sa kanya. Naitext ko na sa kanya noong isang araw yung address ng bahay. Kaya hindi ako nagdalawang isip na tawagin kaagad si Mama Evelyn ng matanggap ko na ang hinhintay kong vase.
"Hello Ma. Nandito na yung hinihintay na tin." Sabi ko sa kanya.
"Sige hija, pupunta na ako kaagad diyan." Wika niya bago pinatay ang tawag. Ilang oras lang ay dumating na sa bahay si Mama Evelyn.
"Binuksan mo na ba?" Tanong niya sa akin na siyang kinailing ko.
"Doon po tayo sa baba, dahil kailangan po natin basagin ito." Wika ko na siyang kinatango niya.
Mabilis kaming bumaba dalawa at pumunta sa likuran ng bahay. Buhat buhat ni Mama Evelyn yung vase dahil ayaw niya akong pagbuhatin, kahit magaan lang naman iyon.
Si Mama Evelyn na rin ang nagaalis ng mga bubble wrap nito at sa pagkakalagay nito sa kahaon. Nang tuluyan niya itong maalis sa pagkakabalot ay ay agad ko itong kinuha at puwersahang binagsak iyon.
"RADLEIGH!! AY!!" tili ni Mama Evelyn sa ginawa ko. Nang mabasag ang vase ay may isa pang pabilog na babasagin ang nakita namin sa mga bububog kaya agad ko iyon kinuha at binasag ulit.
Nang mabasag namin iyon ng tuluyan ay nagkatitigan kami ni Mama Evelyn dahil nandoon ang hinahanp niyang ebidensya na magpapatunay sa mga kabalastugan ng kanyang asawa.
Mabilis at marahan niya akong kinabig para yakapin. Na siyang ginantihan ko rin ng yakap.
"Malapit na tayo anak. Malapit na natin mapabagsak ang hayop na iyon. Mapagbabayad na natin siya sa ginawa niya mama mo at lola mo." Naiiyak niyang sabi na siyang kinaiiyak ko rin.
"Pero huwag ka munang aalis dito anak. Huwag ka munang uuwi sa lungsod hangga't hindi ko naikukulong ang asawa ko. Maliwanag ba yon?" Tanong niya sa akin na siyang kinatango ko.
Nang araw din na iyon ay sinamahan ako ni Mama Evelyn na magpacheck up. Natuwa kaming parehas ng sabihin ng doktor sa akin na puwede naming marinig ang heart beat niya.
Kagaya ng una kong check up ay pinahiga nila ulit ako sa isang hospital bed, pagkatapos ay may nilagay silang cream sa tiyan ko. Nang makagayan na ng cream ang tiyan ko ay itutuko na nilang ang ultrasound sa may bandang tiyan ko.
Napakagat labi ako ng marinig ako para tunog ng tambol kung saan. Napatingin ako sa doktor ng may pagtatanong nasiyang kinangiti niya.
"That's the heartbeat of your baby." Wika ng doktor na siyang dahilan upang maiiyaka ako sa saya. Hindi ko alam na ganito pala kasaya na marinig mo ang tibok ng puso ng anak mo. Mas masaya pa ata ako ngayon kesa noong nalaman kong buntis ako.
Oh, my baby... you make Mommy so happy. And I really fell in love with you even though you still developing inside of me. I love my dear baby...
"Your baby was healthy and fine mommy. Continue lang sa paginom ng mga supplements mo at pagkain mo ng tama at masusytansiyang pagkain. At iwasan mo ang stress ha mommy." Nakangiti pagpaala sa akin ng doktor na siyang kinatango ko.
Nang matapos akong magpacheckup ay hinatid ako papauwi ni Mama Evelyn bago ito umalis.
Gaya ng sinabi niya ay namalagi lang ako dito sa Laguna. Na text ko na rin sina Clyde at Graver na baka medyo magtagal pa ako dito dahil sinabi kong gusto ko pang magphinga. Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang mga nangyayari dahil baka ikapahamak lang nila ito. Buti na lang talaga at napaniwala ko sila sinabi kong dahilan.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...