SURPRISE...
Nakatulala lang ako habang kumakain ni pizza. Halos tatlong araw na ako nandito sa bahay. Mula kahapon ng hapon hanggang ngayon ay natapos ko na ang ginagawa ko pati paper works na galing sa mga eni-mail ni Harris, ay tinapos ko na kahapon. Ngayon wala talaga akong magawa. Ayaw kasi akong patulungin ni Nanay Lourdes sa gawing bahay dahil mas maigi na magpahinga na muna daw ako, kasi ang dalang ko na lang maglagi at makapagpahinga sa bahay.
Marahan kong kinuha ang pangalawa kong cellphone dahil tumatawag si Elliott sa akin. Bahagya akong nabuhayan dahil baka meron akong magawa ngayong araw.
"Hi Babe..." masigla kong sabi na siyang bahagyang kinatawa ng nasa kabilang linya.
"Hindi halata sayo na excited kang makausap ako??" Natatawang tanong sa akin ni Elliott na siyang alanganin kong kinatawa.
"Anyway sorry kung hindi ako nagpaparamdam sayo nitong mga nakaraan na araw. I'm in America right now, I had some business to do here. Baka one to two months pa bago tayo magkita. And baka hindi maya't maya matawagin kita kasi medyo busy ako babe. Sorry talaga." Nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya na siyang kinatango ko.
"Ayos lang, basta magiingat ka palagi diyan." Sinseryo kong sabi.
"Hmm... Don't worry. Sorry babe I have to go. Bye." Magsasalita pa sana ako kaya lang ay pinatay na niya ang tawag. Wala akong nagawa kundi ubusin ang pizza kinakain ko.
Pinatay ko na lang ang pagkabagot sa panonood ng penikula sa kuwato ko habang kumakain. Nang magsawa ay pumunta ako sa library para magbasa ng libro hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo.
"Lachlan" pagtatawag ko sa kanya ng may maramdaman lumutang ako sa ere. Dahil sa nilalamon ako ng antok ay hindi ko masyadong naaninag ang taong bumihat sa akin. Naramadaman ko ang paglapat ng likod ko sa kama bago ako tuluyang laminun ulit ng antok.
Nagising na lamang ako ng madiling araw na parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Hindi ko gustong imulat ang mata dahil na tatakot ako sa makikita ko. Pero dahil sa kuryosidad ay marahan kong binuksan ang mga mata ko. At gaanon na lamang ang gulat ko ng makita ang guwapong mukha si Aristaeus sa harapan ko. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Nakaulunan ako sa kanyang braso habang mahigpit naman nakayapak sa bewang ko ang isa niyang kamay. Ang isa naman niya binti ay bahagyang nakadagan sa isa binti ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa nakikita ko.
Marahan kong pinagmasdaan ang guwapo at maamo nkyang mukha habang nasa malalim siyang pagkakaidlip. Marahan kong hinwakan ang mukha niya. Bago ko marahan sinuklay-suklay ang buhok niya. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kong ginagawa ng paaulit-ulit ang paghaplos ng mukha niya at ang pagsuklay sa buhok niya. Basta ang natatndaan ko ay sumiksik ako sa leeg niya at yinakap siya, bago ulit ako makatulog.
Nang Miyerkules ng hapon ay nakipag-usap ako kay Ms. Tori. Humingi kasi akong sample ng product namin. Nakiusap ako sa kanya na huwag sasabihin o babanggitin kay Blaire ang paguusap namin.
Kinabukasan ay nagyaya si Ajax ng brunch . Halos patapos na ako sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay patungkol sa surprise birthday party ni Blaire. Sa Sabado ng umaga kami magaayos para sa birthday party ni Blaire. Sana na nga ay umubra ang plano namin.
As we set, we had brunch together. Medyo napasarap panga ang kuwentuhan namin ni Ajax kaya saktong twelve noon na niya ako naihatid sa shop. Medyo nahihiya pa nga ako sa kanya kasi siya pa ang dumayo dito sa shop ko para lang makapagbrunch kami .
Medyo madami ang mga taong ang dumating kanina kaya hindi ako makaalis. Tumulong kasi ako sa pagaassist ng iba naming customers. Tapos binigayan niya pa ako ng bouquet ng bulaklak at siya rin ang nagbayad doon sa kinain namin kanina. Kaya sobrang nahihiya ako tuloy ako sa kanya. Hinatid niya pa ako pabalik. Nakakahiya talaga !!
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...